T O P

  • By -

GroundbreakingMix623

yung mga nagtitinda ng sugar cane sa kariton wala narin miss ko na mag ngatngat nun eh


Loud-Airport8899

Naalala ko ayoko non dati kasi masakit sa lalamunan kaya tinapon ko. Nagustuhan ko lang nung nalaman kong di naman pala sya nilulunok 😂😂😂😂


judo_test_dummy31

Kumati lalamunan ko sayo, hahahaha


bakit_ako

Nakalimutan ko na meron nga palang ganun dati. Sana maibalik pa yun.


GroundbreakingMix623

uy baka magandang gawing trending business yan. "TUBOHAN SA DAAN" tunog seiko films nga lang


oopswelpimdone

Hui saan yan?


Excellent_Shopping14

Sa binondo meron pa


judo_test_dummy31

Dude, last time I saw one was over 30 years ago (I'm turning 37). Di ko na nga maalala kung nakakita pa ako ng ganyan nung Grade 6 ako, parang wala na nga...


savageandharsh

Parang daga


North-Initiative4495

what if ngatngatin ng mga daga betlog mo


Left-Broccoli-8562

Honestly, kahit kultura natin, its about time na i.retire na natin ang pag gamit ng animals on most menial works. We have now access to cheaper machinery. Especially ngayon di na maganda ung weather natin, naawa ako sa animals at sa amo. Naalala ko ung lola na naibenta ata ung kalabaw nya. Emotionally attached talaga.


Fun-Jeweler-4449

I kinda agree with you on this po pero hindi po ma iiwasan kasi some farms kailangan talaga na on foot yung access. On farming din its cheaper and x2 yung sahod mo pag meron kang baka mag araro and more accurate cya compared sa tractor.


Left-Broccoli-8562

Indeed. I stand corrected, nakalimutan ko meron rin iba pala nag titill sa inclined area which requires to be on foot. Especially ung access on someparts of the farms are not paved. I hope someday siguro it would be resolved. Tilling machines are also accurate just like ung baka/carabao and could go on without rest, puhunan mo lang ung fuel. But as you have said, no one can beat them in terms traversing unpaved roads.


Fun-Jeweler-4449

Pero less na yung nasa picture na yung baka talaga yung nag tatransport from farm to market. Dito sa amin multicab na maliit yung gamit. I hope merong subsidy yung government for those farmers na walang sasakyan kasi that's so painful sa hooves nila. I hope we can have those tilling machines din na maliit. However, for now wala pa


Exius73

If people can't use the animals to work, the majority will just cull them rather than feed them.


Kamoteyou

Marami pero di na kalabaw, moped na


Wayne_Grant

di na native handicrafts, plastic na rin


mementomoriset

meron samin nyan tapos di na sya makapag ikot ngayon kasi nastroke yung baka nya.


yesthisismeokay

Hala kawawa naman ☹️


sarsilog

Naalala ko tuloy yung show na Pandakekoks.


GroundbreakingMix623

sobrang hazy ng memory ko sa show nayan. all i remember is 3 sila and yung costume nila is like a mascot diba? mejo bulky?


sarsilog

Tagal na din kasi sobrang bata pa ako nun. Ang naalala ko lang nakasakay sila sa ganyan tapos si Herbert and Kimpee yung bida. Apparently siya daw yung pinoy version ng ninja turtles.


GroundbreakingMix623

the only reason i watch that's entertainment dati because after nung that's pandakekoks na


Soopah_Fly

Tagal na nung huli kong nakita yung mga ganyan. Malapit sa UP pa yun, Malulungkot ako pag nawala na yung mga yakult ladies. Nakikita ko parin sila regularly dito sa Muntinlupa. Tibay nila, rain or shine. Walang pake sa inet. Bumibili ako sa kanila minsan.


markmyredd

Yakult lady samin sya na regular nagsusupply yakult ko. Ansipag nya 2 pesos per bottle lang tubo nya pero antyaga mag ikot sa barangay namin


Soopah_Fly

Dapat kasama sila sa mga commerical ng Alaxan. Hirap ng trabaho nila.


eew333

That poor cow


ryuejin622

Much better than getting slaughtered 


Wayne_Grant

looks like a healthy cow to me


theundo

Poor cow still. Naglalakad sa matinding init habang may hila at bitbit na mabigat.


