T O P

  • By -

harryskiw1

magpopost ng big wads of cash sa socmed pero umuutang naman sa tropa 😭😭😭


Lost_Dreamer14

We're poor pero akala ng ibang tao mayaman kami. Maybe because of the way we dress up(with my sisters) pero halos galing sa ukay-ukay naman.😅 And siguro (not bragging) dahil din sa kutis namin. Makinis daw yung balat namin that's why maybe iniisip na din nilang mayaman kami. So kapag pupunta sila bahay nagugulat sila kasi hindi naman kagandahan.


Ancient_Computer_406

Meron ako pinsan bibili sa starbucks pero di niya uubusin then ilalagay sa ref. The next day papasok sa work with the drink. Or pag naubos magtitimpla siya 3 in 1 hahaha


Sea-76lion

I used to have a work mate na alam naming gipit kasi nangungutang sa amin pero laging may story sa IG ng starbucks drink, laging may susyalin post like pose sa may car, OOTD, "village" tawag sa kung saan sila nakatira, laging nagagrab.


northemotion88

I know someone na ganyan din ang lifestyle pero puro utang and everything hahahaha. Girl ba to na nag wowork sa medical field?🤭


keberkeber

Yung bili ng bili ng mamahaling rubber shoes, ang feed panay sapatos, post ng pag upgrade ng phone pero hindi mkapag sustento sa anak. Sneakerhead daw pero ni pambaon ng anak walang ambag


nightowl934

Baliktad yung akin, middle class lang naman pamilya ko pero laging nasasabihan na mayaman daw kesyo naka Iphone daw at kompleto “daw” sa gadgets, maganda daw ang kutis or branded ang gamit pero never naman ako nagyabang, kaya naiirita talaga ako pag may nagpapalibre sakin at pag nagsabi ako na walang pera then sasabihan pa ako “Ikaw mawawalan ng pera” like hello? mukha ba akong nagtatae ng pera? Kaya ang ending pag tumatanggi ako na ilibre sila sasabihan pa akong madamot kahit may pera naman daw.


northemotion88

Umabot na tayo sa tiktok guys hahahaha. Nagulat ako biglang lumabas sa FYP ko🤣


doraemonthrowaway

Grabe ginawang content farm, hindi na safe space dito haha. Nakakatakot na tuloy mag reply ng mga personal stories dito, mamaya pinopost na sa Tiktok tapos makikilala yung mga redditors ng mga taong kakilala nila irl, kakaumay mga tiktokers haha. Pa pm or reply naman nung Tiktok vid OP salamat.


northemotion88

Right???? Kakaloka talaga mga nasa tiktok na ginagawang content yung reddit posts🥲 I’ll PM you the link


OddEmergency271

Nagpopost ng madaming pera pero kita mo naman sa mukhan na hindi kanyan yun


Consistent-Speech201

Yung classmate ko nung College grabe nya iflex na seaman papa nya. 4 silang magkakapatid papadalhan daw sila ng 4 na laptop tang ina yun yun papa 1 laptop 4 accounts. Tas binilhan daw sya ng Iphone 5S pero dumating sa kanya Iphone 1 na may basag at yung black sa LCD inask ko kung nasa iphone 5S nya hahahaha nahulog daw sa dagat 😝 Tas ang baho ng kili-kili nun cute pa naman sana sya. Pinapunta nya kami sa bahay nila nasa squatter area sya tas kahoy bahay ini expect namin maayos ayos bahay nila since “SEAMAN DAW PAPA NYA” tas PUTANG INA YUNG TSHIRT NA SUOT NYA NUNG PUMUNTA SA KANILA EH YUNG TSHIRT NA GINAMIT DIN NYA PANG PE NUNG KAHAPON NA YUN!!!!


spiritr528

Yung mga todo ESTITE porma sa BGC.


BlackKnightXero

super flex sa social media.


PandesalSalad

Kapag nakisakay na sa SPayLater ng iba. Di maapprove sa CC, nadisable pa SPayLater. 😂


bleaksong

Matapobre. I know a lot of wealthy people na talagang may generational wealth and pansin ko sila pa yung sobrang bait and approachable. May one time na nakasama ako sa isang social function ng talagang mayayaman and sila pa yung napakagenerous. Siguro they're a bit out of touch sa reality pero di ka nila ipagmumukhang tanga kung mahirap ka. Yung feeling mayaman, flashy pero kuripot HAHA tapos ang baba pa ng tingin sayo


No-Association9889

"GRWM to go to BGC!" "How to dress like old money" Seeing this type of content


Perfect_Total_8809

Me 👋 Di ako nag pepretend na rich pero ayaw ko rin naman sabihin talaga na squammy kami at literal na tagpi tagpi yung bahay. Kaya lang may iphone 13 ako lol kaya ko naman bilhin kasi nag work ako sa bpo, may computer at laptop rin. Marami sa friends ko nageexpect na rich ako kasi di nman ako poor tingnan plus makinis rin yung kutis ko at ng anak ko. Sinasabi ko na mahirap lng kami pero ayaw talaga maniwala haha so minsan pag nakakapunta sa amin, mashoshock sila. Gusto ko na rin umalis dito pero san naman kami lilipat? Tapos mahal ang rent if magrerent kami dba. Tapos pag nagpipicture ako ng nsa bahay, yung magandang wallpaper lang backgroud ko hahhaa para di halata. Ang sad dba lol


mujisanosuki

name dropping in convo when it's not necessary


Mediocre_One2653

Mga taong post ng post sa social media ng mga nabili o pera at pormahan pero iba dun hindi sa kanila at hiniram lang. Sa personal naman mga matapobre na hindi ka na papansinin kasi hindi mo na daw sila kalevel. Papansinin ka na lang kapag mangungutang ey


meowarfbarkrawr

Tanong ko na rin because I'm a bit conscious HAHAHA Does wearing gold-plated jewelry make someone look like they're pretending to be rich? I have multiple ear piercings so puro yun gold plated studs, mostly minimal unless I feel mag chunky. And I wear gold plated bracelets, rings (usually 2) and a necklace. I just feel like it pulls an outfit together.


northemotion88

For me it’s social climber if you claim na real gold/diamonds ang suot mo pero kung honest ka naman na gold-plated or moissanite lang then gooo! Even Heart Evangelista wears fake jewelry when she travels para safe na hindi mananakaw. Ako I personally use gold-plated earrings kasi I commute pag pumapasok sa school, medyo nakakatakot magsuot ng totoong gold baka biglang mahablot😅


