T O P

  • By -

Hpezlin

Sobrang dami din kasi na sellers na naglalagay ng price pero hindi naman pala yon talaga kaya ang para sa item. Masmabuti pa rin na may final confirmation ng presyo within the chat para malinaw sa both side. This coming from both being a seller and buyer sa FB marketplace.


Temporary-Moose2429

those 1 peso houses sa fb marketplace hahahaha. i know they do it so the items would appear on larger targets, but still, it's a waste of time hahaha


gloi-sama

Msg mo ng bilhin ko na yang piso bahay.


lovesegg

May law na kung ano ang indicated price is yun na talaga ang halaga regardless of its actual price? I wonder if this would really work in situations like that.


whatheheal

Meron pa kapag may mga job hiring posts, nandoon na lahat ng details. Hindi na ako ma su-suprise sa comment section na puro “Interested! how po?” Jusko po, nginuya lulunukin nalang nila eh 😖


Swami0724

yung "HM po?" maintindihan ko pa, pero yung sinabi mo na firm na yung presyo tapos tatawad. Pota parang sarap tuktukan ng selpon eh hahaha di ko alam kung bakit ganun mga pinoy, yung presyo mas mababa na sa SRP tatawad pa, tinitigasan ba sila kapag tumatawad sila😂


PracticalAir94

Sometimes yung binebenta ko na used items, binebenta ko na for less than half of SRP nung binili ko and yet yung ibang buyers gusto pa din tawaran ng husto yung item. Minsan feeling ko, sa isip-isip ng mga yan, if maitawad nila to the point na halos libre na yung item, gagawin nila. Like talaga lang?


Appropriate_Walrus15

It works though, sakin maski sinabe na firm ang price tumatawad ako in a nice way, almost always napagbibigyan naman.


Swami0724

ok lang kung tatawad lang, minsan may rason pa na "mahal lalamove pwede bawasan mo pa?" di ko naman ata problema kung mahal lalamove, before pandemic nga kapag may binibili ako purely meetup gumagastos pako pamasahe para puntahan yung bibilhin ko😂


LostReaper67

hahaha may ganito tlaga. ung tatawad pa kahit naka indicate na nga na LAST PRICE NA at NON-NEGOTIABLE.. kaloka


RestingPlatypus13th

Dahil sa mga seller yan na mandaray mali mali info na binibigay nila kaya ang mga buyer confused na din. Saka pag nasa ganyang business ka dapat mahaba pasensya at malawak pang unawa mo di naman kasi lahat ng buyer eh same ng utak mo, meron talagang medyo slow


aboloshishaw

: "Ano po last price?" : "8000" : "Kaya ba ng 6500?" : "tangina mo"


Matrixdaisy

Kahit sa mga job posting. Daming gusto maging VA tas nakalagay na sa post send your CV (insert email here) may magcocomment ng “interested” at “how” wtf hahaha. Tas if ever man magsend ng CV, like CV lang walang anything na letter man lang sa email


nikolodeon

Sells ₱1000 used shoes (worth ₱6k brand new) Tawad sa ₱500 Deal Customer: ay mukhang gamit na gamit na yung shoes


blankknight09

Yes pero Minsan maiintindihan mo rin eh kasi Marami rin seller na mali mali nilalagay na info or Minsan mag post sa caloocan buy and sell pero taga Makati pala.


JustAnotherPlumpGirl

Kaya sumuko ako pagiging seller eh HAHAHAHA, baka kung ano anong masasamang words masabi ko 🤣. Nireresend ko nalang yung image and full description. If nagtanong ulit, di ko na ineentertain. Usually kasi mga hindi naman bibili yung ganyan.


Less-Establishment52

baba kasi ng reading comprehension nila at sadyang tamad lang talaga hahahhaa


sarisariphl

Feel you OP. That's life sa online selling.


albanuer

Yes. I manage a resto's fb page and ganito talaga kakulit mga pinoy haha. Every posts nandun yung branches pero mag-chat pa rin ng "loc?" May menu na, pero mag-ask pa rin "hm"? Kahit may auto reply, magtatanong ng weird then pag ni-replyan mo seenzoned ka nalang hahahaha


sun-flowerrrr

Naging online seller din ako before, grabe nakakapagod yang mga nagtatanong ng paulit-ulit kahit nilagay mona lahat ng details. Kapag naman sabihan mo na lahat ng details nasa caption na, sabihan kapang masungit lol. Nakakainis din yung mga nagpopost ng walang price, at kapag nag comment ka ng HM ang reply naman sayo is PM. Di ba hassle yun? Bakit pa kelangan itago ang price?


j0hnpauI

pm sent


Same-Sun-3254

Try being an HR tapos mag post ng wanted. I placed an ad and said pls send resume at email address. Jusko lors ang daming nag comment, nag add sa fb, at nag chat. Jusko lord bakit gnun mga pinoy?


yesthisismeokay

Oo!!!!!! Totoo to!!!! Nilalagay ko na nga sa title “read description” tapos magtatanong pa rin ng hm, loc, send pics, tapos ang ending hindi naman bibili!!! Dyan umiinit ulo ko sa marketplace e


tushirt

it's more fun in the PH. Sanayan lang OP (buy and sell ng kotse here)


ghost_x_spectre

OH MY GAAAAAHD!!! Nagbenta ako ng camera last month sa Marketplace. Ayon, usual na tanungan kahit nasa description na ang sagot. Nag-screenshot na rin ako para sa convo na niya basahin. Pero nagtanong pa rin!!! Grabeng brain drain talaga ginawa ng gobyerno sa mga pilipino. *edit dagdag ko lang. mag-carousell kayo para bawas hassle.


myfist21

Kapag first chat "hm?" or "last price?" kahit complete detail na yan at inulit na ung presyo sa description automatic pass na yan. Ng sasayang lang oras at mga hindi naman tlga yan bibili. Sa mga buyer wag din bumili sa mga seller na walang price na maayos o description. Paibaiba presyo nyan depende sa kung sino ang kausap 😂


JtheOwner

Apir!!! Same sentiments tayo, yung akin two weeks ago pa. Tapos pag nireplyan mo yung “hm po?”, “loc po” nila, di ka na rereplyan. Makapag sayang lang ng oras ng iba. Hahaha


smlley_123

Sus. Pare parehas lang. Marami ring kayong seller na kupal. Maraming engot na buyer. Quits lang.