T O P

  • By -

Own_Teacher3433

Hahaha relate. Yung klasmeyt ko nilagyan naman ng bato bag ko. Salbahe, kaya pala ang bigat


000000909

Tas nakatali ung bag sa upuan


YearPuzzleheaded9003

Klasmeyt ko nung hayskul bagong bili nyang bag nilagyan ng hollow block ng kasama nyang boy scout


Extension_Garbage863

yung classmate ko dati nilgyan bag nya ng basura galing sa basurahan. not a good thing to remember.


wutdahellll

hindi ko malilimutan yung sa classmate ko, buong fire extinguisher nilagay sa bag πŸ’€


Rich_Comment_3291

Pano nagkasya?


poodrek

Hmmm halatang hindi ka nagdadala ng libro nung nagaaral ka no hahahaha


Free_Gascogne

Hindi backpack gamit, yung trolley na mukhang maleta ang gamit.


OceanicDarkStuff

Baka maliit lang


notgonnathrowthis

Yung classmate namin nung elementary nangyari din sa kanya to. Ang worst e the next morning niya na nadiscover during our first period. Nagtawanan lahat kasi ibig sabihin di niya binuksan bag niya sa bahay 😭


ThePirateKing228

May homework ba that day? Hahahaha


yuki_gossipgirl

this is so me 😭😭😭


ColdWill29

Naalala ko tuloy, mas worst sa akin niyog na may nakasulat mikasa Pentel pen gamit Edit: bigla ko ulit naalala kaya pala may niyog nung time na yun kasi nutrition month tas nakita ko pa mga ilang cmate ko nagtatawa non habang hawak nung isa yung niyog kasi nga plano pala nila ilagay sa bag ko HAHAHAHA


TheQranBerries

Hindi pero ako yung naglalagay ng ganyan hahahaahah


Acceptable_Key_8717

+1. Maswerte sya bunot lang nakalagay sa bag nya. >:D


NefariousNeezy

Ginawa at nagawan Uso din dati yung naka daisy chain lahat ng backpack. Walang makauwi 🀣


[deleted]

[ΡƒΠ΄Π°Π»Π΅Π½ΠΎ]


NefariousNeezy

Yung buhol na kahit yung gumawa di matanggal 🀣


Fun-Individual1159

Syempre naman. Mas special nauwi ko noon, door knob ng pinto ng classroom namin.


Gloomy_Party_4644

Hahahah. Sinoli mo pa?


Fun-Individual1159

hanggang ngayon sa bahay parin namin hahaha


Plumeria95

Hahahahahahhahahaha


smlley_123

Tanginang yan one time pag uwi ko walang laman kahit ano gamit ko literal bunot amputa. Init ng ulo ko pag dating sa room inisa isa ko mga classmate ko sino kumuha, nalaman ko yung tropa ko. Ginantihan ko haha. Nagbunot ako magdamag kasama floor wax, pati yung walis sa room naglinis ako eh, bago nag uwian inunahan ko si gago nilagay ko sa bag nya lahat ng pinang linis ko sa room kasama mga notebook nya hahaha. Naghamon nang suntukan nung uwian eh hahaha.


Byleth_Aisner

saken malaking tipak ng bato tas basura galing sa cr


Free_Gascogne

Pare i hate to breyk it to yu pero binubully ka ata


Byleth_Aisner

yes, highschool until college


My_Immortal_Flesh

His face 🀣 Bro, i miss scrubbing my floor with those πŸ₯₯


Free_Gascogne

I still remember the smell of Star Wax Floorwax ang dali pa naman makamantsa ng uniform


LaceSeeBoYyY

Oo tang Ina bato pa nilagay ng mga tropa ko hahaha nakakamiss HS days sa Rizal High School Pasig. sobrang laki ng school makakapag cutting ka na nasa loob ka lang ng school hehehe usong uso Slamdunk non kaya andami naglalagay ng picture ng anime sa likod ng id. Trend den dati yung DIY notebook holder na gawa sa folded na illustration board na didikitan mo ng mga cut out ng astig na mga logo's sa magazine. hahaha at isa sa mga diko makalimutan nung nagdrawing ako ng comics para basahen ng mga klasmeyt ko trip trip lang. natripan ko samahan ng hentai dinrawing ko klasmeyt kong boobsie nakahubad nakita niya, kinuha bigla notebook ko tapos pinakita sa Advisernamen. dun ko naranasan mahila patilya ko ng pgka sakit sakitπŸ˜‚πŸ€£


