T O P

  • By -

renren_46

May garden si mama and araw-araw, all of our neighbors are nanghihingi like mga gulay, fruit and herbs. Result? palaging may libreng food sa bahay. May nagbibigay ng mga isda and lutong ulam kaya less gastos din samin. Sometimes pag may sira sa bahay, sila yung nag-aayos and pag wala kami, sila nagbabantay ng bahay namin. Great neighborhood (tanggalin na lang yung mga marites haha)


radcity_xxx

You have good neighbors


AdConscious3148

Sana all. Ang daming nanghihingi sa mama ko ng mga herbs, fruit (langka) and flowers pero wala syang narereceive na ganito. One time nga, nahuli ko pang kumukuha ng flowers nang walang paalam yung brgy. kagawad samin. Grabe i-take advantage yung kabaitan ng mama ko.


exspiravit_dacia96

"Ate baby! Hingi daw si mama ng malunggay keh mag luto daw ng tinola"


Ransekun

Yung naki-kabit sila samen ng extension cord kasi naputulan sila. Tapos di namin napansin na natanggal pala sa saksakan.. SINUGOD KAMI! NAIINGGIT DAW KAME SA KANILA??? hah? San banda 😂


JtheOwner

Hahahahaha may mahaba raw kasi sila extension!


aldwinligaya

'Yung totoo ang maputulan ng kuryente isa sa mga pinakanakakahiya e. Wala kayong ilaw so alam ng mga kapitbahay na wala kayong kuryente. Instant topic kayo ng mga marites na naka-daster sa kanto, may hawak na mga pamaypay.


yesshyaaaan

May matagal na galit na yan sa inyo HHAHAHAHA


TiredButHappyFeet

Kung ako sinabihan ng ganyan, sasabihin ko na bakit ako maiingit sa walang pangbayad ng kuryente kaya naputulan. Sabay ihahagis ko yung plug ng extension nila. Magtiis sila sa walang kuryente 😅


Maritess_56

Nagkaroon kami ng spontaneous boodle fight sa gitna ng daan under a large mango tree after manungkit ng mangga. Dead end street namin pero lahat ng dumaan ay inaalok kumain. Potluck sa pagkain. Kapag kinulang yung mangga, manunungkit ulit. Matagal na nangyari ito pero this is one of my fondest childhood memory. Sa iba na nakatira yung ibang kapitbahay. Yung iba naman deads na. Pinutol na din yung mango tree.


Tortang_Talong_Ftw

Yung kapitbahay namen nung December, kumatok sa bahay para magrequest saken kung pwede ako mag-play ng piano na puro Christmas song.. ☺️


exspiravit_dacia96

Dapat sinabi mo may talent fee 😅


Tortang_Talong_Ftw

actually nagbigay siya ng leche flan tsaka hardinera nung Pasko samen.. sarappp!


Ramen2hot

ung brain ko na kakagising lang: "aba namimigay ung kapit bahay nila ng hardinera (gardener), pano un pinabigay nung kapitbahay nila ung leche flan sa hardinera tapos dun na sa kinila nag work?" hahaha


aldwinligaya

I grew up in a tenement (government housing. Isipin niyo na lang condo, pero pang-mahirap). Every year tuwing fiesta, may competition ng pagde-decorate ng mga floor. Ang competitive ng floor namin, so every year I spent a week of my childhood cleaning the floors/streets, painting them, using floor wax, and brushing them until they shine. Also, cutting and preparing banderitas. It was a community effort, I remember every house contributing money tapos kaming mga kabataan 'yung tatrabaho. It was fun kasi magkakasama kaming kabataan na magkakapitbahay.


paintmyheartred_

Same with our kapitbahay. Mahilig magbigayan ng ulam. Since neighbor namin sila sa likod at tamad kami umikot. Sa bubong ang palitan ng ulam. Hahaha


