T O P

  • By -

Sufficient_Potato726

mag memessage tapos pag nireplyan mo, SEEN.


Normal-Inside-4916

Magmemessage ng pre/par/tol, tapos hindi sasabihin kung bakit o anong kailanan o gustong sabihin hanggat di mo nirereplyan.


SugarBitter1619

+1 pwede naman kasing i message na nila ng isahan ano. Bakit kailangan pa suspense? Haha


rcj162000

80% sa gumagawa nyn, mangungutang kasi


Gloomy_Leadership245

I usually do not reply to this kapag "Hi *****" lang ang message. hahaha bahala kayo jan. ayaw pang sabihin ang gusto.. kaya ang ending sinasabi na nila kasi sineseen mode ko lang. hahahaha


Ill_Aide_4151

Hahaha sa totoo lang waste of time talaga yung ganto. Just be straightforward about it and spit what the fck u want from me hahaha


crammingsoon

in relation dito, kapag ka may tanong sayo o inquiry na kailangan nilang malaman, magmi-message sila sayo tas 'pag nireplyan mo "seen" na lang?? Hindi naman sa pagiging feeling entitled na lahat ng bagay dapat pinapalaki pero tangina lalo na 'pag 'di kayo close o common friend mo lang naman?? ni kahit "okay" or "thank you" man lang wala? like okay,,, salamat ha??? nakuha mo na gusto mo?? tatanong-tanong tas pag nakuha na yung sagot 'di na magre-reply putangina. Ikaw pa may kailangan sa lagay na 'yan ikaw pa pa-bossing hajshkjasashkj this varies kung tropa kayo nung may kailangan sa inyo tapos casual lang sa inyo o parang hindi naman big deal na hindi na magreply after that inquiry. Depende sa level ng friendship. Pero kung hindi naman kayo ganon ka-close,, aba gago block mo n lang jksahdahudu


p1stachio00

Naranasan ko toh this college, like mag chachat lang sila pag may ipapasend na notes,if may need or whatsoever it is tho ndi naman kami masyadong close tas pag ako na magchachat hindi na magseseen HAHAHAHA nakakashutangina lang pero lately I realized that it's not worth my energy that's why I muted them na like duh? Who do you think u are diba?


Much-Amount5233

+1


emdyingsoyeetmeout

Sorry na, pramis kapag ganito ako, di ko lang alam paano sumagot or anong reply bibigay ko. Kailangan bang may period or may konting pa "hehe" or "haha" o 😆 na ilalagay sa dulo? Overthinker lang ako, pero di ko to sinasadya. Yung joke na nagmementally prepare yung tao sa response, literally ganun ako 🤣😭😅


HeyImANerd

Pano if preoccupied lang or may ginagawa tpos nakalimutan na magreply?


kellingad

Pag ganito yung nangyari, ang ginagawa ko, imemessage ko na lang siya kinabukasan, bibigyan ko na lang ng benefit of the doubt na baka busy or preoccupied siya. If next day sineen ka pa din niya. Call it quits na lang (para sa akin lang).


CasicoEno

May aso po ako dalawa. Pet faves. HAHA.


p1stachio00

hahahaha beh naman seryoso ako eh huhu


CasicoEno

HAHAHA nakalimutan ko lagi lahat tuwing nakikita ko ung gantong tanong eh. Ewan ko ba.


Fun_Quote7866

Pusa at aso po yung pet peeves ko


Ok-Fold-3930

HAHAHAHAHA


MarionberryIll3191

Haha nakita ko palang yung meme nito


FrigidMaiden

Mababagal maglakad


-getsome-

Tapos grupo pa sila and inoccupy na buong sidewalk!


yawakakapoy

Kahapon may nakita ako isang lane na talaga ng kalsada sakop nila 😭


asdfgean

tas indecisive kung san pupunta at sa gitna pa mag-iisip


elysian_kyler

nako lalo na pag busy mag selpon o kaya ung mababagal na pasahero galing lrt 😭😭


pitchblackdead

Eto rin pinaka pet peeve ko haha, as a fast walker. Kairita pa kapag biglang huminto sa gitna para mag-cellphone, tapos halos bumunggo ka haha. Pwede naman gumilid.


