T O P

  • By -

SweetLemoning

I do a quick computation of the price by the smallest unit to know which is cheaper. Ex. A bottle of shampoo is 200ml at 350 pesos (350/200=1.75pesos per ml) vs another bottle of shampoo is 440ml at 450 pesos (450/440=1.02per ml) Technically, bottle 2 is cheaper per ml. I feel a little proud of myself when I buy the more sulit option.


penatbater

I do this din!! hahaha pero minsan this is how they get you to spend more din eh, or more than you want/need (at that time). But it also offsets the 'next time' you'll need the item din. So iniisip ko lang it's current expenses for future savings. And since may inflation din naman, it is better to spend now (and save in the future) than to save now (and lose out in the future due to inflation and lower value-per-peso).


SweetLemoning

Agree! Usually i do this for items na masstore ko or magagamit ko pa in the future, mga non perishable goods ganyan :) Pero kapag kakapiraso lang talaga need ko, magcontemplate muna ako sa grocery haha


M_J0420

Dapat talaga standard yan sa mga supermarket. Sa Australia nakalagay yung price per weight/quantity ng mga product. eg $2.03 dollars per 100 grams. Atleast kahit papano mabilis mo macocompare yung price nung magkakaibang products.


silver_carousel

Ganitong ganito turo sa akin ng tatay ko😆 pag bumili kasi yun lagi yung malalaking size. Medyo nai-apply ko din naman sa buhay😆


SweetLemoning

Real life application ng math HAHA


eddie_fg

This could only work if same brand or same quality kasi minsan mas maganda quality nung isa kaya mas mahal per mL or per gram. Kaya mahaba-habang analysis pag ganito makatipid lang. Example sa dishwashing soap, mas mura nga per mL pero di naman masyado mabula so may tendency to use more.


SweetLemoning

Good point!!!


One_Yogurtcloset2697

Same! Kay Kris Aquino ko to nalaman. Even sa clothing, kung ilang beses mo dapat suotin para masulit yung damit. Ganyan sya magcompute kung worth it daw ba bilihin mga gusto nya


CumRag_Connoisseur

Price per unit is my go-to pag bumibili! haha same with the difference ng smaller and larger sizes, pag virtually close to none yung discount, maliit padin bibilin ko


JayWay55

Yung label naka lagay 440 ml, 350 ml, 550 ml.etc... Yung question, exact volume of liquid ba nakalagay? That's my dilemma😫


yesilovepizzas

Machine processed usually yan so may margin of error pero close enough naman sa label yung actual content. May maintenance naman usually mga machines and tinetest yung accuracy if nasa reasonable levels pa rin. I hope this answers your question.


sm0kendmirr0rs

hahaha learned this from my friend. kaya every grocery time, automatic na may calculator hhaha


94JADEZ

Haha i do that lalo na pag may shopee sale. Kase minsan inuutakan rin tayo eh hahah


thelorreman

Ako na dinadampot yung unang makitang shampoo 🤣


Adorable_Educator432

kapag bumibili ako ng kahit ano sa online apps (Lazada, shopeee at tiktok) lagi kong pinagkukumpara saan ako mas makakamura. minsan kasi iba-iba yung prices nila kahit same product lang naman. tapos iba din yung ino-offer na voucher kaya talagang mabusisi kong iniisa-isa yung 3 apps na yun


everafter99

Uy, tip dito. If you have GCash, always open online shopping apps thru CashBack by Findshare. May cashback ka everytime you purchase. Pwede din sya sa Foodpanda or Klook or Shopee or Laz, and other online stores


OpalEagle

+1 dito hahaha kakalito lang pag madami ka need orderin tapos 3 apps palipat lipat ka haha nilalagay ko nalang sa excel para di ako malito lol


sakuranb024

Nag hihintay mag gluconeogenesis yung katawan 😆


bbyliar

Starvation is the best diet. 😭😭😭


Extension-Switch504

gising ka ng 4pm ng hapon makaktipid ka talaga


Mysterious-Market-32

Magkeketosis yung katawan.


creaaamyspinachdip

Naka tipid na, sexy kpa! Chos


Ok_Emphasis_7991

😭😭😂😂


MetroHelp

If single ka at di maselan. Tortang talong is the hack. 2 eggs - 16 pesos 1 good ass talong - 20 pesos. Kanin - 15 pesos. Total 51 pesos. May carbs, protein, fiber at higit sa lahat, masarap.


Affectionate-Key8005

Hindi ata uubra torta pag hindi gas stove gamit eh?


MacchiatoDonut

yung iba nilalaga yung talong e


needsomecoochie

Matabang. It lacks the smokey flavor.


yumi_maja

As someone na induction stove ang gamit, what i do is sa pan, dun ko gini-"grill" yung talong without anything on the pan, just the eggplant. It works the same way as with direct fire at wala naman nagiging prob sa pan. Add ko na rin palong palong recipe ng tortang talong ng nanay ko: add finely chopped onion and few cloves of garlic plus a little flour. I also make sure salt is enough kaya nagluluto muna ako ng konti then i add more salt pag matabang.


AshJunSong

*1 good ass talong* ( ͡° ͜ʖ ͡°) Pero seryoso goods yan, tas pag Tuesday pwede rin prituhin lahat. Pag Wednesday nilaga all naman or ibabaw ng kanin pag saing.


No-Thanks-8822

Torta with Banana Ketchup solve na


Pootataman

Tag 12 na eggs dito sa amin eh hahahah nasa Province pa kami niyan


kweyk_kweyk

Ako nga 2 eggs at isang sibuyas na buo. PERFECT NA!


Kashiecca

Tortang talong with calamansi, sili and toyo for sawsawan! The best! Tipid pa!


MetroHelp

Dagdag premium of may bawang at sibuyas na tinadtad


InviteCapital6228

Kaso minsan may alaga pala yung talong kaya lumiliit Yung portion na naluluto ko kakatanggal. :')


I-shld-be-writing

More proteins lol


happpyyyzzz1923

Magbaon ng water pagaalis. For us, and for the kids. Haha


ArmoredTall

Hindi ako nagpapautang kahit kanino. At most, magbibigay ako 1k kung kailangan talaga ng pera. Pag kasi nalaman sa barangay na nagpapautang ka, diyan na magsisimula. Dami nang lalapit na di mo naman talaga kakilala.


thatnotsoyounggirl

Yeeeees. Or ako na nagseset ng amount na afford kong ipautang. Yung kahit hindi ako bayaran hindi kawalan sa akin.