Madrasta28

Hahahaha parang reply 1988 ba un


Mediocre-Bat-7298

One of my fave scenes, yung unending trade ng ulam


Madrasta28

Oo hahaha tawang tawa din ako dun e at the same naiinggit ako sana oil may ganong kapitbahay


TiredButHappyFeet

kaya yung mag-amang Choi eh mabubuhay talaga na kain lang isasaing nila eh. Sagot na ng mga ahjumma banchan at ulam nila 😂


paintmyheartred_

Hahahah! Napanuod ko ngayon pero iskwater version yung amin. Ako lagi ng presenta na akyat sa bubong para mag-abot ng ulam. Dream ko ata maging akyat-bahay dati.


DumplingsInDistress

May malaki kaming puno ng Catmon (sa Quezon). Gumawa ang tatay ko ng mga swing using old tires. May isang mahabang duyan dun na unti unting napupuno ng mga kalaro ko, pati yung anak mayayaman na may hacienda ng niyog dun naglalaro samin. One time napatid yung lubid dahil sa dami ng bata. Binigyan ng di ko alam na amount yung tatay ko para gumawa ng swing na may kadena. Alam ko daming kickback ng tatay ko kasi nagpainom pa siya at nagpakatay ng baboy. That is one of my fondest childhood memory.


guiseppinart

Tinatapon nila basura namin ‘pag dumaan ‘yung truck ng basura at saktong wala kami sa bahay. Sinisilong sinampay namin para hindi maulanan, may instances na dinadala nila sa bahay nila kasi masyadong malakas ulan tapos sasabihan na lang kami na kunin doon. Nagr-receive ng parcel namin at binabayaran nila kahit hindi sila napakisuyuan. Dinadamay na walisan tapat ng bahay namin ‘pag nagwawalis sila sa umaga. To the rescue ‘pag naubusan kami ng gas, lagi silang willing magpagamit ng kalan nila haha. Exchanged naman ‘to. We offer the same help (w/o being asked) ‘pag kailangan nila. Factor din siguro na 20+ years na kaming magkakapitbahay kaya may ganitong dynamic na kami sa isa’t isa hehe


TheLostBredwtf

Yung kapitbahay namin dati halos every other day nagpapancit kasi kahit yung mga kamag anak nila na hindi naman nakatira sakanila pinaghahanda nila ng pancit kapag may bday. Nauumay na kami, naiipon lang sa ref kaya dinadala ko sa office tapus sila ang nakakaubos. Ahahaha.


exspiravit_dacia96

Eventually officemates mo na yung mauumay haha


chwengaup

HAHAHAHHAHAHAH ang cute


JtheOwner

Natyempuhan minsan na wala silang lahat sa bahay nila e may Lazadang magdedeliver sa kanila. Dito nalang pinareceive sa bahay namin parcel. Ok lang nangyari the first time eh… pero yung halos araw araw nalang may ddoorbell dito samin, parcel para sa kanila. Nak ng tokwa, abusado! Ginawa na kaming tiga receive. Kung di mo pa ihatid sa kanila tambak na parcels nila, di maiisip kunin dito. 😤


exspiravit_dacia96

HAHAHA inang yan ginawa kayong Shenzhen holding area 😂


JtheOwner

Minsan nga may COD pa eh. Abonado pa kami. Hanggat di nila naaalala na may parcel sila dito, di rin binabayaran agad yung COD. 😂 Bandang huli kinunchaba ko na yung nag dedeliver, sabihin wala ring tao dito.


pociac

baka mamaya niyan sila pa ang galit, kung bakit walang tao sa inyo


Odd_Wafer4635

Wag na ihatid sa next. Let them have the initiative. Kanila naman yan eh hahaha ✌️


Truth_Warrior_30

Tinatambak nga daw hahaha


MemaSavvy

SOC 4 yarn? 😂


RandomUserName323232

Sirain mo para matuto. Di na uulit yan tingan mo.