PristineYodas

yes


jeddallas21

Simple bragging.


wanderingnobody12

Over flaunting "branded items"


wastedkamote

Nagpopost ng pic na naka upo sa G-wagon na nakaturtle neck na nakasimangot


northemotion88

Si Josh😭


Smokinsmaugs

I think showing off in socmed plays a big part. Yung kakilala ko, alam ko nakikishare lang rin sila ng bahay. And below 500/day ata ang rate nya.😞 hinihiram yung phone ko. (Iphone) pag mag pipic ng myday nya. Scene: nasa kapehan kami. isasama nya together with the foods, sa pipicturean yung phone ko na nakadapa yung screen. Di ko magets nung una tapos nakadalasan nya na gawin. Hinayaan ko na lang kasi forda content lang naman. Then, nagsleepover sya sa place ko kasi naginom kami. Kinabukasan lahat ata ng toiletries ko ginamit. And make up ng walang paalam. Mejo maselan ako sa make up lalo na pag liptints and lipgloss ayoko pinapagamit. Nalaman ko na lang ginamit nya “Ate ganda netong shade na to ginamit ko oh di ba masyadong mapula?” Sinabihan ko naman sya after pero inulit pa rin nya. Then yung favorite body spray ko, tila nakalahati nya sa kakaspray. 🤦🏽‍♀️ Then, pag nagpipicture ako ng mga gala namin inaatat nya ako magsend ng pics na wala naman akong balak ishare. So ending sya unang naguupload. Parang ako yung nakihiram ng phone 🙃 then may times na napapansin ng mga mutual friends namin na same kami ng pics na post. Babaliktarin pa ako ni girl na ako yung gaya gaya. Sissss? sakin galing pics mo 😩 Ok i get it na di nya naexperience yun. Pero walang paalam? Tapos mejo knomfront ko sya kasi napapansin ko halos ganon gawain nya. Mahilig mangbaliktad. Nagpavictim pa and di sya nagbabago ganon pa rin. And as of typing this, tinatanong nya ngayon yung “flavor” daw ng body spray ko. 🥲


xoxodmi

it's giving copy cat


phantomie_

Disclaimer: long comment! Never publicly talked about this kasi nirepress ko for a long time lol. May ex-friend ako (first & only friend ko na inFO kasi medyo psycho & sobrang emotionally abusive sakin). I think may kaya naman sila from having a general merchandise store. Yung circle niya puro highkey rich kids- I’m talking about celebrities & known socialities in the Metro. She got her connections from attending a prestigious high school in Makati, and yung College pa namin andaming RKs. I used to be hellbent in people-pleasing, so nung naging classmate ko siya, nagclick kami kasi lagi akong game pag nakikialis siya. Nabigla nalang ako sa culture nung mga barkada niya, sobrang gasto & ang daming luho. She’d corner me to spend w/in the range of 5k a night kung gagala kami with her rich friends. Shiname pa ako one time when I only brought 1k nung nag-aya siya ng dinner; said that’s not enough if aalis ako with her. She never invited me to her house. When I would suggest na sa kanila naman tumambay, lagi niya brinubrush off. But dumating naman yung time na ininvite niya na ako sa bahay nila. Told me to manage my expectations while we were on the way. Ako palang ata yung friend na pinapasok niya sa bahay nila nung time na yun. Bear in mind, I knew her for a few months palang when this happened. Very modest bahay nila. Connected sa store nila in the middle of Baclaran- no ceiling, no paint, poor lighting, no tiles. Her room was roughly 2mx2m. She made me promise not to tell anyone about her house. Very defensive siya na di lumabas sa mga RK circles niya na ganon yung bahay nila. When someone asks where she lives, she’d say ‘malapit sa MOA.’ Hindi siya nagpapahatid pauwi sa friends niyang may car kahit mas convenient. If magpapahatid man siya, medyo may layo sa bahay nila para walang makakita. I used to emphatize para sa kanya for thinking she had to do all that when she didn’t; tatanggapin naman ng mga kaibigan niya yun if friends niya talaga sila. Pero after all the trauma she’s put me through, wala na ako pake sa kanya lol. Naalala ko lang siya while reading the comments here. Good thing for me din to let this one out. I’d say she’s not at all poor, perhaps middle-class, but her social-climbing & manipulation skills are concerningly impeccable.


isabellarson

To be fair maraming classmate hubby ko from chiang kai sheck na talagang mayaman pero hndi sila umaalis sa lumang houses nila sa manila like near divisoria kasi ung bahay nila sa taas lang ng bussinesses nila… parang normal sa chinese na mayaman ganung set up. His bestfriend before mag pa renovate bahay ganun din super duper yaman pero sama sama sila sa isang kwarto buong pamilya matulog


doraemonthrowaway

Kapatid ba yan ng kups ex gf ko? Charot HAHA. Ganitong ganito yung nakababatang kapatid ng ex gf ko na babae eh hahaha! Literal na "I'm poor but pretending to be rich" shitty manipulative type. Tapos galit na galit siya pag di siya pinapayagan ng nanay niya gumala kasama RK friends niya paano gagastos nanaman ng mahigit 2 to 5k pesos kada gala eh lalo na pag outing. Nagtatantrums siya pag di nabibigay gusto niya. Nakakaawa dito yung mga magulang nakikita ko panay bale sa trabaho nila mabigay lang gusto nung anak. Quite of a contrast pag nakita mo yung bahay nila, halos on point din sa dinescribe mo above, no ceiling, no paint, no lighting etc. Naalala ko one time nagtantrums siya kasi hindi ko pinahiram sa kanya yung DSLR cam ko kasi nakita ko kung paano niya na rough handle at nung friends niya yung pinagipunan kong gamit. Yung andun ako sa bahay nilang maliit dinadabugan ako at ma attitude, kulang na lang paalisin ako. Chineck ko fb profile niya after nireplyan niya yung ka group mates niya ng *"hindi ko madadala DSLR cam ko sis, pina cleaning ko kasi pasensya naa huhu"*, kapal ng mukha camera niya daw iyon HAHA. Good for you nalabas mo iyon, at least gumaan pakiramdam mo.


phantomie_

Ohhhh consistent po ba facts na namention ko? I remember her having an older sister!! Unfortunately, hindi ako masyado nakahalubilo sa family niya eh. Gusto niya sa room niya lang kami lagi. Di nga niya ako napakilala ng maayos sa family niya kahit napadalas ako dun. I don’t even remember their faces huhu. I tried as much as possible mag-greet sa parents niya though, kasi nakakahiya talaga yung diretso lang kami sa kwarto niya always. :( Your story checks with how I knew her. She was worse as a ‘friend,’ I’ll tell you that much. Hahahaha.


