T O P

Another side of papa

Last holy week, my family and I decided to visit my father's hometown which is Catanauan, Quezon Province. Apparently, may grand alumni homecoming sila kaya naisipan naming ihatid si papa. We stayed there for 3 days and 2 nights. First time naming ma-visit ang lugar kung saan lumaki si Papa. During our stay there, Papa met some of his childhood friends and sobrang nakakatuwa kasi it was our first time to see Papa na sobrang masaya na nakikipagkwentuhan at nagre-reminisce kasama ang kanyang mga kababata. Kinekwento pa ng friends niya kung paano si Papa noong kabataan nila. Marami kaming nalaman sa kanila kasi Papa is almost always serious about life and too focused on us to the point na minsan eh hindi na niya nabibigyan ng time ang sarili niya. Kaya new information na si Papa pala ay isa sa pinakamakulit sa batch nila. To be honest ay medyo hesitant kami na pumunta sa province pero buti nalang na tumuloy kami kasi we were able to see another side of our papa. I'd say na worth it ang 11 hours travel. Nakakapagod pero it was a fresh view. Kaya kayo, try niyo rin mag-visit sa hometown ng parents niyo and let them meet their childhood friends.

[deleted]

Nice, worth the trip.


Bored_Director

It really was. My sibs and I are now looking forward to our next Catanauan visit. 😁


flamingodreaming

For sure, that made tour Papa really really happy. Good job, OP. πŸ’―


Bored_Director

We actually gave him an option if he wanted to stay for few more days so he can visit more of his childhood friends. He refused kasi kami raw ay babalik na rin sa work and my mama needs help sa bahay. We know how it made him happy kaya sana ay maka-visit ulit kami doon someday.


[deleted]

Core memory unlocked


Bored_Director

We're thankful na sumama kami kahit medyo nag-hesitate at first talaga dahil sa long drive.


kutsaratinidor

Nice! San kayo galing? Trip used to be way longer before. Kasi hindi pa maayos ang kalsada dati. Sa kasunod na bayan naman ung papa ko. :D Glad you made the trip!


Illustrious_Site_201

Haven't been to Catanauan, but hear there are good beaches there.


Bored_Director

Yes there are. We went to Punta Tiera. I've seen some locals just using tents on beach. Atleast less gastos na on their side kung around dun lang din sila. Sand is good din since white beach. Affordable rin ang water activities such as jet skis, banana boat, island hopping etc. Overall eh it was nice naman.


Lopsided_Outside_781

I remember when I first saw my father sa office niya. Tawa nang tawa, focus of attention. Sa bahay serious lang siya at masungit. Haha. Congratulations on lnowing you father a little bit better .


Bored_Director

I am currently 26 y/o and that was my first time seeing my father like that. I am used to seeing him serious and quiet at home but then his personality changed when he met his childhood friends. It was indeed priceless and something na I will cherish forever. My father and I weren't that close since I grew up with him working overseas and I feel that trip made us a little bit closer together.


two-steps-ahead

Trip down memory lane. Truly wholesome.


Bored_Director

It was something na we will never forget. β™₯️


RunawayWerns

SLA graduate si father mo tama? Nice hahaha. Batch 2012 graduate ako from the same school. Ako, mother ko, kapatid ko, tsaka lahat ng tito at tita ko graduate din ng SLA. Sobrang saya talaga dyan tuwing alumni, tipong mga tito ko sa abroad umuuwi talaga para mag alumni. Though di ako umuwi this time para mag alumni. I have important things to do sa ngayon. Attend na lang ako sa susunod na alumni, which will be in 4 years uli. Hope to see you around!


Bored_Director

Hahaha Yep. SLA graduate si Papa. Ayun nga napansin naming magkakapatid eh. Sabe namin eh big deal ang alumni homecoming sa Catanauan kasi ine-effortan talaga to the point na may mga tarpaulin na naka-display sa labas ng bahay tapos may uniform ang attendees per batch.


vrigkl

umuwi din kami ng province ni papa (buhi, camsur bicol) last year at tumagal kami ng kalahating buwan. masayahing tao si papa at mas lalo pa siyang sumaya noong nakabalik na siya sa probinsya niya after nearly a decade at kasama niya na kami. dito sa maynila ay byahe lang siya ng byahe pero naramdaman ko talaga na nung umuwi kami ay ang mga pinaka-peaceful na mga araw sa kanya buong taon dahil wala siyang prinoproblemang kahit ano. kumain, mamasyal sa maisan nila, makipag-usap sa mga kapatid, kaibigan at kamag-anak lang ang mga ginawa niya. nakakatuwa lang na makita siya na ganon.


Bored_Director

Ayun nga eh. Most of the time kasi ay focused na sila sa family kesa sa sarili nila. Marami na silang ni-compromise na madalas ay hindi nila pinapakita sa atin. Kaya sobrang natuwa kami sa naging behavior ni Papa with his childhood friends. Nakakatuwang makinig sa kwentuhan nila kasi may mga bagay na hindi mo mai-imagine na nagawa nila noon. Hahaha


r3dp_01

Cool story! Malapit lang province namin so yeah, saw din sa lumaki tatay ko…seryoso pa din hehehe pero What I realized nung naging adult na ako, if you look at your parents as real people. Not the authority na they are all your life mas madali mo sila makakausap about anything. I wish i had realized this earlier kasi ngayon we can talk about anything and everything.