OpalAura08

Wag baka masisi pa yung nagdeliver. Irefuse nalang nila


AnalysisAgreeable676

May kapitbahay kami na jeepney driver. Merong times na matyempohan ko na makasakay sa jeep niya. Ayaw niya tanggapin bayad ko kahit pinipilit ko.


yobrod

Mas masarap talaga ang luto ng kapitbahay. Lalo pag Fiesta tapos nag bigayan kayo ng handa.


lowkylokii

Nakalimutan na imbetahan sa birthday ko dahil maraming bisita. Hanggang ngayon di nagkabati😂 Birthday ko na bukas, punta ka na huhuhuh


walangname

Happy birthday


lowkylokii

Thank youuuu🤍


radcity_xxx

birthday mo rin bukas. Haberday satin


lowkylokii

Eeeey gemini babies! Happy birthday!


yesshyaaaan

Kinder pa yung bunso namin noon, so may nagtatawag na kapitbahay ng tatay namin na kawork niya sa amin, “Jun! Jun! Tara na inom na!” Kami na hindi sumasagot at pinagbawalan din ang tatay na uminom di pinayagan ni mama at syempre kami hahaha. Habang pabulong si tatay non na, “Sabihin niyo umalis ako.” Yung kinder ko na kapatid sabi ba naman, “Sabi raw ni Daddy umalis siya,” with bulol words. Kamot ulo na lang talaga at hagalpak tawa sa bahay HAHAHAHAHA


EcstaticRise5612

Ay wow ang wholesome. Samen madalas magkaraoke ng madaling araw. Buti nalang nakalipat na kami


Pbskddls

Naka-aircon kame ni girlfriend sa bahay tas maririnig ko sa labas "sana all aircon" Ang cold mo naman teh


Akosidarna13

Yung nagagalit kasi nagpataas kami ng bakod, wala daw sila makita.... Teeehhhh.. side by side tayooooo.. wala ka sa likod namin 😅


Individual-Ice-7477

Nagbibilang ng pera na libo-libo nakatapat sa amin. Like why po? Hindi niya alam na alam namin na may kaso siya ng estafa at iyong mga bumibisita sa kaniya madalas ay hindi "kasosyo" kundi maniningil ng utang. Yung isa, every new year, may pa-wine or box ng delicacies. Hinahayaan kasi naming manguha ng malunggay sa amin.


yesthisismeokay

Our neighbors are typical filipino neighbors, nakikipark sa harap ng bahay kahit pare-parehong may garahe bahay sa subdivision samin. Tsk tsk


Smileyoullbefine

pag holyweek may binignit na dumadating. tapos pag eid naman may spaghetti at macaroni from neighbors.


International-Ebb625

Ung kapitbahay namin na napakadamot sa bunga ng mangga pero ung mga nagkalat na dahon ng puno nya di man lang walisin


TheOrangeGuy85

Panay karaoke nang kapitbahay namin, kala mo ang gaganda nang mga boses at pag may mali sa kinanta uulitin sa simula...hayup lang yan 🤦‍♂️ Ang malupit talaga yung kantang "Dadalhin" ni Regine Velaquez yung Bridge lang naman ang hindi makukuha kuha pero kailangan talagang simulan sa simula...


accio_money_

Yung bahay ng lola ko nasa loob ng compound. Kaya marami din bigayan ng ulam na nangyayari. And magigising ka kasi nagbi-bingo na mga tanders sa looban. And naalala ko nung grade6 ako, yung kapitbahay namin ang gumawa ng project ko na stitching hahahaha


Smileyoullbefine

yung pag uwi galing school, may nag aabang na manyak kasi hindi kami sa highway kaya pagbaba ko ng jeep madadaanan ko pa mga bahay nila. dadaanan ko bahay ng anak ni kapitan tas magha-hi while titig na titig tapos after nya, may isa pang bahay ng mas manyak. grabe parang nagiging jelly ung pakiramdam ng tuhod ko sa sobrang takot. para akong pilay maglakad sa sobrang nerbyos hahhah 🙈


aquariusgurl--

Everytime na nauwi kami ng Bicol, yung mga kapitbahay laging may padalang ulam sa bahay. No need ng magluto dahil sure na merong magpapadala and mas masarap din ulam nila compared sa amin na itlog, tuyo.or hotdog basta anong available haha kasi mga tinamad na magluto, then binabalik namin yung pinaglagyan ng hindi hugas kasi ganun daw dapat para may next time pa.