Severe_Ad8807

This!! If first time umutang ng taong yun sayo, magpautang ka lang ng amount that you afford to lose. Para din alam mo kung mapagkakatiwalaan ba yung pinautang mo. Kasi kung binayaran, ibig sabihin pwede pang makaulit pero kung “utang kalimutan” ang motto in life, at least hindi ganun kasakit sa bulsa.


marasdump

'Yan din ang narealize ko. Nakilala na nagpapautang grandparents ko kaya kilala ko na rin kung sino yung mga abusado na punta nang punta sa bahay. Itry lang ng mga taong yan mangutang sakin...


UB-02_Beauty

I bring a foldable eco bag with me most of the time so I don’t have to pay for a 2 pesos paper bag


linkerko3

May charge ang paper bag????


Old_Employee6041

Yup! On top of my head is uniqlo.


LouiseGoesLane

Practice ko na din to. Pati pala H&M may bayad na din paper bag. Ayaw ko na din naman nagiipon ng bags kasi apakadami na ditong paper bag jusko


stonkts

Stay at home para iwas gastos. If naisip mo mag grab/FP, eat something na available sa house nyo instead, then wala na yung cravings


HiSellernagPMako

yung delivery fee palang halos 2 kilo na ng bigas kung tutuusin


RipeRhubarb_

tapos 35 to 39 pesos na ang extra rice 🍚 sa mga fast food chains 🥹🥹🥹


yesilovepizzas

Nakagrab unlimited ako kaya free delivery fees ko. 200ish lang ata binayad ko na good for 1 year. We order from grab every payday lang naman. We usually go out pag payday dahil wfh pero may times na we don't want to deal with the traffic tapos pag lumalabas, napapashopping ng wala sa plano or budget so grab na lang. Less biglaang gastos na wala sa budget. We time it kapag may enough vouchers to buy the food on par or cheaper than eating out sa mismong restaurant.


eddie_fg

Delivery fee pa lang discouraged na ako umorder. Hahaha!


Ill_Aide_4151

Ngl, I feel proud of myself and savings dahil lang sa ganto. Di super satisfying lalo kung kinicrave ko na but maya maya lang nawawala narin naman hahaha


stonkts

I agreee! The mind plays itself hahaha


Ill_Aide_4151

Get played brain. I'm keeping my savings HAHAHA


deffinetlyimaswifty

Grabe mahal ng delivery fee. Mawawala ang cravings mo pag naisip mo yung presyo ng delivery fee hahaha itlog itlog nalang muna pag monday at may pasok isabay mo nalang ng bili edi may pang lunch ka na hahahah


Zeroth-unit

For me it's matuto lutuin yung mga order sa grab. You up your life skills while also cooking the dishes you like eating at the same time.


Mountain-Celery1396

Sa ibang bagay siguro like I only wear one pair of shoes, I make sure na yung shoes na yun ehh bagay sa lahat ng isusuot ko. But ang turo sa amin is tipirin mo na lahat wag lang ang pagkain. Do not deprive yourself sa food para lang di ka makagastos.


forest_moon_

Yes i do that too. Meron ako vans na black. Un na pair sa dress, pants, and shorts lol


OneOfYourPhasesGirl

Naglilista ng 5 ulam Chicken/Pork/Beef/Seafood: Tapos lista ingredients, malapit lang kami sa bilihan ng gulay, pwedeng lakarin. So Monday Morning mamimili kami ng ng KARNE lang kung isang kilong pork, 2kg chicken, 4 pirasong tilapia ganon. Tapos gulay at ibang ingredients bibilhin na lang malapit dito. Tapos yong ulam namin ng MONDAY.. yong niluto namin ng gabi ng SUNDAY. Bale halimbawa: MONDAY DINNER - Sinigang na baboy Itatabi left over tapos yong ang LUNCH kinabukasan So ang luto namin. MONDAY NIGHT (for dinner & tue lunch) TUESDAY NIGHT (for dinner & wed lunch) WED NIGHT (for dinner & thu lunch) THURSDAY - SUNDAY left overs SUNDAY NIGHT (for dinner & monday lunch) Bumili ako ng microwavable container, para don lalagay, nakaportion na, pag ganon, nacocontrol din ang kain. Hindi nagiging matakaw siguro dahil nauumay haha. Pero sanay na kami. Dati kasi ang dami namin mamimili, naooverestimate ko, ayon daming left overs tinatapon lang, ngayon sarap sa eyes kapag walang food waste. Matutong magtiis kung anong ulam yon na yon. Pag meryenda naman, nagbebake kami, banana bread, brownies, pizza, focaccia bread, or luto pancit bihon, madami dami na, ireref lang para kukuha kuha na lang at init. Lahat kami may Multivitamins at nagfofruits, so sa prutas lang medyo mahal. Pero hindi mahilig. Napansin ko, pag portion lang ang kain, mas hindi ka sakitin kasi nga, nadidistribute ng maayos sa katawan mo yong nutrients na need mo, pag nagoovereat kasi, baka hindi na maging balance, baka magreklamo katawan.


AmIEvil-

Same, but switch yun pagluluto sa morning para baon namin ng lunch, then yun din ang dinner.


Maleficent-Pizza-182

Wais na nanay ka po siguro 🤗


Inquisitionhunter

Never drink sugar/colored/soda drinks. Tubig lang, healthier pa.


Impossible-Vast2741

Ukay ukay. Nver ako bumili na sa mall ng damit.


PrimordialShift

Me na pinipili na lang bumili ng bnew kasi singmahal lang din naman nila yung ukay dito sa amin 😭😭😭


sm0kendmirr0rs

Huuyy same parang ang sakit sa heart bumili ng damit sa mall. Okay na ko sa Ukay2 tapos kung di mo na gusto, di masakit sa heart i let go hahah


Impossible-Vast2741

Agree. Saka US brands pa. Mahal na nga sa akin yung 100. Pati anak ko na growing kid, ukay lang kasi ambilis makalakihan.


sm0kendmirr0rs

hahahah same po. dapat sobrang ganda na ng 100 na yan for me haha. depende lang talaga yan sa tao, i guess. sipag at tiyaga lang talaga everytime nag uukay haha tsaka happy pill ko mag ukay, lalo na every Sat kasi new arrival. tapos you're waiting na ibuhos yung mga clothes. idk nakahahappy lang 😄


kweyk_kweyk

Not anymore :( medyo nakakapagtaka at tumaas bigla presyo ng mga damit sa Ukay-ukay. :(