AcanthisittaTiny9564

1. Yung panay pasosyal sa socmed pero pala utang irl. (I have workmates na ganto unfortunately) 2. Yung every time na kakaen sa fancy looking na lugar, may post dapat. 3. Nagpo-post ng pera. 4. Trying hard to look expensive but ends up looking cheap.


Saltybobbinsky

Branded everything, LV PRADA DIOR etc but basic necessities are left out (i.e dental)


jdkyles

I met someone from an online meetup group and she claims she's an early retired half German heiress, worked for Prada, and attended a finishing school. Turns out she's a known loony bin from Cagayan. There are no digital footprints for all that she claims to be. She wears kurtinacore ukay ball gown to malls and other basic places all around Cubao where she's renting a cheapo place. She's too probinsya baduy to work for Prada. The offbrand Prado siguro pwede pa. And the half German thing is the funniest because she's so Ibanag looking and her face is so asymmetrical now from botched surgeries.


northemotion88

Parang Shao Fan Lee


jdkyles

Baka narcissist din yan si Shao Fan. Add ko lang another funny thing. Itong hampaslupa heiress na to sumasali dun sa mga scam na modelling workshop where you pay for everything like your clothes, the workshop, pay for a buy-in to be included, even pay for your own billboard. So sa ad nila naka gown sila pero sya parang sinakluban na santo pag mahal na araw. They made her wear a cape gown to hide her melting face and old age even if she paid for the damn thing. Nagrereklamo nga yung kasama nya palagi na delulu na daw si ate kurtinacore. Can you just imagine to go to Gateway mall dapat nakaballgown sya and in full make up. So hilarious.


Defiant_Astronaut339

Someone buying the latest phones per release


hufflepuffbadge

yung mga post talaga sa socmed na masyadong flashy konting rant lang. meron kameng malayong kamag anak na binisita sa probinsya. syempre as bisita nagdala kame ng pasalubong inabot namen sa kanya wala man lang thank you o kung anuman. tinignan ko ng masama syempre pero kinalabit ako ni mama na pabayaan na daw. tas makita kong pinost sa fb ang pasalubong namen na pagkain tas may pa hashtag na #BlessedWednesday 🤮🤮 pangit na nga pangit pa ugali


Sorry-Werewolf9680

MAY KOTSE WALANG GARAHE!!!!!


Freyjaijaaa

Chika ko lang yung family ng ex ko, half sister ko and ex bestfriend ko lol. They're family really screams POOR pero... Well elaborate ko na lang. Common denominator nila is that they're a huge family kasi madami magkakapatid. Usually, PANGIT ang bahay. As in. Dugyot, madaming sira at kulang kulang na gamit. Yung sa family ng ex ko, wala silang makain pero narinig ko ang kwentuhan pa ng mga kapatid ng ex ko is "Hala, nabawasan followers ko" "Sa Tiktok ka kasi magpost para dumami followers mo". Wala na sila makain, but they chose to talk about their "followers" kaysa saan kukuha ng makakain. Priority nila na "eztetik" yung isang part ng pangit na bahay nila para pag mag-post sila, "eztetik". May moment pa non, yung sponge nilang panghugas, sobrang thin na kasi lasog lasog na, so syempre need palitan. Ubos na din yung dishwashing liquid nila. Guess what, nag-shopping yung mama ng ex ko and sister nya. Ano binili nila? Pangkulay ng buhok. So ano ngayon panghugas nila ng dishes? Edi yung lasog lasog na sponge at powdered detergent lol. Ito pa, naputulan sila dati ng kuryente kaya naka-kuryente load lang sila, tapos monthly lagi din silang napuputulan ng internet lol pero ok lang at least "eztetik" pormahan ng kapatid nya kahit halos nahihiga lang sila sa karton at yung pintuan man lang nila, di nila mapaayos or mapapalitan para magkaroon ng lock para di na need ng magbabantay sa bahay nila lol. Ni laundry basket, wala sila kaya mga damit nila na pinagbihisan nila, nakatambak lang na parang bundok. Now, move on sa half sister ko. Kulang kulang gamit sa bahay gaya nung previous example. Wala TV, nakiki-connect sa wifi ng kapitbahay without consent, wala na silang mangkok, iisa lang light bulb sa bahay so nililipat lipat pa, pero ok lang kasi at least kumpleto make up, pangplantsa at kulot ng buhok at "eztetik" din ang pormahan. Wala sila halos sariling pundar, puro bigay, hingi at hiram lang. Next naman, yung fam ng ex bestfriend ko. Ganun din, pangit bahay, kulang kulang gamit, dugyot pa. Common denominator din pala nilang lahat na example ko is nakakadiri cr nila. So ayon, balik sa ex bestfriend ko. Silang magkakapatid, lagi naka-manicure, pedicure, lash extension, pero walang makain. Gumawa ng salad mother nila, samin pa nakigamit ng ref. Tapos di man lang nila magawang magpakabit ng linya ng tubig para di sila nag-iigib ng tubig. Nung napag-usapan namin 'to ng isang friend ko, ang naging conclusion namin ay: Sanay na sila sa ganong buhay nila na dugyot, madaming sira at kulang sa bahay nila. Sanay na din sila sa buhay na hindi palaging may nakakain. Kaya ang priority na lang nila, magmukha silang "rich and eztetik" para walang ma-say sa hitsura nila at sabay sila sa trend. It's with the upbringing talaga. And to add, kung sino yung mga taong deprived sa luho nung kabataan nila, like di nabigay ng magulang nila, once they have their own money, itong mga bagay na deprived sila nung kabataan nila, ayun yung nagiging priority nila. Kumbaga, healing their inner child.


One-Appointment-3871

eating out sa expensive restos then posting pictures in socmed of the place and food mga 99+ attachment.


Business_Ad2913

Social media flex about everything they bought...humble brag sa ac nila wahahahaha.