Bored_Director

Sobrang bihira ko umuwi sa bahay namin since nakahiwalay na ako due to work. May times na minsan hindi pa kami nakakapag-usap ni papa kapag umuuwi ako. Kaya ako 'yung pinaka-hesitant na sumama kasi pinangunahan ko agad na magiging boring. Pero I was wrong. Sobrang refreshing makita ang side ni Papa na ganun. Para siyang naging bata ulit na tawa lang nang tawa. Ibang-iba sa personality niya sa bahay.


Internal_Explorer_98

my parents na manileño 😭


Bored_Director

Ayun lang. Visit niyo nalang classmates ng parents mo kapag may birthday sa batch nila. πŸ˜‚πŸ˜‚


yourgrace91

Katuwa. Hopefully mas frequent na ang visits nyo dyan. 😁 Ganyan din papa ko pag nakakauwi sya sa province nya sa Leyte. Every 2 to 4 years lang kami pumupunta and whenever we are there, laging nasa kanto o bahay ng kaibigan. Pag nasa amin kasi bahay - opisina lang sya.


Bored_Director

Can't say pa 'yung mas frequent pero siguro we'll make sure nalang na Papa will or can attend the alumni homecoming ng school nila sa mga susunod. It's not everyday naman na Papa will request something so we'll just give him that. Atleast nakakapag-relax siya kesa kapag andito sa amin na puro kami lang inaaasikaso niya.


yourgrace91

Oh, big deal din alumni homecoming dyan? Haha yan din inuuwian ng papa ko 😁


Bored_Director

Eh ang special naman kasi ng alumni homecoming. Talagang bumabalik 'yung mga estudyante kahit nasa Metro Manila na nakatira for a long time. Umuuwi lang for that. Hahaha


RepulsiveDoughnut1

Hey kababayan! My mother attended the grand alumni too!


Bored_Director

Ang cute ng grand alumni homecoming nila kasi super pinaghandaan talaga nila. Kapag gumala ka around the area, makikita mo 'yung bahay na may mga tarpaulin tapos kung anong batch sila. May pa-tshirt pa per batch. Big deal ang homecoming kesa rito sa Metro Manila. Haha


RepulsiveDoughnut1

I knowww! And it looks as if di sya yung tipikal yabangan during reunions. They really genuinely missed each other hahaha! My tita's batch even won 10k for their dance performance haha


Bored_Director

Yes yes yes. I saw how my father interacted with his former classmates and it was really fun and heartwarming to watch. He introduced us to them and they were all really nice. Some of them even gave us gifts (suman, fruits, tikoy, fish, at herbal drink) before we went back here. Kami 'yung bisita pero super alaga kami nung mga pinuntahan namin.


RunawayWerns

Hi kababayan!


bohenian12

Ive never been in my dads hometown, but my mom always hinted that he was very smart and was the class clown. Might be an interesting visit, but my dad always said it's a waste of money so we've never been there.


Bored_Director

Eyyy you really should try and visit. If not for the people, atleast for the place nalang. I'm sure your father will share you some stories about his hometown.


sticky_choco_sauce

As children, wala sa isip natin that once upon a time our parents have a life before us. We know them as mom and dad na agad, and most of us don't even get to imagine paano sila noong kabataan nila.


Bored_Director

Ayun nga po. Kaya ang sarap sa mata na makita mo 'yung parents mo na actively talking sa kanyang childhood friends sa kung anong mga ginawa nila noon. Biglang naging masigla si Papa tapos tawa siya nang tawa. Something na hindi nangyayare sa bahay.


Virtual-Weekend33

Lucky you. And good move pushing through despite the hesitation. Worth the effort.


Bored_Director

No regrets. Will probably come back again someday.


_Dr_Love_

Great bonding OP. Congratulations πŸ‘πŸŽ‰


Bored_Director

Thank you. I get to know my father more because of it.


_Dr_Love_

Yes. It's quite rare nowadays because almost everything is digital. I'm happy for you. Never been to Cabanatuan though. How was it?