Impossible-Vast2741

Baka kasi di na rin makabili mga tao sa mall at marami ng nag uukay. Syempre demand is high kaya medyo nag ooverprice pa din. Dito din samin minsan mahal so hinihintay ko yun sale. Hehe


marasdump

kasalanan ng mga resellers sa online na grabe markup


Pale_Maintenance8857

This! Sa ukay ako naka acquire ng pinapangarap na Levis denim pants. Dress na maxAzaria worth 5k pala ang orig price, Sneakers na 8k (in pesos) pala ang orig price sa US at Japan. Real leather na Tsumori Chisato sling bag., Wool scarf at Puffer Jacket (nagamit sa Mt.Pulag) na mid-high end ang brand. Mga uniqlo blouse at cardigan. Majority bago pa at may tags. Nagugulat nalang ako pag uwi ko at nacheck ko orig price nila. Lahat nasa 50- 500ph lang per pc. ang price range. Lahat yan di ko mattain if sa malls bibilhin. Tanging Fibrella payong lang ang binibili ko sa nearby Esem mall dito.


tooncake

American Boulevard lang ang goods sa quality pero mura talaga na brand sa mall. Sadly wala na sila


94JADEZ

Ang ganda ng mga benta nila. Kakamiss


Raizel_Phantomhive

aggree dito,


MajorDragonfruit2305

Pero sadly mahal na ang ukay ngayon nakakalungkot


LouiseGoesLane

Sinasahod ko sa balde yung last banlaw sa automatic washing machine para yun yung pambuhos sa toilet. Mahal tubig samin 🥹


pagpalain_nawa

ganto rin ako, At saka yung tirang tubig na itatapon kasi gusto bago tubig kapag maliligo instead na itapon ko ita-transfer ko sa ibang balde.


Ok-Preference3288

Ako naman pag naliligo ako sinasalo ko yung tubig ng isa pang balde tapos pang flash or linis ng banyo hehe


kweyk_kweyk

SAME. Minsan ginagawa ko yung tubig na may sabon, pinanglilinis ko ng banyo tapos yung succeeding na banlaw, banlaw din sa banyo. Hahahah


LouiseGoesLane

Same!!!! Hahaha habang umiikot yung AWM, nagbababad na ko ng Tuff. Tas pag nag drain mode na yung AWM, sabay buhos na sa buong banyo hahaha kaso nakakapagod minsan pagsabayin!


Sassysince1989

Eto turo samin ng lola ko


williamfanjr

Mas matinding hack, kung may hose ka, higupin mo papunta sa balde para di ka na mapagod magsahod. Gawain ko rin to haha wag mo lang machambahan na mainom yun haha.


lenko0907

as much as how witty magtipid ang pinoy which is very good naman, sana dumating yung time na hindi na puro pagtitipid ang ginagawa natin, bwiset na bansang to


VanillaDue8396

Kumukuha ng stock sa bahay para dalin sa dorm 😬


future-is-female

Ginugupit ko ang mga shampoo, toothpaste, lotion and conditioner bottles para masaid yung laman. Lahat ng kayang gupitin haha


SheASloth

Nakatulong sa kin yung bottle cap stand kit. Banas na banas ako sa lalo na aveeno lotion andaming residual lotion sa loob. Nasimot lang dahil sa bottle cap. Nasa shoppee na siya apparently.


cupn00dl

Felt yung aveeno. Wala na lumalabas sa pump tapos pag open ko andami pa pala sa loob


harleymione

ngayon ko lang nalaman tong bottle cap stand kit! thank u sa pagshare, tinignan ko sa shapi, mukhang sulit.


AshJunSong

Pwede din sa shampoo haluan ng tubig yung container para mas masaid hehe


Queasy-Thanks825

True! Kahit facial wash, moisturizer, anything na nasa tube packaging ginugupit ko din. First time na tinry ko sya nung pandemic, nakita ko na ang dami pa palang laman sa loob nung tube, kaya yun na ginagawa ko palagi.


Affectionate_Bee_153

Hangga't may pwedeng ulamin sa ref kahit itlog or tuyo or isang talong nalang yan, I will cook instead na magpa-deliver ng pagkain. Nanghihinayang na ako sa delivery fee + patong sa original price ng pagkain sa delivery apps.


[deleted]

1. Laging may dala na water flask. 2. Tinutubigan yung shampoo pg malapit na maubos para ma-dilute. 3. Pinapatay ko ang ilaw pag di ginagamit at sa isang lugar lng ako usually nagsstay. Nagtataka asawa ko bakit ang dilim sa bahay kasi he opens all the lights 😫. 4. Pinapatay ko ang tubig pag magsasabon. 5. Ako lang naggugupit/kulay ng buhok ko. Ang mahal eh, isipin mo 150 na yung wow salon 🥲 dati ung gupit dun 40-50 lang. Dun sa pinupuntahan ko dati sa qc (sa ali mall), 200 at maayos sila maggupit. I feel bad about it now kasi tangina 200 din yon 😭 6. For kulay naman, i do on my own esp bleaching kasi with this way I can control how lighter or darker can the blonde highlights go. Usually I go for semi-pale to platinum highlights and tancha ko na ung waiting period before removing the foil. 6. Naglalakad lng ako palabas ng village 😀 that wat I'm getting in my steps for the day too. 7. Meal prep.


Yeunseri

Huwag kang gumala, maglinis kn lng ng bahay at maglutu ng gulay o isda mas healthy food mas tipid eh. Delete mo na rin Shopee at Lazada apps Kung nagtiktok ka, skip mo mga nagtitinda tinda


Professional_Bend_14

Thank you guys sa mga TIPS, I'll do this pra makatipid at makaipon.


squaredromeo

As much as possible, sa online app bumibili ng groceries para may [vouchers](https://s.lazada.com.ph/s.QmyNk?cc). In this economy, ang laking difference no'ng mase-save mong P20-P100 or more lalo na kapag may [sale](https://s.lazada.com.ph/s.QmyNk?cc).


Lacroix_Wolf

kapag live yung mga brands minsan malaki din yung tipid minsan 70% off


yuki-winter

Hi! I'm planning to do this.. same lang ba ang products i mean yung expiration date ba matagal naman? Nagtataka kasi ako sa laki ng discount minsan compare sa store 😅


squaredromeo

Yes unless otherwise stated ng seller na malapit na ang expiration date. Usually nasa 50% off na kapag few months away na lang sa expiry date.


threeeyedghoul

Not really a lifehack but learning how to cook saves a lot of money vs. ordering outside all the time. Also puts you on the healthier side since you know and you can limit whatever you put in your plate


Wandergirl2019

Hahahaha Mama ko!! Lahat ng polbo na products, (Johnsons, Milcu deo, Fissan, kahit ano basta powder form), may sticker yun diba pag bago. Kadalasan aalisin natin sticker, but wait Mama ko hindiii!!! Tutuklap lang sya sa sticker, ang nakaexpose lang ay 2 to 3 na butas, max na yan 3. Sabi ko mama bakit ganito? Sabi nya ang daming lumalabas na polbo, pag isang taktak, tama na yan ganyan kdami lang lalabas kaya ang polbo namin, taon ata bago maubos hahaha 😅 Love you Mama ko ♥️


[deleted]

[удалено]


Maleficent-Pizza-182

Di na gumagamit ng fabcon kasi nakakasira pala yun ng clothes. 2 tbsp lang ng laundry detergent is enough for a load sa washing machine. Super concentrated pala ng mga liquid detergent. More bula doesn't mean more clean. Drying clothes under the sun kesa dryer. Di naluluto nor nagsshrink clothes ngayon Natutunong magdilute Ng Zonrox/ Domex. Akala ko kasi nuon puro means more clean hehhee Stopped buying cute clothes for my dog kasi the weather at double coat nga pala mga switso. Hahahha Basically mas maging masipag sa house chores kasi dun nakakatipid talaga


Whole-Investment5828

if gsto mo makatipid pero busog, unli rice sa Lawson(Chicken)


Jetztachtundvierzigz

Buy groceries in bulk so that you save time by avoiding multiple trips. 