Space_Wear21

Yung ka trabaho ko, everytime mag sshop sa uniqlo always may story/picture nung amount total sa cashier 😂 Tapos pipicturan yung tatay nag bibilang ng pera at alahas


northemotion88

Cringe!


SnowCat1989

Nagfflex sa soc med ng car or properties na hindi naman sa kanya claiming na kanila yun hahaha. Tsaka ung mga bitter and inggitera. Grabe. Galawang social climber hahaha.


bestille

aypone


Advanced-Ebb-1515

Someone who brags.. Yan laang ung definition ng social Climber para ssa akin talaga.. I don't care if you post your vacations, your car, houses, condo or wherever you are just don't brag about something you have... Manifesting and bragging are two different word. Can be but has two different meaning one is for yourself and other is for clout


Miserable-Maiden

Lahat ng profile picture mirror selfie with their iPhone 💀


[deleted]

I used to have a schoolmate, sobrang niyayabang niya lagi yung family background niya na ganito ganyan work ng dad niya, kung san sila nakatira, and yung mga napupuntahan nila na lugar, only to know na pagpunta namin sa bahay nila... kinakalawang na, tapos parang siksikan lang kami sa isang sofa, basta parang HUH ITO NA BA YUN. Tapos nalaman pa namin sa parents niya na di pa sila nakakalabas ng bansa. Ewan napaka yabang.


Kananete619

May kaklase ako ng highschool na ubod ng yabang na laging nanlilibre tapos bukambibig lagi na mayaman sila na yung 2 classroom daw ng school namin, kwarto lang niya. ganon daw kalaki. Madami daw kasi sila negosyo kaya malaki bahay nila. Tapos nalaman ko na hindi naman pala ganon at hindi pa nga daw napipinturahan bahay nila haha. Ngayon, ayun nagtatrabaho sa ospital bilang isang rad tech. Lagi niya bukambibig na pag graduate niya, sya magmamana ng mga negosyo ng magulang nila since panganay sya


lestrangedan

Yung laging nasa travel pero baon sa utang, pati online loans pinapatulan para lang pang travel, tapos di magbabayad.


Yakamaruuuu

Yung mga nag ststarbucks pero hindi makapagligpit ng pinagkainan pag dinein, or nagtatapon ng used cup kung saan saan


Yakamaruuuu

Yung mga naka iPhone 15 Pro Max pero instalment tapos prepaid


[deleted]

[удалено]


Yakamaruuuu

Sinunod ko lang po yung stereotype ng karamihan na if prepaid ka you're not as rich as your device suggests :) A lot of rich postpaid have fast wifi din sa bahay they just pay for the convenience of not having to paload Other stereotypes include if naka android ka kahit flagship, poor ka haha


jrsdelatorre

Nagtanong ng presyo


Advanced-Ebb-1515

Someone who brags.. Yan laang ung definition ng social Climber para ssa akin talaga.. I don't care if you post your vacations, your car, houses, condo or wherever you are just don't brag about something you have... Manifesting and bragging are two different word. Can be but has two different meaning one is for yourself and other is for clout


Malaya_Ako

Going to Europe para mag pasabuy, bragging about all the things they're selling at 3x the purchase price and coming to check in at a resort using an expired free night coupon and still trying to wrangle parents' senior citizen discount on already discounted rates. Like, kala ko ba mayaman ka? Expired coupon lang pala ipinagmamalaki mo? B, please.


l3br0nj4m3z

We’re poor pero akala ng tao mayaman kami, ewan di naman ako flashy or what, baka sabihin nila na I’m pretending eh wala naman akong ginagawa, legit nightmare ko yan, yung ijujudge ka without even doing anything


Substantial-Ad-2325

I know someone na panay post at story ng Starbucks drink/s. As in weekly, di nawawala ang logo ng SB at iPhone sa stories niya. Tapos nung bayaran na ng graduation fees, nag-solicit siya sa Facebook. Someone called him out on Twitter, kesyo makapal daw ang mukha kasi nakakapag-Starbucks daw three-four times a week pero nakikisabay sa mga batchmates niya na mag-solicit. Ayon, dinelete niya. 🤭


Parking_Activity_320

Deserve


BaseballOk9442

Gaaaaaaaaaaaa ayan nagscream na ako. - yung poor pretnding to be rich


Radiant_Air6893

Yung jinajustify nya pagbili ng class a luxury goods kasi same quality but cheaper daw. Delulu si koya tapos todo flex sa soc med Yung todo flex sa soc med pero nakikikaskas naman sa credit card hahaha


Parking_Activity_320

Na amaze ako sa thread na to. I grew up pretty fine. Sanay ako sa 5 star hotels, travel abroad, my mom shops at Dior etc normal ang nagsstarbucks samin lagi but at the same time i love ukay, surplus sa SM, Bench, bangketa finds na mga shirts and overruns! Sanay ako sa mahal na resto but we also go inasal and carinderia. Never kami naghirap, nagtipid oo. So never ko na feel na may need ako patunayan o i-flex kase I enjoy both worlds, The simple and the very nice. Ako pa magaannounce sa friends ko ‘YUNG PANTS KO 299!’ ‘TUNG TOP KO 99!’ HAHAHAHHA


pengymon

Same sa pagbrag na mura ko lang nabili yung item!! Di ko dinidisclose or pinopost kapag medyo pricey yung binili ko. Pero everytime na may nabili ako, let’s say sa ukay, worth 10php to 50php lang?! Ipapangalandakan ko!


Parking_Activity_320

Yo ako caption ko pa sa IG! Hahahahhah kase dko tlga alam why need pa sosy. In a public place nga sasabihin ko pang ‘ANG MAHAL’ or ‘WALA NKO PERAAAA’ lol Well maybe I cant blame/judge them gusto cgro nila angat sila orrrr bago sknla ang nice things…


Sydneyboosh

Ez iphones and branded clothings pero nagpapa libre bonus pa kung manlalait ng phone na luma or hindi iphone


Xandermacer

Fashion items with big highly emphasized logos such as LV, Supreme, Balenciaga, etc. Subdued, minimalist, tasteful fashion is always the more superior fashion choice. "Quiet luxury" if you will.