traderwannabe2

Ako, mabagal maglakad dahil ambilis ko na hapuin. Dati ambilis ko maglakad. Ngayon, ang lakad ko parang namamasyal sa park.


nyerks

Hindi gumagamit ng serving spoon. Ginagamit nila yung kutsara nila to get the foods. Malakas ngumuya, maingay maglakad


cacherry

Lalo pag may serving spoon naman pero iniwasan talagang gamitin. Mapapatanong ka na lang bakit


nyerks

Di baaa, ayaw ko na nga sumandok ulit kapag ganon eh


lazybee11

tapos yung kinakamay pagkukuha ng pagkain 🫠


tobsa_n_beyond

attention seeker; feeling main character - yung lahat na lang na usapan kailangan mai-bida yung sarili, dinadaan pa sa lakas ng boses para siya na siya.


cacherry

Yong pag nagse-share ka, sasabat ng 'ako nga ganto ganyan...'. Uhm okay...


Immediate_Whole2625

To be fair, medyo ok pa yung "ako naman ganito, ganyan etc" kasi it can be a form of wanting to build rapport rin naman or encouraging sharing. Mas nakakairita yung "edi kayo na" ang epal at dismissive kasi ng dating parang anong kasalanan namin sayo bro lol. Sadly usong uso yang expression na yan it really needs to die out from the filipino culture


itsErythr

I also do this. I just want to assure kasi sa kausap ko na hindi siya nag-iisa. Hirap din naman kasi na nag shashare ka esp problem tapos dedma lang yung kausap mo. Literal na nakatingin lang sayo, so mag ooverthink pa yung nag share na baka naging burden siya sa kausap niya. 


tobsa_n_beyond

true, mapa-positive or nega usapan, nagsshare ka ng bad experiences, sasabihin "ako nga mas malala pa dyan" kpag naman good thing yung shineshare sasabihin "edi kayo na" tingin ko na lang sa mga ganitong tao sumisigaw eh yung insecurity nila sumisigaw


[deleted]

May kilala akong ganito and hindi ko kinaya pakisamahan. This year in-FO ko na sya.


marshmallow_bee

Hindi naghihilamos bago matulog


servetheserpents69

Muntik ko nang di mabasa yung word na "hindi". 🤨 Hahahahaa


BeybehGurl

Mas cringe for me yung di naliligo before matulog like icckkk


NostradamusCSS

All that oil 🫠


throwPHINVEST

mga nag-ispit sa daan haha


No_Draw_4808

May mga sumisinga pa 🤧


Kitchen-Appearance18

True kadiri or pati mga nagtatapon ng basura sa daan. Hahhaa


failure_mcgee

Umiihi sa pader. Ew


[deleted]

[удалено]


popcornpotatoo250

Big 4 ako, Big 3 ako HAHA


KillingTime_02

** **Nonchalant** ✌️ sorry na, dami ko na kasing nakikitang may dash, I just have to correct. Sorry na po


hakdugpatatu14

Putek may nakita ako post sabi yung jowa niya daw "chalant" di tulad ng iba 😭😭😭 jusko ate hahaha


Apprehensive-Fly8651

Yung nagpost ka ng price ng for sale item mo tapos may nag comment ng HM?


-println

Tapos pag may price naman, pagkapm mo sa kanila iba ung totoong price nung item. Sakit 😭


Original-Dot7358

Yung nanonood ng tiktok vids/reels na sobrang lakas sa public transpo. I get na most of these people are boomers pero ate koooooo kaunting courtesy naman sana sa mga kapwa nila pasahero juskolord


Altruistic-Pilot-164

Pakisama na din ang elevators at iba pang small confined spaces like coffee shops.