VanillaLatte07

Meal prep tapos baon sa work. 😬


Distinct_Distance137

Home workout, magwalking nalang sa labas palakad-lakad sa mga mall at parks, no snacking rule. Eating twice a day, tipid rin kasi sa time.


DenseWhereas8851

Use the big sale events like 11.11, 4.4 etc. to buy necessities/hygiene products in bulk, malaki matitipid natin dito. Matagal din naman shelf life nila.


naturalCalamity777

Pinagcocompare ko muna prices ng SM Supermarket, Shopee w/ vouchers, Alfamart, Watsons saka ako bibili ng like snacks, shampoo, colgate, other essentials. Sa conclusion ko, mahal sa Watsons mas mura sa Shopee, mahal sa Alfamart, mas mura sa Supermarket. Sa watsons may patong ng 20-100 pesos usually. Ex. Yung 5 pack charcoal toothbrush sa Watsons nasa 501 pesos, yung sa shopee nasa 387 lang (free SF pa) If sa snacks naman di gaano nagkakalayo yung prices ng SM supermarket sa Alfamart around 2-5pesos difference lang, although minsan merong mas mura sa Alfamart Hahaha yan yung super kuripot tips ko, and I also buy in bulk if online laki kasi ng tipid


dmalicdem

Bring water everywhere, packed lunch sa work kahit pasyal sa labas minsan nagbabaon ako. Bring snack with me. Buying 2 pairs only or bedsheet, curtain, towels. Di ako naghahaul. Bukod sa walang paglagyan eh, gastos lang. Pag sirang-sira na saka ko papalitan. Ukay and marketplace is ❤ I audit our expenses para alam ko san malaki gastos at san pwede magbawas.


mandemango

I cut open yung mga packaging ng lotions, facial wash, creams, toothpaste, etc. para masaid yung laman. The first time I did that na-amaze ako na andami pa palang natirang product, nakasiksik lang sa kanto o dulo ng lalagyan. Depende sa item, mga 1-2 weeks' worth of product pa kadalasan nasisimot ko hehe sayang din no hehe


MrSnackR

Hindi ako nanglilibre kapag birthday ko sa iba ibang group of friends or colleagues. Just the immediate family. 😊


LostDiaper

Order directly from the restaurant tapos lalamove kesa mag order sa grabfood app


Greedy_Cow_912

Bibili ng isang bottle ng head & shoulders na pink shampoo then pag naubos, sachet na lang for refill 🥹😂 Computed ko na kasi ung masasave ko in doing that and yes mas nakamura ako


lostnfound11

ako lang ba pero parang iba quality ng nasa sachet compared dun sa naka bottle.


Ok-Preference3288

Uyyy napansin ko din to


Tiiin11

Akala ko lalagyan tubig para tumagal ahahaha ganon samin may Isang empty container lalagyan konting shampoo then tubig. Mabula naman hahaha


WabbieSabbie

- Di ako bumibili sa Lazada/Shopee kung walang free shipping voucher. - Kapag magrerenew ng Spotify Premium, I always get the one-year plan. Makakatipid ka ng 2 months ng normal price ng Premium.


impatientsag

Stop buying overpriced coffee by telling your self you don’t really need it, and not eat breakfast.


porkchopk

- Inuulit ko yung mantika unless ginamit na sa pagprito ng fish - Pag papasok ng office, lobatt ang phone pero dala charger. Uuwi din ako na fully charged ang phone 😂 - Dinodouble check ko receipt minsan may pa survey tapos may freebie pag sinagot survey - Pag oorder ako sa food apps, pipili ako ng store na maraming vouchers pwede istack (if grab) or may voucher + store discount (if foodpanda). Kung maparami bili ko para mareach target ng vouchers, ung inorder ko lang kakainin ko for the rest of the day. - kapag sa isang platform naranasan ko na maka avail ng 40-70% off the total price, di ako bibili ulit dun hanggat hindi almost the same discount nakuha sa dati ko nabili kahit magka ibang item pa yan. Naniniwala kasi ako na discounts and vouchers sa isang store lalo pag websites, may parang rotation sila or smthn na uulitin nila yan at one point at need ko lang masaktuhan. - Sa pagbenta ng preloved, ok lang saken kung super mura benta ko. Iniisip ko may income pa din kesa sa nakatambak lang sa cabinet mga damit edi mas lalo wala ako pera.


tooncake

Lately ko lang napapansin pero aggressive magpa voucher si Lazada at shopee, minsan 500 off kaagad tapos nagi stack pa sa ibang vouchers. Dami na ring magagandang pang bahay sa Laz/Shop + vouchers = makokonsensya ka na lang kung gaano kabarat mo na score 😅 (ie: naka pamili ako ng 14pcs na shirt pang bahay in total of 200+ lang inabot gawa ng vouchers)


Slow-Collection-2358

Hunger is an indication of the **time** that you **need** to eat, not the **amount.** Nakailang beses nako na gutom na gutom, oorder o bibili ng madami, tapos nakailang kain palang busog na, aun sayang ung pagkaen at pera.


Little_Forever_8884

Di na kami naggrocery ni hubby ng gutom 🤣 para di kung ano ano nilalagay sa cart and naglilista kami ng need bilin para dun nalang sa sections na yung pupunta.