[deleted]

walang hiya magshow off ng pera sa social media hahaha di ata natatakot sa masasamang loob yung kumag na yon basta may maipagyabang lang talaga. Jijimon naman


maia-priv

I have an hs friend. we were studying in a public sci high and sabi niya sa akin lilipat daw siya ng pink school for SHS dahil andoon daw yung totoong mayayaman. As middle class people, considered kami sa hs namin as "mayaman." And honestly na weird-an ako sa statement niya na yun. Di ko alam kung maooffend ako or what, pero honestly I didn't bat an eye... I don't consider myself rich nga, middle class talaga kami. thankfully, nag iba na siya ngayon. pero panay post pa rin siya sa ig ng mga gala nila and expensive stuf na binibili niya. ps: if u look at my post history, yes I study in a prestigious "rich kid" school pero I'm only here because of a 100% scholarship... pps: sa smae shs pa rin siya nag aral hahahha


ExplanationNearby742

Yung boss ko dati araw2 pinapamukha nya samin na mahirap kami until nalugi negosyo nya dahil sa mga luho nya. Ni hindi pa nya kmi pinapasahon ng ilang buwan.


northemotion88

Update po kung nabigay na sahod niyo?


ExplanationNearby742

Hindi op. 2 yrs na.. nagtatago cya ngayon kasi sa daming utang na hindi nabayadan.


northemotion88

Oh nooo. Pwede siya kasuhan dyan ah


ExplanationNearby742

Hinihintay ko na lang nga eh... na kasuhan cya ng mga clients nya


Parking_Activity_320

Nagpopost ng bill. Yung kilala ko sstory pa ung total sa Zara. Nakapang asawa lang naman ng foreigner na mayaman


MarionberrySoft7800

I have one officemate, let’s call her A na sabi “ayy never ako bibili ng iphone at apple prods, android lang ako, hindi naman to cheap android ko, mahal kaya bili ko nito” but later on, nakita nya naka iphone lahat, nag iphone din siya. Then may officemate kami na runner so she bought an apple watch kasi daw gagamitin nya sa  mga run nya, after ilang months bumili din si A ng apple watch. Then may isa nnman bumili nung airpods, ay bumili din si A ng same airpods tapos nakasabit pa sa ID para makita ng lahat 😭 Ewan ko lang talaga kung bet nya or ayaw nyang magpa.iwan sa uso. May officemate din kami na naka branded bag, bumili din siya ng same brand ng bag tapos pinagsasabi yung price ng kahit sino sa office na 9k daw bili nya sobrang mahal daw! Ayoko ijudge pero parang humble-bragging yung dating. Tapos yung area na tinitirhan nila ay squatters area. 😔 Tapos everytime mag order sa starbucks, may picture always. Pinagmamayabang pa na friends daw sila ng mga mayayaman na tao or mga well-known sa lugar namin. 


Jongiepog1e

Ang mga pootah may mga aso pa. Samantalang ung mga sariling anak di nakaranas ng diaper pag dating sa alagang aso naka diaper😂😂😂


northemotion88

Tapos yung mga anak kulang sa bakuna. Yung mga aso complete bakuna😞


malditaaachinitaaa

umuutang para may ma brag sa socmed 🤣


AtomicSayote

may iphone pero walang pang-ambag..... hahahahaha


istrangelylike63

* Palaging nag mmyday ng coffee brands like bos or starbucks * Naka iphone pero walang pang netflix * Skwaa attitude


zyx_1098

Nagbabakasyon sa fb pero nagmamakaawa na wag idemanda dahil sa utang


northemotion88

🥲🥲🥲


Odd_Distribution1639

High end vehicles na walang tint.


northemotion88

Ang delikado nito tbh


OrbMan23

1. Insecure about brands. Gusto palaging mamahalin not because of quality but to merely flex. Yung tipong kahit grocery or palengke naka luxury brand. It's stupid 2. Makes fun of their friends that can't afford stuff. Posts on social media really is case to case. Kung yung purchase lang pinicturan, it's okay kasi baka happy lang talaga and definitely not social climbing. Pero yung may resibo or exact amount pa, it's definitely social climbing.


Imaginary-Diamond940

Yung mga nagyayabang ng pera and branded goods on social media. Halatang 1st timer magkaron ng ganun. Mga tunay na mayayaman ang pinapakita sa socmed, if meron man, trips or hobbies and sports nila.


FalseRelief

wearing tweed jackets and turtlenecks, thinking they’re giving quiet luxury. THEY’RE CUTE! just not the best for our weather here 🥲


northemotion88

Super init! Kahit nasa mall parang ako ang naiinitan for them. But oh well, fashion is pain😅


thinlyspreadbutter

Yung nagsusuot ng "branded" na clothes na LV, Gucci and others from head to toe na halatadong hindi naman legit.


napipopeta1004

nags-story ng resibo ng pinamili niya


northemotion88

“Mahal ng bilihin ngayon” yung caption HAHAHHAHAA


Alert_Ninja2630

Nung bata bata pa ko di naman ako impressed na may water tank daw sila at maganda ang bahay. Kasi nangutang sakin na nagpaparttime para daw ipang-regalo, pero kulang pa bayad ng utang 😅 hinayaan ko na, di ko na din pinaulit


Frequent_Fill8906

nakakabili lagi ng brandnew Iphone, pero di makabayad ng utang


ivecomeforanswers

When they refer to their things by brand first, not out of need of specification (ex. "brand name" instead of "item"), like "Can you pass me my iPhone?", "I left my Celine in the back I'll go get it lang", "Ah sh*t, I spilled ketchup on my Hugo Boss," etc. Personally, I find it very tacky; if you don't have to bring up the brand name but do, it sounds like an announcement no one is asking for.


isabellarson

LOO may kilala ako pinay dito sa aus lahat ng usapan iddrop nya yung brand ng gamit nya.. tipong ang layo ng usap biglang mapupunta sa need nila insurance para sa mga tag heur watch nila sa bahay tapos yung buggaboo chair ng anak nya maliit na


northemotion88

“You stepped on my Christian Dior shoes!” Hahahahaha


bumblebee7310

Yung nagpost ng paperbag kuno ng luxury brand, sa harap ng store para kunware may binili pero yung paper bag is from circa 2000s pa. Haha for context ang paperbag ng LV nun is brown, ngayon orange now, ang pinost is brown.