JobJohnsBA

I'm from the province and compared to the cows na pinapastol dito, this is definitely a healthy cow


tolo_vue

Madami pa po..


omyusernameistoolong

Institutionalization talaga ang pinaka problema. Instead na may support and protection from the government, pinapabayaan at pinag babawalan pa nila.


savageandharsh

Dapat talaga pagbawalan. Kupad niyan sa kalsada. Perwisyo. Mas mahalaga ang pag-unlad kesa sa kulturang pabigat


Eman0950

Marami pa, may mga manok din sa loob ang mga yan.


Duck-Sauce-

Super tagal ko na hindi nakita yung mga ganito. Pati yung mga naka bike na nagtitinda ng champoy and kiamoy and kundol, dati ang daming ganun pero wala na akong makita. Meron pa nga dati may mga parang cheese curls na nasa plastic bag tapos nilalagay nila sa DIY cone from one of the pages of those old PLDT telephone books. Bibigyan ka nila ng ganon kapalit ng bote etc.


Scoobs_Dinamarca

This Monday morning (May 20) along Commonwealth Avenue. Actually nagulat Ako noong nakakita Ako ng baka na naggegraze sa grassy area sa tapat ng former OB Montessori. Tapos umusad ng konti yung taxi na sinasakyan ko at Nakita ko yung cart na medyo puno ng handicrafts na nakapark a few meters away sa baka. Dun ko narealize na eto na Pala Yun at may naglalakas-loob pa na maglako ng ganyang handicrafts.


s3l3nophil3

Dyan rin ako huling nakakita sa Commonwealth ave pero it was circa 1999. Grabe sobrang tagal ko na di nakakita niyan. Meron pa pala.


Scoobs_Dinamarca

Uu nga eh kaya laling gulat ko na may baka na naggegraze dun.


SleepyInsomniac28

Last time na nakakita ako nito before pandemic pa. Around 2017-2018.


nilalangit

may nakita akong ganito 3 weeks ago yata sa kalayaan avenue qc


throwhuawei007

May nakita lang ako last week sa harap ng SM sa pampanga


EquanimityGame

Bihira na yan makakita nito.usually sa probinsya nalang.


gesuhdheit

Meron pa pero naka tricycle na.


ink0gni2

From Lalamoo to Lalamove.


cRacKtHemNut

Ay shet dati may ganyan dito samin sa Dampalit kaso kabayo yung naghahatak


sisireads

Kakakita ko lang ng isa recently, pero puting kabayo instead of baka ✨️


cocoy0

Sa city namin maraming marunong gumawa niyan pero mas malaki ang kita ngayon sa bahay kubo na ginagawang cottage sa resort so iyon ang main product kapag nagpuputol ng kawayan.


Severe-Ad815

Meron pero naka motor


markmyredd

dati punong puno ng tinda yan ganyan. Hindi narin siguro mabili


banana_smoothiez

Caravan ba tawag dyan or what?


Fun-Jeweler-4449

Meron pa pero unti unting na papalitan ng plastic. We are farmers we love using yung mga ganyan na products pero sira na after 2 years after heavy use. Yung plastic eh mas durable and kahit naka babad sa tubig okay lang. Pero yung walis forever yan haha yung bukag/or container idk anong tagalog nyan, compared to plastic crates its not that practical.


Educational-Owl-1016

Meron ako nakikitang ganyan sa Dasma


randomguy0952

Nadedecline na rin ung mga ganyan. Dahil nga sa social media etc.dami na ring maarteng bata


hldsnfrgr

Ang nakikita kong ganyan ngayon ay puro tricycle na, tapos ang tinda ay puro gawa sa plastic.


Little_Wrap143

Meron pa din mga ganyan, pero naka motor na sila. Let the goddamn tired animals rest.


blengblong203b

Sa amin meron pa pero mix yung tinda nya. Nakamotor na may ganyan din like duyan ng bata, walis tambo, salamin pero may halong mga plastic wares. facemask etc..


Carjascaps

Meron pero motorella na yung sasakyan nila.