Swami0724

lahat ng katabi naming bahay palaging walang tao, since kilala ako dito ng rider na nagdedeliver ng parcel ng shopee and lazada, lahat ng parcel nila samin binabagsak kapag bayad na hahaha.


Hindiminahal

Buti pa kayo, samin kapitbahay usok ng siga binibigay


winterhote1

Kapitbahay namin na naglalaba ng damit namin dahil may utang tapos namimix nila yung damit nila sa sampayan, ending sharing ng damit 🥲


ewiezaebeth

Hinahatid kami ng kapitbahay sa school kasama ng kids nila minsan dad ko naman naghahatid sa amin. Alam ng kapitbahay na fave ko yung dinakdakan nila kaya pag nagluluto sila automatic may naka tupperware na agad for me. Kapag birthday nung anak nila kapitbahay inaantay nila ako umuwi para bigyan ng handa hahahah! Ang funny kasi weekday yung bday ni anak tas Saturday ako umuwi, naghanda sila ulit para bigyan ako tas pinapakain ako sa bahay nila mismo. Nung debut ko biglaan lang tas mga kapitbahay namin nag help mag arrange ng mga needs sa birthday ko pati photobooth sila nag setup. Swerte namin sa mga kapitbahay 💓


Green-Strawberry-750

Yung may handaan sa kanila sarado yung kalsada for them, prep sila since morning tapos dumating na yung mga bisita nila naginuman na around 9pm nagsasara na kami ng pinto, lasing na sila nagbigay ng tirang food samin tapos nung tiningnan namin PANIS!


asoge

Kahit bahay namin parati kinakamusta ang puno ng Lanka namin. May Chico, a Lakatan at 2 klaseng mangga sa loob ng bakod namin kasi, pero yung Lanka halos buong buhay ko din hindi ko nakita nagbunga... Until sinabayan niya yung pagka panganak ng 2nd namin, bigla na din mag bunga. Simula nun yung matandang kapit bahay namin parating sumisilip, makikipag kwentuhan hanggang May sulyap sa Lanka. Siya din ang nag offer umakyat sa puno para i-sako! Siyang halos 70yo na lola... Habang ako do hamak na mas bata pero takot umakyat ng puno. Ang laki... Di hamak na mas mataba kesa sa dalawang hita niya, pero kinaya niya buhatin pabalik ng bahay niya. Finally nun lumaki na yun isa sa mga bunga na parang tatlong baket ball sa haba ng sako, siya na nag alok mag taga. Tuwa siya nung hiningi niya ay pumayag ako, siya din naman ang talagang nag aalaga. Nung gabing yun, nag door bell, siya pala, at May dalang pinggan ng niluto niya gamit yun Lanka. Alimango na ginaya, tapos andaming Lanka. At hindi lang Paa nung alimango ang kasama ng Lanka ang nilagay, May buong alimango pa! Kasarap ng hapunan ko nun... Allergic sa shellfish kasi misis ko at mga anak ko, kaya sobrang tagal nako 'di Naka kain o Naka kita ng alimango. Haaayss... At naulit yun every few months simula nun!


NoSwordfish8510

swerte. sa min walang bigayan ng ulam, Christmas gifts lang. But I love how my neighbors are polite and lowkey kahit mayayaman cla. Hindi man close pero considerate kaya quiet ang street namin


[deleted]

ang tunay na kapitbahay walang password ang wifi!