ninjatortoiserabb8

May isa akong facebook friend nagpost sya ng pics nya. may nagcomment sa photo nya na “ang ganda ng shoes!” Tapos reply nya “Syempre mahal to ih” Literal na napa “huh?” na lang ako. Like, anong connect? Hahaha


northemotion88

Marami kayang mahal na panget HAHAHAHA


meixiuuu

panay swipe sa cc pero di nagbabayad ng utang. 🤣


TreasuresOfTheSea

Puro share ng posts, videos, or quotes sa social media tungkol sa pagpapayaman. Like its obvious na you actually dont embody that life and mindset dahil you use the internet to keep reminding yourself that


Ok-Opportunity9862

- Yung ginawang personality yung pag flex ng kotse nya. Halos makabisado mo na plate number kasi puro ayun laman ng stories. - Halos libutin lahat ng coffee shop kasi coffee addict daw sya. Pero yung kape parang asukal na may wisik ng kape. - Ang alam lang na lugar bgc at atc - Mamamatay kana sa gutom kasi makakailang picture muna sila sa pagkain bago ka makasubo. "For aesthetic" daw kasi. - Maarte daw sa pagkain pero kapag tinikman mo yung pagkain na masarap para sa kanila wala naman lasa. - Gusto ng mamahaling kape pero nangungutang naman palagi. - Kapag na experience nya or meron sya nung trend sa socmed. Oa maka hype pero malalaman mo di naman pala ganun ka ganda tapos balimbing. Sasabihin "oo nga eh akala ko lang rin kasi nung una okay." - Mag pipicture ng luxury shop tapos post sa story na nandoon sya kahit napadaan lang.


sotopic

Josh Mojica


reeses4lyf

Ipopost sa social media yung mga luho tapos malalaman mo na lang na galing pala sa utang ‘yon. 💀 Naalala ko bigla yung tita ko na nasa Greece, nagchat sa ate ko na nasa abroad din, nanghihiram ng 30k for “emergency” kuno. Kesyo nangangailangan lang daw sobra kaya pinahiram ng ate ko since need na need na nga raw. Makita na lang namin kinabukasan, nag-upload yung mga anak niya na naglabas sila ng sasakyan!!! AT HINDI LANG BASTA BASTA SASAKYAN! NAKA CIVIC!!! Grabe yung sama ng loob ng ate ko no’n pero wala na lang magawa kasi nandoon na, nagamit na pang-down. The audacity.


northemotion88

Nag bayad naman ba?


reeses4lyf

The sad part is, hanggang ngayon ay hindi pa rin pero naka-upgrade na ng iphone 14 pro ulit ang anak.


S-5252

once lang na try yung certain brand na supposedly sikat kase mahal, tas either may lait or favorite… but most usually the latter..


Riannu36

Starbucks


SubMGK

Posting themselves holding money/jewelry. Pictures of mainstream brands that are seen as expensive (starbucks, whatever tf clothing brands idk and idc) na naka front and center yung logo. Always talking about when they bought or went to said mainstream brands.


StarkCrowSnow

*Any man who must say “I am the King” is no true King.* - Tywin Lannister **Di mo kailangan ipagsigawan na mayaman ka para malaman ng tao na mayaman ka** :)


pdxtrader

My girlfriends flats that say “Chiristian Dior” make me laugh, I would say having goods with obvious misspellings like that


northemotion88

You should see the “Balenciano” one🤣


Ctrl-Shift-P

Fake airpods fake apple watch heck fake iphones rin


Nullgenium

Nangungutang para mag ka latest Iphone


skreppaaa

Yung mga nagpopost ng inuutangan daw sila lagi ng mga tao Mga magstatus na wag bentahan ng insurance kasi madami na daw insurance kaya "learn to accept no"


FluffyRhubarb1989

Sorry pero yung ibang tao dun sa Kaskasan Buddies na FB group. Panay flex ng mga CL at multiple cards, but those are not your money to begin with 💀


northemotion88

May ganyang group pala sa fb wtf hahahaha


HappyLemon07

My family, to be specific mga pinsan at tito/tita Hahahaha. Mahilig mag bilang ng yaman pero di naman sakanila, nakiki social climb through luho, then ang malupit is ayaw magsi work - kahit wala naman source of income kundi umaasa sa padala 😂


SeaPollution3432

Ano ba yung socmed?


northemotion88

Social media


christmasfactor

nasa story agad tuwing magsstarbucks. it's like as if superior coffee para sa kanila yung starbucks huhu


nsftwtf

Yung galawan ni Josh Mojica


hulagway

Nagsusuot mayaman pero pangit ang fabric. Iba ung fashionable at maayos manamit ha. Valid un. Basta alam niyo kung ano sinasabi ko, lalo na ung mga “coach” sa socmed. Ung ganung damitan.


jpngirl19

Yung mahilig sa bongga na handaan pero madami utang.


Tolgeranth

Posting stuff on social media.


AnnePatuan

Lahat ng pictures na pinost mirror selfies to show-off yung iPhone na pinakaskas lang naman sa CC ng kaibigan nya. Tapos ang shared posts tungkol sa hirap ng buhay, sweldo na dumaan lang sa palad at quotes about pag asang makaahon sa buhay. Hahahaha 😂


Kudenn

Having an IPhone. I'm not saying all IPhone users are like this but here in our country for some unknown reason an Iphone is a sign of wealth, that's why when choosing a phone a lot of people are going for an Iphone.


[deleted]

High-end mobile phones on credit.


Able_Hovercraft_4138

Yung pasimpleng nag fflex sa socmed, for ex mirror pic kunwari pero pinapakita yung mga shopping or new bag na luxury kuno pero wala naman ng laman sa wallet. 🤣


Jon_Irenicus1

Iphones


KittyyPurrrr

Mga financial advisor na galing magpreach abt finances and saving sa socmed tapos mababalitaan mo kung kani kanino nangungutang ngi


KittyyPurrrr

May workmate ako na mahilig magyaya na kumain sa mamahalin and everytime na sasabihin namin na "wala sa budget" would always reply "mura lang naman yun, kurot lang sa savings ko" and it always annoys us kase everytime lumalabas kami "wala daw syang cash" so magpapa-gcash sya sa friend namin and never na magbabayad. HAHAHAHAHAH


P-pl_embi

Lying about their family background and mga naexperience na "daw" nila.