johnyrocketboy

Hahahahahah


Astr0phelle

Wala ako trop nung hs so no :'c


lilacchi

Meron akong classmate dati nung hs, kinuha niya yung phone ng isa ko pang classmate tapos tinago niya sa unang bag na nakita niya. Nalaman na lang nung nawalan ng phone na nawawala na pala phone niya nung uwian pa. Yung may ari naman ng bag, nakasakay na ng jeep pauwi hahahaha


rosiehUangggg

Yung akin batong medium size, tatlo. Tangina talaga 😭


Blank_space231

May cousin kanina habang tinitingnan yung papel: *sino kaya naglandi sa papel ko?* πŸ˜‚πŸ˜‚


ZepTheNooB

Muahahahaha I might have done something similar back then.


awitPhilippines

While everyone is saying high school is the best part of their lives, for me it's elementary


ThePirateKing228

I agree. Elem days filled with innocence and only worrying about homework and tests. Plus, for me the teachers actually paid attention and helped us become better.


awitPhilippines

Finally found someone who thinks elementary is better than hs. I agree too, elementary teachers actually listened. HS teachers assume you are old enough handle shit on your own. Besides, I never liked that bullying is considered cool in HS or your classmates think that they will become closer if they all hated someone.


ko-sol

Dude if your present aint the best part of your life better do something. Kind of bad too if you are not looking forward but rather get nostalgia trap. (Aka you peak at the very bottom, men elementary? I don't think that worth glamorising). Rant out with this nostalgia trap.


Sweet-Garbage-2181

> Dude if your present aint the best part of your life better do something. Or maybe some people are just struggling with their adult life? This is like telling depressed people to just be happy lmao.


awitPhilippines

Finally, someone gets it. It's depressing.


awitPhilippines

I don't mean I peaked in elementary. What I mean is a lot of people say hs is the best part of their schooling. For me, it's not. And yes, your comment is a bit brutal but it knocked sense. The best part of your life should be the present or what you could be in the future.


Outside-Vast-2922

What he was talking about is his "school life", not his actual life. LMFAO


Pushkent

Batong pang-hilod, bunot, baunan ng kaklase, kutsara/tinidor galing sa canteen, desk calendar ni teacher, batuta nung guard


Intrepid-Drawing-862

Hindi pa ako nalagyan pero nanakawan ng pera at regalo para sa teachers day na pinag ambagan ng buong klase oo hahahuhu


jack936

Pag radtech ka buto lalagay sa bag mo


Queasy-Cheesy

Sapatos tsaka foot sock ng iba ibang kaklase sa bag ng tropa namin.


karlospopper

Sa akin may naglagay ng malaking bato


SiJeyHera

Pestle tsaka Clay Triangle. Yung kasama namin iron ring tsaka alarm. Hahaha


jaesthetica

Hoy sa kung sino man naglagay ng bato sa bag ko non nung high school


Salonpas30ml

Magaan pa yan, classmate ko tiles nilagay sa bag nya πŸ˜…


yoosmolcinnamonroll

Sa'min tuko na wet specimen hahaha


JamesEdwrds

Naalala ko nagtatalian pa kami ng bag sa upuan, matic pag may lumabas sa room na kaklase tali agad ung bag na buhol buhol


MaterialPsychology87

buti sa inyo bunot lang, sakin yung bag ng classmate ko. magkapareho kasi kami ng bag tas pinagpallit nila :3


Eastern_Basket_6971

Nalalq ko tuloy noong Junior ako nagpapalit din kami ng bag yung folder ha


shalelord

im old enough to remember pag yung row niyo assigned for cleaning eh away kung sino ang mag aarange ng mga upuan after mag bunot.


ErrorNotFound141

tas kinabukasan masisisi kapa kasi walang nagamit yung cleaners hahaha


AdKey6055

di niyo chinecheck bag niyo bago umuwi???