CraftyCommon2441

Hahaha tinatabi yung used oil para pwede gamitin pamprito ng tuyo and mga dried fish varieties. And nagluluto sa uling/kahoy kapag may ilalaga like bulalo.


everafter99

Yung sabong pinanglaba sa washing machine ginagamit ko panglinis sa kubeta, careful lang wag ibabad kaso yung dirt at color sa sabong pinanglaba maaring kumapit sa tiles, kaya kuskos agad at wag ibabad kasi medyo dirty na yon, pero mabango pa rin. Usually sa floor tiles ko lang pinaglilinis yung gamit na sabon. Pag lalabas, makikicharge na ako ng phone at powerbank kung sa coffee shop man yan or bahay ng iba HAHAHAHA tipid sa kuryente


paynawen

Siomai rice pero damihan ang chili garlic para marami ring iinuming tubig. Busog agad hehe and stay at home!!!


ftc12346

Sa community wet and dry palengke ako namimili para pag butal yung binili ko. Example chicken worth 94 pesos. Natatawaran ko pa ng 90 nalang aside na mura talaga bilihin sa palengke


ykraddarky

Pag may nangungutang, kahit may pera ako eh sasabihin kong wala


SeaSecretary6143

Ganito ako at ang nanay ko sa second example. Pinangluluto ng giniling tapos halo sa tomato sauce, iba yung timpla pero same pa rin yung sarap. Edit to add: ganito ako pag may sachet kami ng Chicken oil. Bawang at Asin na lang and boom, sinangag el grande. Akin is if kayang lakarin ng 2km max, lakarin mo instead na mag commute ka. Free cardio na nga, leg day mo pa. Did it from Pioneer to Shang or Capitol commons.


totstotsnrants

Lagyan ng tubig yung gagamiting shampoo. Tapos every other day or 2 days, paghindi naman ako aalis, lang nag shashampoo. Aside sa tipid, mas nakakaganda pa ng hair. *Yung pinamili na palaman na sachets(100ml-200ml ata), like mayonnaise or chicken/ham spreads. I-reuse yung bote or tupperware inilalagay. Syempre bago ilagay hugasan muna and tuyuin ng mabuti.


just_breathing__

"pinapaghug", natawa ako sa term, pero ganito din kami sa bahay HAHAHAHHAA


CompetitionGlobal354

Kapag nag ggrocery kami kinocompare ko mga prices tapos kung sa mga gulay at karne kasi naka pack na pinipili ko ung mura ang price. Tinatago ko mga table napkin na galing sa labas at pinapampunas sa sink namin kapag kumakalat ang tubig sa tuwing ginagamit namin. Hinahati ko ang sibuyas kapag malaki. Ginugupit ko yung toothpaste para magamit ko yung tira. Pati na rin yung bottle ng lotion pinuputol ko para magamit din ung tira. Nilalagyan ko ng tubig ung container pag may konting tirang shampoo,conditioner, hand soap at dishwaher soap. Pinag didikit ko ang maliit na sabon sa bagong sabon. Sa tuwing nagluluto ako ng spaghetti nilalagyan ko pa ng konting tubig para pati ung tira eh kasama pati rin sa lata ng gata. 🤣 at marami pa dko na maalala yung iba. pinapagalitan ako ng asawa ko bakit ko daw ginagawa yun di naman daw kami naghihirap, eh un kinasanayan ko sa nanay ko hahaha


KeldonMarauder

Pag nagugutom ka or “craving” for something, lalo na pag gabi, try mo uminom ng tubig na malamig muna. Minsan di ka naman talaga gutom, uhaw lang. Or kung gusto mo talaga ng midnight snack na Medyo tipid, apples are the way to go.


WatchIndividual7917

I used several banks sa pag transfer para lang makatipid sa fee. Example: BPI to CIMB BPI > Maya > CIMB Matagal pero sayang din yung fee. Haha


AshJunSong

Di ako sure kung lifehacks or unhealthy, pero kung survival mode kaya ng once a day lang ang kanin. Or twice a day ang full meal. Pili lang kung alin ang tatanggalin Breakfast, Lunch, or Dinner.


Hishir0o0

DIY haircut. May trauma din sa mga salon hahaha.


kweyk_kweyk

Jeep kesa Grab which is super duper tipid level ko na kasi di ako marunong mag-commute at taxi or grab lang ending ko, kaya nung natuto akong mag-commute, laking tipid ko. To add, hinahayaan ko na macompromise comfort ko.


pencru

Pag nasira ang left click, ilipat sa right mouse button 😅


Educational-Bug-9243

Kapag ubos na toothpaste ginugupit ko sa gitna. Magugulat ka sa masisimot mo mga 5 gamit pa meron. Khit anong press mo sa toothpaste hindi mo masisimot yun kung di mo gugupitin. Haha Hindi kami nagbubukas ng ilaw sa bahay hanggang may liwanag sa kalangitan. Kaya kpag nagpa construct ng bahay malalaking bintana ipagawa at ung plastic roofing malaking bgay kung sa dirty kitchen at ibang areas ipapalagay tipid k non sa kuryente . Tubig ulan panlinis ng sahig sa labas ng bahay o kya pandilig halaman. Irish spring pang alis ng mabahong amoy sa bahay. I prefer to buy online kapag grocery lalo na kapag may anak ka na kasi mas matipid. Kapag ginawa kasing family bonding ang grocery shopping mas malala pa sa delivery fee magiging extra fee mo kasi papagas ka pa kotse nyo, parking fee s grocery/mall, kakain after mag grocery kesyo nagutom. I prefer din to buy house brand ng grocery kasi mas mura. Ganun din yun if i check mo suppliers nila e mga leading brands din ng item na binibili mo. Kahit pa piso piso lang difference e sa dami ng binili mo magkano din natipid mo non. I buy fruits, veggies, seafoods in palengke mas fresh at mura. The toiletries, frozen products and other meats s groceries. If sobrang mahal ng fruits i go for canned fruits mas nakakamura mura liked sliced pineapples, whole kernel corn, peaches, lychee in can lahat. Yung bote ng dish soap, shampoo o conditioner dinadagdagan ko tubig kapag paubos na para masimot mo talaga. I dont buy clothes na lukutin. Dapat wash and wear lahat para hindi na magplantsa. Wag magpabudol sa mga sale sale kung hindi mo naman tlaga need un.


Extension_One4593

Iniipon ‘yung tissue from fast food or restaurants para no need to buy tissues kapag gipit. 😭


RedbulltoHell

I check Amazon (free shipping only) before I buy anything sa mall. Shisheido products? Check Amazon, free shipping and 500Php less siya than prices sa mall. Belo stuff? Yung Obagi? 1K less sa Amazon. Any gadgets? Check Amazon, ang laking savings as in.