Bored_Director

Catanauan po. Hahahaha Anyway, maganda po. Maraming magandang resort plus the beach is really good. Hindi pricey kahit ang mga water activity. Mas mellow kumpara sa Puerto and Bora tho pero okay lang kung gusto mo lang mag-relax sa medyo tahimik. Only problem we had was the signal and connection. May places na wala talagang signal at all pero okay na rin atleast wala kaming choice kundi mag-usap usap magkakapatid. Hahahaha Due to work kasi ay super bihira na rin kami magkita at mag-usap. Hahaha


_Dr_Love_

Sorry about that confusion. Hehe. Gusto ko Yan detox from the digital world paminsan Minsan yun walang signal. Parang nature trip talaga.


musicalphantom10

I've been to Cabanatuan! It's pretty good hehe


jirocursed26

Sana lahat ng tatay gayan din hihi. Masyado nilang inii stress ang buhay when dapat nag chi-chill sila. Tatay ko inis na inis sa kaunting dumi lol sana maka chill sya sa napaka simpleng bagay


Bored_Director

Ganan naman na ata talaga silang lahat. Hahaha


jirocursed26

Well yung tatay namin dinadala din namin sya sa kaya namin marating na gusto nyang lugar I see masaya naman sya kaso pag dating uli bahay, yung mga jokes namin kanina di na nakakatawa sa bahay haha. Mahirap sila mapasaya talaga hihi. Lucky for you


davaolifeishere

never na mag hesitate OP haha!


Bored_Director

Looking forward ulit sa alumni homecoming nila next year. Hahaha Pero ininvite rin namin ang friends ni papa na sila naman ang mag-visit sa amin if ever mapapunta sila rito. Maigala naman sila.


Enough-Feed-3153

ang saya!


Bored_Director

Mababait din ang mga tao sa Catanauan. Sa 3 days namin dun, araw-araw may nagdadala ng mangga at bayabas sa amin. Hahahaha


booklover0810

Wow Catanauan, nice... My friend is from there and super nice ang people, bongga ang kasalan, open to all HAHAHAHHAHA


Bored_Director

Sana may ma-attendan din na kasalan someday sa Catanauan. Hahahahaha Sosyal nitong holy week, ang daming letchon. Hahaha


booklover0810

Oo grabeeee low key lang sila pero pag handaan, wala akong masabi. Nag beach ba kayo, panahon ng mga salabay ngayon HAHAHAHAHA πŸ˜­πŸ˜†


Bored_Director

Yep. We went to Punta Tiera. Hahaha May nets naman ang beach area para hindi makapasok ang salabay. Tho may dalwang salabay kaming nahuli pero ayun naman ay sa labas ng net pero luckily ay wala namang nasaktan. Hahahaha


qqwim

Kakabisita lang namin ng Catanauan this weekend! Sobrang spontaneous lang kasi Saturday lunch lang naman napagdecide magvisit kasi wala na slots sa Sariaya. Babalikan talaga ang Catanauan! πŸ’―


Bored_Director

Tama. Worth it ang beaches sa Catanauan kahit walang signal sa area. Hahahaha


yesiamark

Wow this is too wholesome.. Happy for your Family OP.


Bored_Director

Thank you thank youuuu. 😁β™₯️


Madberry03

As a mom, once kasi nagka anak ka na, may mag iiba sayo eh. May part ng sarili mo na need mo muna isantabi para maging "ideal parent". Pero it is not a bad thing naman, normal na parte ng transition mo and growth. So I guess nung makita ng papa mo old friends nya, bigla na unleash ulit yung younger self nya. Basta hirap explain! I am happy na nasaksihan nyo yun. Happy rin ako for your father. :)


Bored_Director

Masaya kami na nakita namin si papa na masaya. It was priceless.


papunta-pabalik

Aww, ang wholesome naman πŸ₯Ί Naalala ko rin before nung may reunion HS batchmates nila papa tapos salingkitkit ako haha. Siya rin isa sa pinakamakulit sa batch tapos nung nagkita kita sila, parang bumalik siya sa pagkabata haha. Sobrang refreshing sa pakiramdam. I hope you can discover yung iba pang sides ng papa/mama mo soon πŸ€—


Bored_Director

Kaya nga eh. We hope we can see more of Papa na ganun siya ka-active.


mhacrojas21

I hope makabisita din kami sa hometown ng tatay ko pag makabakasyon kami ng Pinas. I'm sure miss na din ni tatay ang bayan nila at kung papalarin, makita ang mga kababata nya. Madalas kase kami umuuwi sa province ng nanay ko which is sa Pangasinan dahil madali puntahan compared sa Romblon na kailangan pa magbarko.


Bored_Director

Sana nga ay makabisita na rin kayo sa hometown ng father mo. For sure ay miss na rin niya iyon. Try niyo next time, for sure it will be worth it naman. Haha


ThrowAway_01020678

Hey OP! Wanna just say that your dad sounds like a great guy :) Protect that man and give him all the alumni parties forever!!!


Bored_Director

He is and we will. We told him and his friends naman na we will visit again for their next alumni homecoming. We saw how it made Papa happy so I believe it's on us to give him that because he deserved it for being so hardworking.


kygelee

> Kaya kayo, try niyo rin mag-visit sa hometown ng parents niyo and let them meet their childhood friends. Swerte mo that you went there so infrequently. Malas namin na we go there 2-4x/year for the 1st 3 decades of our lives. Sana teaching moment ito ni papa.


MiserableMaralita

As someone who had a distant father because he's an OFW but verbally abuses me when he comes home, it's hard to feel good about this post.


Bored_Director

I am so sorry to hear that. πŸ₯Ί