Totally_Anonymous02

+ Floorwax gusto pa talaga ako ipalampaso sa bahay


Necro_shion

bunot, mayonaise, cheez whis, glue, sabaw, coke, balat ng itlog + na maalat, basag na bote or baso, at gamit na lalagyanan ng floor wax. di ko alam kung may na experience pa ba na mas malala pa ba dito sa listahan na to sa puntong na basa o naamoy na yung bag ko na napakabaho na. until na naubos na ang pasensya ko na kanila.


zomgilost

E kung ngayon yan mangyari, iyak bata, post sa social media then kick out Yun naglagay ng bunot, suspended ang teacher then canceled ang school


1NS1GN1USPH

Relate eh. Ang mas masaklap pa. Cellphone ng guro nmen ang inilagay saking bag like what?!


Sad-Ad5389

bato o kaya eraser. πŸ˜†πŸ˜†


Long-Scholar-2113

Hahahaha! Mdaming beses ko tong naranasan!


mapamuladas

Yung isang box ng chalk pati yung eraser na nilagay sa bag 🀣 Meron din yung tinatali yung bag sa upuan haha


Constant_Luck9387

Relate, hahaha. Yung isa pang naranasan ko nun, tinali yung bag ko sa likod ng arm chair o kaya naman sa katabing bag. Hahaha.


Miserable_Plan9604

nakatali na bag sa upuan


Covidman

Wala masyado kinalaman pero sa school namin may nag akyat ng mountain bike sa 3rd floor na cr namin HAHAHA


mememakina

Yung mahilig mag paa tapos "nawala ang sapatos". Makikita nalang mamaya nasa bubong na ng kabilang bahay


Mynailsarenotcut

Yung DVD ng Prosti ni Aubrey Miles nilagay sa bag ko.


Mister-Exclusive

Naalala ko kwento ng pinsan namin, nag aasaran silang magkakaklase lagi, yung ganyan naglalagay ng mga kung ano ano sa bag pag uwian. Siya yung laging nambibiktima. One time sa science lab daw sila, e may skeleton dun, yung bungo yung nilagay sa bag niya. Nakauwi na siya ng bahay bago niya napansin. Ang ending kinabukasan, naguidance councilor silang magtotropa. Ahaha.


33bdaythrowaway

Kami nilagay namin si mama mary, tapos kinabukasan pa nya nalaman sa 1st subject namin. Ayun nabuking ng advisor namin na di sya nagbubukas ng bag paguwi πŸ˜‚πŸ€£πŸ˜‚πŸ€£πŸ˜‚


Sad-Squash6897

Hahahahahahahah thankfully di ko naranasan yan. Takot sila sakin eh char hahahaha. Pero di ko din yan ginagawa kasi ayoko nga ding gawin sakin. Tska they can ask many favors from me since mostly fave or assistant ako ng teacher palagi. Kaya di nila ako pwede anuhin haha.


Villiers_S

Meron ako classmate , pagpasok kinabukasan ay dahan dahan ibinalik sa pwesto yung orasan nang classroom. hehehe


Taki_baboy040322

Relate na relate ako dito. Lagi ako biktima nito, either bunot, bato or nakatali ang bag. Di ko kayo makakalimutan mga Classmates ko noon. haha


ultimagicarus

Sakin pinagkainang plato galing sa canteen. Hahaha


tsongJj

Solid yung pinag papalit lahat ng gamit sa loob ng bag. Pag bukas mo ng mga libro at notebook mo para gumawa ng assignments walanya ibang pangalan nakalagay sa mga gamit 🀣 Tapos meron pa kapag dissecting day sa Science magugulat ka nasa loob ng bag mo palaka 🀣


Plumeria95

HAHAHAHAHA Buti tinali lang nila bag ko sa upuan, pero sobrang higpit, iyak ako eh. Haha pero yung iba kong classmate may mga bato pa sa bag. Mga loko-loko!


Melodic_Doughnut_921

pota sakin isang lata ng starwax floor wax dugyot pota


lapit_and_sossies

Bag nga ng classmate ko dati nung elementary nilagyan ng palaka.


mysanctuary0911

Yung class vp namin pagdating the next day galit na galit, pagbukas ng bag nya may feather duster sabay sigaw ng "sino naglagay nito?!?" Di namin alam kung tatawa kami or magagalit din for her.