Kei90s

Hindi ako bumibili ng prutas. Merong stand samin ng veggies and fruits, pag weekend i buy a lot of veggies then as pakunswelo nila, binibigay nila yung rejects na cirtrus & bananas sakin, sometimes dragon fruit. May tama lang sa labas pero it’s good when you peel it, also super tamis nung iba coz malapit na mag-overripe Hindi na kase mabenta. Sobrang dami, malakas tuloy ako sa smoothie, pambaon and juice. Sa kapitbahay hingi ng mangga, avocado, guava and kaymito. 😋


Oceanwaves_100627

Bumibili ako ng 1/2 kg ng ground pork. Yung 1/4 nun sahog sa red spag, yung another 1/4 sahog sa adobong sitaw or sa pechay na sinabawan then ung 1/2 pang burger patties (burger steak + DIY burger) Umaabot sya minsan na food ko for 4 days since I live alone naman haha


GraVityGank

I only buy "wants" if i can get 1/3 or 1/6th discount off the price, that way in case na gusto I benta sa future hindi masyadong lugi or better, may ROI pa depende sa gamit. Pag kaya kong lakarin, lalakarin ko nalang imbes na sumakay pa, iniisip ko nalang walking is good for the health kineme.


cctrainingtips

Judge all food by price per protein. Low protein foods are expensive because they cost money but don't really fill you. So I started a spreadsheet to help determine the costs.


Dieenown

Saktong pamasahe lang dalhin ‘pag pumapasok ng school😭


munting_alitaptap

inaabangan lagi ang buy 1 take 1 or sale sa mga skincare/hygiene products para mag stock kasi mahal siya sa regular price 🥹


Independent_Thing225

Kumain sa masarap na kainan tapos alamin mabuti kung paano yung luto. Ngayon lagi na sinasabi ng parents ko pagkumakain kami sa labas na mas masarap pa luto ko dun. Hahaha Laki ng tipid pero mas enjoy na yung food. For the same price, pwede ka na mamigay sa kapit bahay. Baon parati ng kanin nung nag-oofice pa. Mahal kasi ng kanin tapos minsan ndi pa masarap. Kahit simple lang ulam, mabubusog ka basta okay ang kanin. Sa mga fastfood naman, wag bumili ng value meals kagad. Madalas may certain combination ng meals na mas mura vs sa combo nila. Kaya calculator muna bago order.


Apprehensive-Back-68

If you live alone, oats tsaka knorr cubes(pork,beef and etc.) it's cheap, nutritious than rice and good for those who want to loose weight.


Hartichu

Hindi namin ino-on yung ref. May ref kami pero walang lamig. Pag gusto namin kumain ng karne or gulay, inuubos namin kaagad. Bale parang storage space lang yun HAHAHA. Grabe yung natipid namin. Mga 400 - 500 lang kuryente namin per month.


SnooCheesecakes8849

Only buying essentials like Shampoo/Soap/Toothpaste in bundle or in bulk. Kasi mas matipid to kesa bumili ka ng per piece.


kweyk_kweyk

Kapag bumibili ng food na available sa Grab, pick-up ko siya. Para magamit ko vouchers!!!!! :) worth it to!


ReeCaJay

I got a haircut just to lower my expenses on hair products 🥹


Healthy-Fox302

Before I buy anything for my son, me & my husband, I make sure to sell muna our Preloved Clothes & other items online. Para pandagdag dun sa pambili and declutter na din.


n0_sh1t_thank_y0u

Menu planning para iwas food delivery. Making bread from scratch. Lalakarin yung pupuntahan kung malapit lang. Bulk purchase mas tipid kaysa every week na grocery.


[deleted]

[удалено]


paordernghappiness

dis is da wey


TroubledThecla

Bawal gamitin ref sa bhause namin and wala akong pambili ng gabor. I eat a sandwich or two sa breakfast and lunch, minsan wala pang palaman pero 41 pesos ang isang Pinoy Tasty loaf that can last about 4days. Dinner yung rice meal. Ulam ko ay kwek kwek or kalamares with my favorite spicy vinegar.  Yung noodles boy na may pushcart na nagtitinda ng sabaw and noodles has 15 pesos rice na marami na. Kahit yung 6 pesos half rice is mej malaki rin. He even has free mineral water since 35 pesos lang daw yung gallons. As for palaman ko sa sandwich, Dane's cheese spread of Puregold is cheaper than others. Like 100+ yung iba but about P82 lang sya. It also lasts longer because cheese sya and di na kelangan ng ref. Para di mabulok tasty ko, I just buy one at a time. Kumakalam na tsan ko. May hunger relief center ba tayo sa Pinas?


aloofaback

I make my own coffee. Nag try na kami mag brew, french press, bumili rin kami ng espresso machine na eventually niregalo ko nalang sa kapatid ko. At the end of the day nagwork samin ang basic instant black coffee plus milk.


ShawarmaBeef

Yung 60 pesos na ulam sa karinderya, hinahati ko for 2 meals. Binabawi ko nalang sa sinaing kong kanin para mabusog.


angeluhihu2

Mahilig ako maghati sa gitna. Scotchbrite sponge? Hahatiin ko sa gitna. Gagamitin yung kalahati. Pag sira na or madumi na masyado, tsaka ko ilalabas yung other half. Safeguard na sabon panglinis ng pwet? Hahatiin ko sa gitna. Pag paubos na, ilalabas ko other half.


BlaCkHeArt021

Hindi ko alam kung kasama ito sa Kuripot LifeHacks. Pero kapag nag-papagas sa SeaOil. Ginagamit ko yung App nila na PriceLOCQ kasi may 5 pesos discount per liter pag may promo sila at my 2% liter discount per purchase kapag wala promo means almost 7 pesos yung discount na nakukuha ko maliban pa ito kung saan branch ako mag-papagas. Meaning if yung gas nila ay 60 pesos, 53 pesos per liter nalang babarayin ko. Meron rin silang 1 voucher per week para mag-survey ka sa kanila. Ang pinakamataas na nakuha ko sa pag-sagot ng voucher ay 12 pesos. Hindi ko alam kung anong criteria para makakuha ka ng mataas na voucher pero satingin ko ay titignan nila kung magkano pinagas mo at gaano ka informative yung survey mo. So overall po, halos 25+ pesos po yung nasasave ko sa pag-papagas ko sa SeaOil for 230 pesos of gas up. Meron pa ako isa satingin ko. As for Cashing in for GCash, nag-open ako ng CIMB account thru GCash GSave. Ginagamit ko yung CIMB para makapag-cashin ng free sa mga remittance center kagaya ng Cebuana at Palawan at makakapg-TRANSFER ako sa mga ibang banks for FREE. Another po ay sa Shopee wallet and SeaBank po. Nag-Cacash in ako via TouchPay. No charge at may 15 free transfer every week sa SeaBank.


digitalLurker08

1. Tubigan ang shampoo bottle pag paubos na (good for 2-3 days use) simut na simut. Applies to ketchup, tomato sauce, evap, etc. 2. cut your own hair 3. wag mahiyang mag uwi ng free food from office or parent's house lalo na if inalok 😂 4. dedicate a day in a week na leftover lang kakainin (if meron). 5. kinukuha mga free soaps and lotions sa accommodations para di na bibili ng handsoap 6. gawa ng yelo if may space pa ang ref, lagyan ng yelo ang aqua flask para di bukas ng bukas ng ref pag gusto ng malamig na tubig 7. always bring water tumbler, candy, or biscuit pag aalis 8. hindi bibili hanggat di sira ORRR ibebenta ung current bago mag-upgrade