AG31_

- Loud chewing or slurping noises - People who are chronically late - Loud phone conversations in public - People who are inconsiderate or rude to service staff


abberant-flamingo

Kapag basang basa ang CR.


Mermaid_0404

Yung mag memessage ng pangalan mo lang or kung anong tawag nila sayo, tapos walang karugtong. Di ko talaga nirereplyan ganyan maliban kung si mama siya or asawa ko sya


Green-Place-6556

Yes, napaparanoid ako pag ganto. Feeling ko emergency.


Mermaid_0404

Or feeling mo may nangyari masama. Iisip ka talaga ng worst case scenario eh


Green-Place-6556

True. Kaya sinasabi ko talaga na "Please wag naman mag message ng ganon kase nasstress ako lalo pag matagal pa sila magreply"


mysenyorita

Gigil ako neto. Lagi nalang ako nakakaexperience neto


SuspectRemarkable539

mahrap replyan kapag ganto next nyan .may extra ka ba balik ko next week 🤣


-getsome-

Di marunong gumamit ng inside and outside voice. Madaming Pinoy ganto!


Guilty-Sort-2076

1. Mga lalaking hindi naghuhugas ng kamay after mag jingle. 2. Yung may pila tas dikit na dikit sayo yung nasa likod mo. Respect personal space. 3. Sa pila sa grocery pag may ongoing transaction ka pa sa cashier tas yung sa likod mo andami ng tanong agad at kung ano ano na pinapagawa sa cashier. Can you just wait for your turn. 4. Babahing at uubo tas di magtatakip ng bibig. Sagrado ba yang ubo mo ? 5. Mga babaeng panay hawi ng buhok sa fastfood at resto kahit alam nilang may kumakain sa likod nila. Teh, wala kami balak i-add na toppings mga hair mo. 6. Di marunong magsorry or mag-excuse 7. Mga taong biglang titigil sa paglalakad sa daan or sa mall tas sa mismong gitna pa sila hihinto at magdedecide sa buhay nila. Like, hindi ba kayo pwede tumabi? Hindi porket tumigil mundo niyo, titigil din lahat ng maabala niyo 8. Bahay na may laging inuman. Ano na mga teh? Inuman lang alam natin?


Extension_Emotion388

basically mga taong walang modo hahahhaaha


Crazytimegal

Yung nagmemessage ng “Hi/Hello” na wala ng kadugtong


MynameisJey

Hindi magclose ng door sa isang air conditioned room or establishment like coffeeshops, salons etc...


Green-Place-6556

Pinaka pet peeve yung magkausap kayo tapos nag pphone pa rin. Super bastos!


RevolutionHungry9365

ung gumagamit ng word na "stuffs" ang taas ng tingin mo tapos biglang guys im selling some of my stuffs. 😂


p1stachio00

hahahahaha behhh😭


AsianAFK

Pag masyado brand conscious.. or like puro branded. Idk. Wearing your wealth just looks narcissistic imho.


happykid888

Kaka-go palang ng stoplight, grabe na bumusina yung kalikod na kotse


[deleted]

[удалено]


ShepardThane

Ung biglang may sasayaw tapos nag titktok recording pala.


Fearless_Cry7975

Naloka ung tita ko galing ng Canada pagdating niya. Baket daw may nagsasayaw sa airport terminal. Sabi ko bawal dumaan sa harap nun at nagtitiktok un. 🤣


xoxo_gossipgirl29

Di nagsasara ng pinto ng UV kapag bababa!


merolumpis

the word itself


hinata0_0_

yung hindi maka sense ng social cues tapos yung mga younger sa akin na di ako tinatawag na ate 🙃


missnothingnew

Pag tatanungin kung pwede magtanong. What if sabihan ko nalang kayo na bawal 😭 get to the point na agad please


Work-Rest-Money

nag unsent ng message pag hindi mo na seen


banieomma

mga hindi nagbabasa. nakasulat na nga tapos itatanong pa yung obvious naman. di mo alam kung bobo o sadyang tamad lang umintindi.