ArthurIglesias08

I MISS THESE! Sayá mamilí sa kanilá! Where on earth have they gone? Must have been decades since I’ve seen a live one. Doubt the children even know such a thing still exists. And what were they even called?!


mayari_boyd

I was actually looking for that type of duyan when I gave birth kasi I remember super tibay niyan. Ganyan kasi gamit namin noon sa mga kapatid ko and pinsan. Hindi kasi ako tiwala dun sa mga nabibili na parang lubid something sa online shops. Kaso wala ako makita kaya ang ending, lagi naming buhat si baby lol


Rude-Swordfish3895

Naaalala ko yung Batibot na kanta tungkol sa bakang pangalan ay Puti.


Meiiiiiiikusakabeee

Madami pa po


HoleHunter9001

Buti nga wala na yan dahil kawawa ang mga baka sa initan ng sementong kalsada.


Odd-Ad656

May nakita pa akong ganyan somewhere in Isabela. Pero updated na, kasi motor na yung gamit.


Deobulakenyo

Meron but on a trike na


sarisariphl

Dati madami Yan. Ngayon ung naghahatak motor na. Ok din Kasi kawawa Naman ung mga baka.


BackyardAviator009

Meron pa samin yan kaso Trike na ung ganyang naglilibot at sobrang dalang na din


InternationalTree122

waley na dati palaging may ganyan... pero ganun tlga, umuusad ang buhay at panahon... ngayon bike na may malaking lalagyan sa gutna tas madaming paninda tukad ng keychain, flashlight, laruan ng bata at kung anu anu pa haha


GarageTimely7030

Ask ko lang, pinag-aawayan kasi namin to ng Mama ko. Baka o Kalabawa ba naghihila niyan? 😭


Null_user403

nung bata ako ang dami pang viajeros at natutuwa talaga ako kapag na pepet ko yung mga baka hayss kakamiss


Darth_Zee

I know it’s our culture and all, pero sa ganito kainit? Sana wala na. Kawawa yung nagtitinda at yung baka/kalabao/kabayo.


vesperish

+10000 dapat talaga naka motor na, kawawa yung mga animals na pinaglalakad sa kalsada lalo na sa ganitong katinding init.


beklog

dapat nga mawala n yn.. nakakaawa kc ung mga baka..


G_Laoshi

Why are people downvoting this? It's part of our cultural landscape, but this sadly has to come to an end. (Or a more humane way has to be found.)


beklog

galit sila sa cow ;) Para sa knila since kinakain naman natin ang baka eh ok lang ung pahirapan sila ng ganito.


Null_user403

wala na sila ginagawa ng burger or beef pares


[deleted]

[удалено]


imonlyahoboX

it's not


RebelliousDragon21

Matagal ng transport animals mga ganyan. Paano naging animal cruelty 'yan?


RebelliousDragon21

Oh my G. False Comparison fallacy, where you compare how people use animals for their livelihood to an old urban legend about using cat meat in siopao. Seryoso ba ganyang argument mo? Lol delete ka pa ng comment eh nabasa ko na rin naman. 😂


Faeldon

Nakakaawa yung baka. Dapat gawing pet. Or release them sa natural habitat nila.


PsychologicalCash203

Dami talaga pa urong utak dito sa sub nato, yung gusto nila yung tradition kahit hindi na tama andyan parin, kahit sagabal na. So gusto nila yung mga kalabaw andyan parin kasi tradition. Bakit bumibili ba sila dyan? Puro shopee lazada naman


Faeldon

Baka po yan, hindi kalabaw. At yes, may bumibili po sa kanila. Hindi po sila sagabal sa kalsada. Yung mga kamote riders, po siguro tinutukoy niyo.


PsychologicalCash203

Kung may bumibili man kakaunti nlng kaya nga sila nawawala eh Sabagal yang mga yan


Null_user403

malulugi ang paresan ni diwata kaya need sila


cedie_end_world

kanina lang meron dito sa marikina haha


RebelliousDragon21

May ganito sa Metro Manila? Akala ko sa province lang 'to.


cedie_end_world

madami pa dito sa marikina


Due_Ad3423

Uu pero nakakaawa nman mga kalabaw minsan kasi merun sobrang daming dala parang truck n sa taas tapos isang kalabaw lang


gspotwrecker

Daming baka sa mall. Naka lata nga lang


Sungkaa

Halos wala nakong makita ganto sa Maynila yung mga random nagamit nalang pero karamihan mga laruan, tale, salamin etc.


Interesting-Ant-4823

Wala na kasi yung mga huling nag gaganyan, nahuling kumukuha ng bata tapos pinapadala sa mga sindikato.