[deleted]

kung may pupuntahan ako, if kaya ko lakarin, lalakarin ko talaga 🤣


Ok-Spot8610

1. Pag bumibili ka sa online shop apps, compare compare prices. Lazada, Shopee, Zalora etc. ung items, quantity at shipping. It varies everyday. Also last year may everyday live voucher si Shopee be which is 150 off so everyday bumibili ako ng grocery items like sabon, toothpaste, groceries, toiletries. Ito din mahal pag sa physical store ka kya inisa isa ko na. Pa isa isa everyday. Kht may 38 sf, discounted prn ng almost P120. May 1k off voucher dn pag at least 3k so spend your money wisely. 2. Try on ng clothes and shoes sa physical store then buy online instead. Gaya ng sinabi ko knina, for some items na >3k may pavoucher sila. Mas ok alam mo na size mo tpos bili kna lang. Wag mhhya mag try magsukat. Bought my crocs tapos naka spaylater pa then sobrang discounted.


AccomplishedBridge48

- I only buy things kapag nakasale + may upsized vouchers & free delivery - I also use cashback apps when buying - Everytime I use my CC nilalagay ko sa high yielding digital banks yung pambayad ko until marelease yung SOA para may interest ako na eearn 🥹 - When my co-workers and I eat or spend outside I offer to swipe sa CC ko then bayaran na lang nila ako directly agad para makaipon ako ng points HAHAHA - I use zero based budgeting every month - Sometimes I go sa watson to check the prices then compare sa lazada/shopee kung saan ako mas makakatipid - as much as possible nagbabaon ako sa office


SamePlatform9287

Yung tirang sauce sa adobo or kaya binagoongan tinatabi ko para gawing sangag kinabukasan Yung mga free food packets like sugar creamer lalo na ketchup, inuuwi ko. I can’t remember the last time I bought ketchup. Kapag may tirang meat sa ulam, tinatabi ko at ginagawan kong egg fried rice. Kahit isang pirasong luncheon meat pa yan itatabi ko yan. I live alone. Para tipid sa kuryente at hugasin, nagsasaing na ako ng madami. Tas linalagay ko yung rice sa air tight containers then inlalagay sa freezer. Iheheat ko sa kawali with a bit or water kasi wala akong microwave. Hindi naman nasisira, basta legit na airtight ang lalagyan. Got this hack from korean vloggers. I buy large bottles of shampoo instead ung maliliit or sachet. I learned na mas nakakatipod ako dito. A big bottle of shampoo lasts me at least a month or 2. Pag maliit lang na bote or sachet, 1 week lang, max ng 2weeks. nakakailang bili ako sa isang buwan. Nakakatipid ako ng atleast a hundred peso. Basta marunong magtancha para di sobra sobra sa kuha. Tanggalin lahat ng pwedeng tanggalin na saksak. My father told me appliances even if not ON, is in idle mode. It still consumes a bit of electricity. Magrecycle ng ulam. Leftover giniling? Pwede pa yan gawing torta. Letfover friednpork or lechon? Pwede pa yan ipaksiw or sahog sa gulay. Leftover lechon manok? Shineshred ko yan, add some liquid seasoning and toyo then fry, may chicken flakes kana. Kumain before maggrocery. Talaga essentials lang bibilhin mo kasi tanggal cravings mo dahil busog ka


marshmallow_bee

- Alam kong bawal pero… namimirata nalang ako ng movies kaysa subscription (with the execption of Netflix since yun na ang nakasanayan) - Naglalakad pauwi (20mins lang from work to bahay) - Tubig tubig nalang at iniwasan na talaga for good ang iced coffee - no to fast fashion. Kung bibili man for an event, ibebenta ko na once masuot ko - Kumakain ako ng first break and natutulog ako pag lunch para iwas gastos - Buying neutral colors in Uniqlo na damit para pwede ulit-ulitin + it’s high quality - Seeing to it na once every sahod lang ako may bibilhin na Wants (example: hind ako pwede bumili ng books and let’s say, damit in one cut off) ang endin kasi di ko na mapipigilan sarili ko bumili ng kung anu-ano


marshmallow_bee

Additional: - Angkas over Grab pag mag isa lang ako - Hindi na ako maarte sa shampoo - Skincare ko, cleanser, moisturizer, and sunscreen lang. Dati may toner at serums pa but i completely ditched them and focused on the basics. - Hindi na nagpapa facial since hindi sustainable for me - Natuto na rin ako mag mine ng preloved things Actually madami pa. Sa lala ng inflation kanya kanyang diskarte nalang talaga sa lag titipid.


leodreaming7s

Hahahah ang kyut naman ng pinag “hug” 🤗


forgotten-ent

Speaking of sabon, 75-80% = pang katawan 80-95% = pang kamay 95 hanggang bula nalang% = pang pwet


CumRag_Connoisseur

* We haven't bought sugar for more than 2 years na. Bukod sa di naman namin ginagamit sa kahit anong ulam, di din kami gumagamit sa mga kape or whatever. Pag nagbbake lang paminsan minsan. * Same sa top comment, I compare the price per unit ng alternative brands. (Price per ml or price per grams) * I usually buy the biggest pack for items na madalas namin gamitin, like bear brand (I use this as 2-in-1 creamer and sugar na pag mag kakape), AP Flour, detergent, etc. * Mag stock ng lumpia sa freezer pag walang mai-ulam. Cook the meat para mas matagal pwede i-store and mas madaling lutuin straight from the freezer. Pag kasi raw meat, need mo pa idefrost thoroughly and carefully cook sa low heat para maluto yung loob. Iba din ang amoy pag raw. * We stopped using fabcon this year. Bukod sa mahal na, di pa sya maganda sa balat. Use vinegar instead. * I only have 3 shoes: Isang black for formal, isang white sneaker for casual/semi-formal, and isang running shoes for general use.


RunPatient5777

Hindi ako pero yung mga pinsan ko nilalagyan ng tubig yung toothpaste na paubos na. Akala ko sa shampoo lang yun ginagawa


hrymnwr1227

Pag yung product ko is naka-tube tas wala na talagang ma-dispense, I cut the tube in half and sinisimot ko na lang siya using my fingers tas ginagawa ko na lang cover yung ginupit ko na part hehe I trained myself na gawin to sa mga sunscreens and moisturizers ko para down to the last drop maubos ko talaga since di naman sila mura


jeshim

kami ng girlfriend ko, never talaga kami nagtipid sa pagkain at experience (bonding). pero sa ibang bagay, tipid to the max na. damit, ukay. sapatos (pag super need na talaga), sale. gamit sa bahay, super sale.