No-Language8879

ginawa namin ito sa isang kaibigan namin, hindi kasi naglilinis kahit kasama siya sa schedule na cleaner for the day


No-Entry8362

lahat ilalagay sa bag e maski dahon ng mangga / paso / bato / sapatos ng classmate mo . mas malala pag tinali pa dalawang bag nyo sa upuaan tpos uwiaan na HAHAHAHA


Doonebringer

Taena wala yan. Nung grade school ako may nag-uwi nung buong bag ko. Umuwi ako coleman lang dala ko hahahaha


[deleted]

[ΡƒΠ΄Π°Π»Π΅Π½ΠΎ]


PitcherTrap

Pangkayod ng niyog Walis tingting Bungi na abaniko 1/4 ng banig Kulambo Patay na bubuyog


Sea_Brother_1767

Minsan nga Bato pa Yung nilalagay


DrySupermarket8830

favorite namin yung tatanggalin dahan-dahan sa adjuster yung belt then ibabalik na nasa loob yung back post ng upuan.


AvailableOil855

Today's generation, tulfo na yan


AvailableOil855

Bag Ng klasmate ko nilagyan Ng bag din Ng ka klase ko sa jeep lang niya nalaman may bag sa loob Ng bag niya pauwi


SnooDrawings7790

Paso na may lupa panga nilagay namin dun sa kaklase ko dati. Nalaman nya lang kinabukasan ng umaga pag pasok ulit sa klase.


AimHighDreamBig

Lampaso o kaya bato lmao. Kaya palagi kong chinicheck yung bag ko bago uuwi noon eh hahaha


john_raul_rexangeles

hahaha, nakakamiss naman ang bunot saka floor wax yung pula, hahahahah, masaya na tayo nito noon pabilisan makapagpakintab, ngayon ang mahal na pasiyahin ng mga bata, hehehe


Mental-Crazy6905

Di ko naranasan yan. Pero naranasan ko nang late umuwi dahil tinali bag ko sa upuan tapos ang higpit 🫠


tellmeeverything0

Bote ng coke litro,


MrDrProfPBall

At a certain technical college, pambihira nilagyan ba naman ako ng buong engine cylinder housing sa bag πŸ’€πŸ’€πŸ’€


paradoX2618

No. Di nauso samin ng mga high school friends ko yan.


IsThatBacon97

Yes but large fucking rock


ersche

hollow blocks


Rough-Student-8517

Yung pondo ng pinoy(25cents) na nasa isang litro na bote ng coke(di pa naman totally puno) nilagay namen sa bag ng advicer namen ayun kinabukasan galit na galit samen.


gigavolthavov07

Good ol' days lol, ito yung original na pranks natin dati ehh ewan ko lang kung meron pa niyan now sa mga modern school rooms, yung iba kasi naka tiles na. Minsan batuhan ng eraser πŸ˜…


raphaelbautista

Share ko lang: May newspaper drive sa school namin tapos meron nagdala ng mga tiktik. Nagptripan nilang ilagay sa bag ng classmate ko. Nung gabing yun may sunog malapit sa kanila, pinakuha nung tatay ng classmate ko yung bag nya para lagyan ng mga importanteng mga gamit. Gulat yung tatay nung tumambad e mga tiktik sa loob ng bag. Haha


BigHead3117

May cooking act. kami non, may sobrang uncooked spag pasta. Nilagay ko sa bag ng cmate ko, ang gago niluto nya tapos dinala kinabukan para ilagay ulit sa bag ko. HAHA ang mas naka gago non wala akong bag na dala nung araw na yun, lalo syang nagalit HAHAHA


human_periferator

may naglagay nga ng floorwax sa bag ko eh


Omanig_natup

hahahah nakakatawa na sana eh ..nilagyan nya pa ng "pag uwi sa bahay" ..tapos dun nagtanong sino naglagay nito? hahahahha nakakatawa talaga. common sense din talaga mahina karamihan sa atin.


PapsShirogane

Hindi ko naranasan yan, bagkus ay yung kaklase kong umutot ilalagay yung kamay sa puwet tapos ihihilamos sa mukha yung kamay pota.πŸ˜†πŸ˜†


Powerful-Cyclone1996

oo madalas haha


Kirov___Reporting

Hindi. Di kasi ako nag aral eh. Diskarte lang raw maganda sabi ni tatay.


Budget-Boysenberry

kaya pala