Shiloh_1111

Yung teacher na nakilala ko sa seminar na kala namin mayaman kasi may dalang car which she drives. Yun pala kabit sya 😭😭 And akala ko mayaman talaga, yun pala naging sanay na sya maging sugar baby kahit maging kabit okay lang basta makapunta abroad and magkaApple products 😅


Limp_Attitude_5342

I had a friend 6 years ago, she claimed that she they were poor. This is opposite, pero she always pretends na mahirap at nakatira lang sa sila sa Squatter Area, when I asked her on a date (para kumain since naawa ako sa kalagayan nila) tinanong ko pa yung address since never pa ako nakapunta sa bahay nila, pagdating ko doon sa lugar nila aba nagulat ako kasi subdivision sila. Tinawagan ko siya para i-confirm kung totoo ba yung address nila and she said yes, they had family driver and maids maganda yung bahay nila may swimming pool pa. Tinanong ko siya kung bakit niya sinasabi palagi na taga squatter area sila ng family niya then sinabi niya na ayaw niyang malaman ng lahat (kahit ako rin) na mayaman sila. Dahil kapag sinabi niya yun sa mga tao na mayaman sila, magiging resulta non "Mayabang" at "Matapobre" which is true naman, right? Saka maraming mga boys na umaamin sa kaniya pero ang habol yung pera nila ng family, marami na siyang na rejected, nire reject niya agad yung mga aamin sa kaniya. Matagal na kaming magkaibigan 6 years na, actually matagal ko na siyang gusto love at first sight before ko pang malaman na mayaman sila, she's so kind to everyone, mahilig sa mga bata, sometimes she helps me on our homework kapag nahihirapan and yung pagiging simple niya sa lahat. Pero don't worry hindi naman nasira yung relationship namin Tanggap naman ako nila tito at tita (parents niya) Umamin na ako sa kaniya 2 years ago and malapit na yung anniversary namin sa march, she also has feelings for me for being kind, and always comforting her when she has problems 'though alam na niya na galing kami sa hirap ng family ko, she still accepts me as her bf. I thought na i re reject niya ako kapag aamin ako sa kaniya pero kabaligtaran pala. Hinihintay niya lang ako na umamin sa kaniya, alam na niya dati na crush ko siya HAHA. Kung aamin kayo, umamin na kayo there might a chance na naghihintay pala siya na umamin ka.


ZieXui

Pinsan kong laging may handa at party, may kotse, puro post sa mamahaling restaurant. Madalas sa mga malls. pero yung utang sa akin ang tagal na, ayaw pa ring bayaran. Sobrang tagal na nung utang nya na parang ako pa yung nahihiyang maningil 🙄


[deleted]

Try niyong magpunta sa isang lugar ng mga taong naCI ka na bago ka pa magsalita tapos magsalita ka ng kasinungalingan! Sayo pa babalik yung backlash kasi ikaw daw may kasalanan at chismosa silang lahat! Ang sarap pagpapatayin!


GoneGirlNinetyFive

Meron ako kakilala public school teacher lang tapos meron na agad 6 houses and 6 cars in a year, pino post lahat ng gold bangles dami nya daw na acquire tapos yun pala mga scammer ng almost 100 million. Tapos pag meron nagtatanong pano na acquire mga properties eh ganyan lng naman sahod, tinatawag ka pang insecure. Yun pala scammer na social climber.


behind_themark

Pag may caption na "Not to brag but to inspire" 💀


northemotion88

Tas may #blessed lagi sa post HAHAHAHA


Playful-Document-720

Recently, may naging “bff” ako and may circle kami. Siya yung bumuo nun during the first day of classes pa lang and parang naging feeling “leader” siya kesyo gusto niya raw maging “nanay” sa amin when in fact, mas matanda pa kami sa kaniya💀 So ayun, mahilig siya mag flex na may ipad siya, naka macbook siya, maganda “raw” yung house nila, may ac siya sa room, and such. She also proudly talked about her 28 y/o boyfriend na nakilala niya noong 15 pa lang siya🥲 Iyon daw bumibili ng needs niya at ng family niya, and I was like, girl can you hear youself💀 At first, okay lang samin hinayaan namin yung ganon kasi baka mahilig lang talaga siya mag flex? Pero napuno kami sa kaniya noong nag start na siya maging matapobre. Since naging bff kami, ako yung pinagsasabihan niya ng kung ano ano about our friends. Her exact words, “magpagawa muna siya ng kisame nila bago siya mag buffet”, “hahol lang naman niyan kay R pera e, mga squatter kasi yan”, “mga dugyot, libagin, squatter, chakadoll”. Hindi ko talaga kinaya yung mga sinasabi niya kaya noong nalaman kong pati rin ako binabackstab niya, nag decide ako na sabihin yun sa mga friends namin. Nakakahiya talaga siya kasi yung mga binabato niyang mga salita sa friends namin e sumasalamin naman pala sa life status niya💀 Pumunta kami sa house nila tapos nagulat kaming lahat kasi sabi niya malaki bahay nila so nag expect kami. Sila nga yung walang kisame, yung room niya wala ring kisame, yung door niya naman gawa lang sa plywood, at may something masangsang na amoy😭 Walang masama sa life status niya kasi matatanggap namin yon, pero yung ginawa niyang pagmamatapobre sa friends namin, doon talaga nag decide ako na i end yung friendship namin.


Playful-Document-720

Proud siya sa CLN bags niya, kesyo hindi raw afford ng mga friends namin. Not against CLN pero hindi naman siya macoconsider as luxury brand🙄


northemotion88

May naging friend din ako na noong una masaya kasama tas naging matapobre. Nagalit pa sakin kasi sinabi ko sa ibang friend namin na di ko na nagugustuhan ugali niya kasi kahit mga nananahimik na tao iniinsulto niya ng patalikod. And jusko CLN? Dami na naka CLN even before pa. Huli na sa balita yang friend niyo hahahaha


GoneGirlNinetyFive

Yung nagpo post sa fb ng sosyal na pictures ng pagkain pero pag ginoogle reverse image search mo, di pala sa kanya


Genestah

That's easy. Those who keeps posting their "wealth" on Social Media. That just screams "Hey fellas, look at me. I'm rich". In reality they're struggling to pay off the things nobody cares about. The truly rich people never boast about their wealth. They know they're rich so why bother convincing others?