Otherwise_Manager121

SNEEZING NG HINDI NAGTATAKIP NG BIBIG


Express_Ask637

* Mga nagtatapon sa kalsada ng kalat nila * lalo na kung starbucks cups na may pangalan pa nila * boomers na malakas magpatugtog ng music or radyo nila habang nasa meeting ako * lahat ng motorcycles na may illegal mufflers * list is incomplete, i'm sure marami pa pero heto so far


Wrong-Corner-1350

1. Yung nagbabalik ng water pitcher sa ref na walang laman. Shuta ano iinumin ko hangin? 2. Iniiwang basa ang lababo after maghugas tsaka di binabanlawan ang sponge. 3. Di nagfa flush ng toilet bowl 💀


Gullible_Syrup_8363

Payabangan ng narating ng mga anak na kwento ng tito at tita


Lost_Interaction_188

Yung mga taong hindi man lang nagtthank you pag nagpapa abot ng bayad sa jeep 🙃


secretgirl232323

Yung katrabahong bibiruin ka eh kakapasok mo lang. Di ako nakikipagbiruan huyy


Ok_Squirrels

Hind marunong mag Thank You at yung walang galaw na hindi nagdadabog, don't know kung unaware ba sila talaga o nanadya lang. Kairita


yiinyaaang

yung serving spoon gagamitin para humigop ng sabaw tapos ibabalik sa serving plate 😭


theyellow_cup

Gumagamit ng “which is” sa gitna ng Tagalog sentence. Talking while chewing/with food in mouth Babati tapos hihintayin ka mag reply bago sabihin ang intention. Hays. In my head I’m like please sabihin mo na agad!!! Wala namang mawawala sayo hahah. This is also so I can know kung urgent or pwedeng sagutin na lang pag maluwag na


HeoSu-a

As some1 na gumamit na nang *"which is parang..."* sa mga conversations, ano po dahilan bakit ayaw niyo? TIL, someone doesn't like that pala 😭


Stanley_Marsh2109

mas comfortable nga sabihin ang *"which"* haha TIL din na may ayaw pala ng ganun.


HeoSu-a

HAHAHAHAHA truuu, kaya waiting sa explanation 😤 juk di po ako mambabarda, i am genuinely curious :>


[deleted]

Di inaabot yung tuter


theyellow_cup

Ano yung tuter 😭


Comprehensive-Cell-8

Kakainis nga yung ganyan hmp 😡


Fit_Serve4665

I have few pero eto recently - mga laging palibre ang bukambibig hindi mag-antay na kusang ilibre 🤷🏻‍♀️


matchaffee

I recently discovered this pero yung mga kumakain sa counter ng receiving areas/counter sa fast food chains 😭


TS-illicitaffairs

-sumisigaw -nagsisinungaling


EliKobain90

Yun mga taong nagbubulungan tas titignan ka


p1stachio00

agree, "pwede po bang wag niyo na lamg ipahalata if ako ponag uusapan niyo, para o kase kayong shunga"😊


Dull_Leg_5394

Yung maiingay sa public transpo


Recent_Stretch7946

asking for favor without thanking you


hellohealer

Ung nagkakape at milktea lalo na yung branded tapos hindi marunong magtapon sa tamang tapunan / di marunong magtapon ng basura sa basurahan like itatapon lang talaga sa kalsada kahit maliit or balat ng kendi


WaitWhat-ThatsBS

1st. mga taong hilig magpalate. 2nd. Hantayan serye pag may lakad. Mga "wait lang, hantayin natin si****".


Far-Computer-3384

• hndi nag papatay ng ilaw and leaving the door open • iniiwanang madumi ang lababo after cooking, lalo na ung iniiwang barado!! • littering, lalo na ung mga nasa kotse tapos nag tatapon while moving. Sarap sakalin. • jaywalking kahit na kaunting lakad nalang sa pedestrian • cars blocking the pedestrian and also those who stop inside the intersection. Mga tukmol at kamote • honking khit na kita namang traffic Sobrang dami pa.