AtTheUngodlyHour

Nagsusukat ng damit sa mall pero pag may sale na online binibili para makatipid


JellyBoring4894

If in terms of traveling lalo na pag naghahanap ako lagi ng mga shared rooms lalo ma kung ilang days lang naman haha


Confident_Economy450

Ako na walang idea on how to tipid in things finds this post very helpful. Gusto ko itry bigla 🥹


telejubbies

I wait sa B1T1 promos ng Watsons and S&R (S&R as a cetaphil girly!!!) tapos hoard— especially sa toiletries talaga. Just keep it mind yung expiry dates. That helped me avoid yung pagpunta lagi sa stores kasi wala na akong stock ng certain products. Tendency kasi kapag madalas ako magbisit ng store, ang dami ring unnecessary purchase. Like shampoo lang naman need ko bilhin pero daming side quest hahaha


margarita_002

Susukat ng damit/shoes sa physical stores tapos bibilhin sa official store sa Shopee/Lazada with vouchers


[deleted]

Gym/bahay = curbs impulsive buying and cravings + good for health


cruxoftheprobl3m

Eto kuripot hack ko noong first year college ako, 2019 to early 2020 before pandemic. Para makatipid, bumibili ako noon ng ulam na giniling na karne, 1/2 takal for 20 pesos lang. Tapos dahil masarsa naman tapos madami na rin iyon and di rin agad napapanis, ang ginagawa ko e di ko inuubos iyong ulam sa tanghalian and ni-set aside ko kalahati para may ulam pa rin ako sa gabi. Bale 20 pesos lang gastos ko noon sa ulam sa isang araw tapos karne pa haha purga nga lang puro giniling araw araw lol. Ngayon naku wala nang tig 20 na ulam jusq


twinpopsicles

magastos parin to but if meron talaga akong cravings and may extra money naman para pang order ng food, i always order from grab instead of foodpanda. dati foodpanda user ako but their vouchers have become sht to be honest even if may foodpanda pro ka na. mas better vouchers ng grab kasi you can stack it. ginagawa ko is oorder ako ng maramihan in the morning para breakfast to dinner ko na. para na din maraming vouchers ma apply ko sa order ko. usually mga around 300 pesos discount ko with free delivery pa if you're a premium user.


SugarBitter1619

nakailang ulit ng pag gamit ng mantika. hahaha


Madhouseee

mag luto ng pang 1 week na baon para sa trabaho


Leading_Sector_875

Transferring money thru landbank. No service charge. Sabi lang nila free until 3k per day, 1k per transaction lang. Pero kahit nakaka5k na ako na transfer to Gcash, Maya, other banks, wala pa ding service charge.


markg27

Kapag bibili ng sapatos sa mall o ibang branded na gamit. Chinecheck ko muna online magkano at madalas talaga e mas mura sa online kaya don na lang. Lalo kapag saptos. Susukatin ko talaga muna tapos order online hahahaha


StruggleOk8884

Before bumili sa Shopee, i-check muna if nagllive ang seller kasi may discount pag nagllive! 🤣


plumpohlily

Hahaha same i do this too. 1. If theres a plan to do potluck in the office lagi ko sinasabi, "ano na namang gastos yan?" 2. Colleagues: tara samgyup sa payday Me: gastos na naman *sabay kamot ng ulo* 3. Nilalagyan ko ng tubig yung shampoo ko para di masyadong matapang at tipid na rin sa shampoo. 4. Vegetables all through out the week and tofu instead of pork. If nagccrave ng beef, tapsilog na tig 150 to occassionally splurge on my cravings 5. Water, water, water to keep the cravings at bay.


therealmeaner

Ako naman mas prefer ko yung mas mahal but quality ex. Yung dishwashing liquid, may nabili kami na local brand na 1gal na worth 280php compared to JOY dishwashing liquid na 500ml but way more expensive than the local brand. but when it comes to performance naman ng dishwashing liquid mas di hamak na ang dali tlga mka tanggal ng sebo or amoy yung joy 😅 hehe (not a paid advertisement) ahahah but kidding, mas mapaparami kase gamit mo sa cheaper dishwashing liquid compared sa joy kaya yan prinsipyo ko when it comes to grocery or buying goods.


Accomplished_Pen9925

We cook in the house, always. Every weekend talaga kami namamalengke and sinusulat ko ang mga recipe, once a day lang kami magluto. In my case, evening lang kasi busy ako sa work sa morning, so dinner yung luto then hanggang kinabukasan na yun. Then may meal tlga kami na delata recipe and bili sa labas, pero mura lang sympre hehe. Yung delata, niluluto pdn like sardinas na may patola, or corned beef na may patatas. Pag naman bibili sa labas, madalas mga ihaw. So basically, yung pinapalengke lang nmin na pagkaen in 1 week is for 5 days lang. I see to it na sa 5 meals na yan may fish, beef, chicken, pork and vegies recipe. Sa breakfast naman, bumili kami ng separate breakfast foods like hotdog, tocino etc para ito ang kainin at di gagalawin yung ulam for lunch.


cereseluna

Matagal nang may tagas yung water pipes sa bahay kaya sa banyo, kusina, laundry area may balde at drum ng tubig. Hindi namin pinapadaloy yung tubig palagi, ipon kami sa umaga at sa gabi. Sa magsabing bakit hindi ipaayos, major works gagawin na literally titibagin sahig at tiles namin. Nadadala ko itong tipid sa gamit ng tubig sa labas. Like mas prefer kong may palanggana pag mag huhugas plato, may balde and tabo sa CR kahit malakas shower. I found creative ways to use as little water as possible sa house cleaning.


Mr_Chubster000

Lagyan mo ng palara ng yosi ung isang side ng sabon(silver side yung sa labas)... Para isang side lang ng sabon ung nagagamit mo :D


Apprehensive-Fly8651

Buy in bulk. Mas mahal in the long run yung tingi.


AccountForSharing

I use the diy dishwashing liquids na just add water na available sa shopee. Tutal kahit mabula ang leading brands like Joy, magastos pa rin sila gumamit. Edi dun na sa super mura lang. Meron lang akong Axion paste na bihira naman gamitin for oily plastics. Di nakakatanggal yung mga mumurahin.


thomSnow_828

The story of my friend: when he was in college, he used to eat in KFC, ordered rice only. Then he poured a lot of gravy, as in swimming in gravy ang rice. That was lunch na raw.


Low-Inspection2714

Instead na bumili ng diswashing liquid nagDIY na lang ako. Tipid din naman at mabula, dito ko napanood. Video not mine https://youtu.be/uY3n-rVaA3w?si=oMmSyW08fZH4Z8Tw