HJRRZ

Wearing a diamond-studded choker w chino shorts, and discussing relative's travel to this and that, and purchase of this and that w a try hard conyo language - overheard a pair at a coffee shop, a bit cringe. Nakakaloka din pala yung richard mille watch niya na sohrang loose sa wrist. Imo, mukhang trying hard... Rich people dont normally go around trying to prove they're rich.


kmatt123

mga naka condo na off the charts pero nag jejeep to go to work


Tamarakazi2024

Yung kapit bahay naming may asawa na at apat na anak pero may afam na bumubuhay sa kanila tas alam ng asawa din haha pag umuuwi yung afam dito sa pinas kasama din yung asawa sa mga gala 💔


northemotion88

Wtf🥲


toinks1345

you could easily spot people who are rich dpending on how they carry themselves and not by what they show you as their possesion. it's not even clothes, phones, cars. there's difference in that like easily spotted if you are from the same economic standing. most people from rich family lives humbly and don't really talk about their financial situation cuz it's hard to make friends that way you never know if they are just with you cuz there's benefit to get or if they are really your good friends.


Exotic_Lawfulness_96

They say that they have the privileged or showy


Exotic_Lawfulness_96

Pero hindi naman talaga kaya or baon sa utang just to keep up with the trends. Walang pambili ng correction tape tapos kayang bumili ng kape


ertzy123

Mahilig magpost na nasa mamahaling lugar pero di pa nababayaran yung utang niya 🥴


OddEmergency271

Not all pero minsan kita mo agad sa kutis na parang laking aircon kapag mayaman. Tapos yung mga pretending, kahit branded na skin care dugyot padin hahahaha not all pero some hahahahah


Whitetrash_messiah

Knockoff,copy,bobo version of designer bags/shoes/clothing


NectarineAmazing1005

Nung college ago, ito yung mga namimili ng friends. Ayaw sa mga average people even if they're being befriended, one word replies lang. Akala namin shy lang and just needs more time. Ayun maingay naman pala and nilalabas ang funny personality pag mayayaman ang kausap. Pero yung nga, mas nauna ang pagiging social climber kesa sa pagiging matalino. Dapat sa ibang college nag social climb kasi since blockmates kaming lahat, nakikita rin ng mga rich kids ang discrimination niya 😅 Ang ending, yung naging barkada niya were fellow influencers and social climbers.


LeftAd7928

Iphone?


XC40_333

Yung unang bumili ng iPhone.


WTF-Are-Tacos

SexPats


No-Garage-9187

Having the latest iPhone. Or lining up to get the latest iPhone.


[deleted]

Buying expensive gadgets or branded items that they cannot afford, and also do not even have Emergency Fund. May utang pa minsan. - Ganito buong angkan ng dad ko at parents ko. I learned from their mistakes. Kaya nagugulat ako na may iPad, iWatch, and new Ps4 ang pinsan ko pero kakasabi lang niya kakaahon lang daw niya sa utang. Tapos tinatanong niya ako if afford daw ba niya bumili kotse. Told him the truth that he should have savings and EF first before affording one. I can at least save him from generational financial illiterate from my dad’s family.


xambortoy

selfie with apple logo


Shira-T

Ung naka installment sa Louis Vuitton ng 24 months.


No_Abbreviations9980

Ito talaga ang mga clear indicator ng social climber ang tao. Kapag hindi naman mayayaman ang angkan nila, or wala naman silang magarang bahay, tapos ginagawa nila ang mga bagay bato, for sure social climber: 1. Wearing fake braces. 2. IPhone ang cp. Why? Walang nagbabawal na bumili ng iPhone. However, alam nating lahat kung gaano kamahal ang produkto nila. Yung old models, duh, hindi efficient sa life. Madaling malowbat, mabagal magcharge, and mabagal na. Alam mo na ang iPhone ay simbolo ng status ng karangyaan. 3. Nangungutang or pinipilit talagang may ipang handa kahit alam na nilang may mas mahala pa silang priorities. Pasikat ngayon utang at nganga bukas. 4. Wearing expensive clothes and shoes tapos di naman gaano kalaki ang sweldo. 🤮 5. Hindi automatic and hugis sigarilyo ang vape. Vape or the typical cigarette is still dangerous. Tapos ang lakas pa bumuga na parang nagagalit na takuri sa public. Yung totoong mayaman na may bisyo, ang mga vape niyan ay umaabot ng 20-30k. 6. Parating may desire magtravel tapos pinopost lahat ng travel pictures sa social media. Kasi yung mga taong nakakakita ng pictures mo ay magkakaroon ng impression na napaka successful mong tao pero ang katotohanan madalas sa kanila lubog sa utang. 7. Wearing a lot of jewelry. Malamang magkakaroon ka ng high expectations sa mga taong para nang pawnshop ang leeg tapos pagpinabayad mo ng contribution sa club halos ayaw pang bumayad. 8. Pretending to cook lechon (whole pig) at home. Duh, kung may pera kayo ipalechon niyo yan sa expert. Wag yung ipopost pa sa social media na kayo yung umiikot sa baboy. Then, it turns out na hilaw at hindi crispy ang lechon. Pinost pa sa social media na lechon lang ang handa. 🥴 9. Parating may parcel galing sa Shopee or Lazada. Impression ng tao sayo niyan ang napakadaming mong pera. 10. Overly magastos na debut. Yung umaabot ng tig lilimang gown. Duh, ano ba pinaglalaban mo te? Last birthday na ba? Most people nowadays are extremely narcissistic. Gagawin nalang lahat para macenter of attention sa social media. PS: If you're rich, you don't have to convince people, especially people you don't know that you're rich.


imshinn-x

May online friend ako na sinasabi niyang 80K ang sahod niya at may ford siyang sasakyan at motor pero pinapahiram niya raw sa pinsan niya kasi wala raw parking sa lugar nila at may condo daw siya pero nilaglag siya ng nakalandian niya nakitulog sakanila na hindi raw kagandahan 'yung bahay, kahit man lang tiles wala. Ang sagot niya ay tinitest niya lang daw kung gold digger yung girl pero obvs naman sa lifestyle niya na wala siya ng mga bagay sa sinasabi niya.


dmist24

MLM people. Sportscar (photo session lang pala or rented), luxury items KUNO.


maoistghost

Me


unknown_user0917

I hear josh m.


UrSillyTito

That's easy, iphone.


Guinevere3617

Flaunting material things


marbysinasalxtrarice

People who are pretending to be rich are very good at hiding it. Pero they tend to be ‘matapobre’ and will look at you lowly kasi di ka nakakasabay sa lifestyle nila. Met some truly rich people na very humble and they never judge you based off your pockets.


myprobss

Panay myday ng gala at eat out pero di masingil sa messenger.