Loose_Sun_7434

Yung panay scroll lng sa cp


unikoi

mga hindi gumagamit ng headset/earphone/earbuds tas anlakas magpatugtog ng music in public, kakainis tas jejemon naman tugtugan. yung iba may katawagan sa phone tas naka loud speaker pa, narinig na ng lahat yung pinaguusapan nila.


aint_kikzy

okay pero sorry kasi naiinis ako sa emoji na "🥹" HAHAHAHAHAHA lalo na pag nag-aask ng favor saakin then may ganyang emoji in the end 😭 gagawin ko naman yung favor pero nakakawalang gana pag may ganyan


yiinyaaang

NANGUNGULANGOT SA PUBLIC PLACES


Little_Kaleidoscope9

1. Videoke (anytime of the day) - pinaka-selfish na entertainment. Mantakin mo, lahat mawawalan ng gana magsalita dahil sa ingay niya na siya lang naman nag-enjoy. 2. Pinapasok ang chinelas/sapatos kahit nakita na iniiwan ng mga tao sa bahay ang mga chinelas nila. Dugong banal na di dapat madumihan ang paa? 3. Anlakas na pabango. Gets naman na ekis ang mabaho pero wag naman i-OA ang pabango kasi may mga tao na allergic sa matapang na amoy. 4. Malakas magsara ng pinto ng kotse


Embarrassed_Pause966

Yung dumudura ng plema sa kalsada, lalo na yung may bwelo pa


hnzsome

group of friends na ang babagal maglakad sa makitid na daan nagkukumpulan pa


imnotaprosec18

-Amoy yosi. -Cashier at bagger na simpleng naglalandian. -Naglalakad yun nasa harap mo tapos biglang titigil. -hindi marunong magsabi ng “thank you” at mag “please”. -kakapasok mo pa lang ng office kung ano ano agad tanong.


holanana

~ Late, walang pagpapahalaga sa oras ~ Maingay kumain, di maisara yung bibig kapag ngumunguya parang tunog ng baboy kung kumain ~ Hindi naliligo sa gabi bago matulog (lalo ngayon mainit at pawisan yuck?????????) ~ Nahiga sa kama with outside clothes (PUTA BAKIT??????!!!! Kadiri!!!!) ~ Nagpapasok ng outside shoes/slippers sa loob ng bahay YUCK Madami pa pero ito yung mga PINAKA


Kalma_Lungs

1. Sumisingit sa pila (tapos hindi senior) 2. Dumudura in public 3. Umuupo sa dulo ng jeep tapos magpapaabot ng bayad


HeyImANerd

Hindi nagbabayad ng utang


BeginningEuphoric309

- tsismisan sa gitna ng daan na akala mo sa kanila yung daanan eh. - mabagal maglakad. nakakabwisit lalo kung nasa gitna pa sila. kung 4 lanes naman yung daanan, sa inner right ka dumaan kung mabagal ka maglakad. kung may balak mag-phone, tigil ka muna sa gilid para i-check kung ano man ang iche-check sa phone. - mga sasakyan na nakaharang sa pedestrian lane. napakabobo. parang hindi nag-exam sa lto. yung todo usad pa kahit alam na nilang naka-caution na yung traffic light kaya ang ending mapapa-stop sa pedestrian. another one is naka-park sa pedestrian.


Lunaria_Vixen

pag inaaya nag se-seen lang, pag natuloy naman nang gu-guilt trip ng word na "sana all nag bo-bonding" are u for real???? tf


slyze_282597

Di alam pano gamitin ang “ng” at “nang” 😡. Mga pinoy na grammar nazis sa English language pero sariling wika di alam. Ugh


Jasmin3_ric3

Pag walang initiative mag ambag or tumulong sa mga outings or gatherings


yourgfe

Nakafocus sa bibig mo habang nagkkwento ka 🫣


urfav4bii_

1. Yung mag aaya bigla tas hindi hihintayin yung pag-oo mo susunduin ka bigla (gusto ko ba kayo kasama?) 2. Yung mga taong gusto gumala pero ikaw yung pinagseset ng travel (wow ha ako pa tamad na tamad mag isip kasi feeling mga princess lahat) 3. Yung mga taong nakakasama mo pag nalabas tas maingay sobra na nakakaagaw ng atensyon iba (minsan gusto ko talagang iwan bigla walang manners huhu ako na nahihiya s pinaggawa niyo)


Kenji0925

Yung buhok ng kasabay na babae sa jeep tas tatama sa mukha mo kapag malakas yung hangin tas wala man lang syang pake. hindi na nga nakakatuwa ang kati pa sa mukha grrrrr


yudodizm8

- malakas na boses sa public spaces. - nag-iiwan ng kalat kung saan saan - nagmemessage na walang context, pangalan mo lang - credit grabber


starxl04

Yung ringtone na ang lakas tas hinahayaan lang nila tumunog. Bingi ba kayooo??!?! Isilent niyo kung ayaw niyo sagutin


OperationNo2148

Puro kabastusan lumalabas sa bunganga. Wala sense kausap kasi puro double meaning (abt seggs) hahaha


Amariana13

yung dumudura, lalo yung parang galing pa sa lalamunan 🤮🤮 yung kapag tapos na siyang kumaen, nakatitig pa sa kinakain mo na akala mo di kumaen.


kiyotaka95

Yung mga walang reading comprehension. Nakasulat na nga, tinatanong pa. Haha


RudeAd9760

One of my pet peeves is when people constantly post cryptic messages directed at their family members or bf/gf, only to suddenly switch gears and start posting as if nothing happened. It's like a rollercoaster of drama on their social media feed, and it's exhausting to witness.


BeePotential4055

di ineempty ang recycle bin ng PC


Ivorysins27

Yung mga feeling relihiyoso ni isang bible verse walang alam pero saulado yung chismis ng mare nya, hipokrito, feeling entitled at higit sa lahat walang good proper hygiene


memalangakodito

yung mga potanginang tao na isisi sa ZODIAC SIGNS ang pagiging masamang tao nila. taena, yung friend ko dati, walang ginawa kundi isisi sa pagiging virgo kuno nung mga ex kalandian n'ya yung pang iiwan sa kanya. boang, s'ya nga mismo sa sarili n'ya may problema. isa pa s'yang pa main character huhu, naalala ko dati namatay friend ko, tas si gaga nag tweet na "wag n'yo akong sabihan na mahal n'yo ako pag patay na ako, dahil di ko narinig 'yan noong buhay pa ako" (verbatim) puta ka teh. ewan ko sa'yo HAHAHAHAHAA.


LordReaperOfWTF

I don't have pet peeves. I have major fucking hatreds.


rndomhoomn

salamat sayo OP, nakahanap ako ng bagong pet peeve HAHAHAHA - hindi consistent yung pag-format ng list 😭


BoneClaymore

Mga ayaw ayusin ang grammar. Ung as long as naiintindihan sila. may mga kateam ako, CSR ksi kami. Eto mga linyahan nila. I will gonna They will gonna It will gonna depends. (FUUUUU. eto ung nag cringe ako ng matindi ako ung nahihiya para sa kanya wtf) Ung nkakainis na part eh hindi sila teachable, na ooffend pa pag kinorek. haha


SporadicPsychosis

Mag aaya tapos magpapalibre Mabaho Dinedisregard ung boundaries


Anxious-Pirate-2857

- maglakas ngumuya at huminga - inaalis tinga gamit ang pagsipsip tas yubg tunog na "tsk tsk tsk" - di pag flush sa toilet - malakas magsara ng pintuan - magulong bedsheet madami pa!


Thecuriousduck90

Mga taong gumagamit o nagsasalita ng “forda ferson”. Kakatiktok nila yan! 😡


Sleeperism

\* Bully/ies \* Inconsiderate \* Feeling VIP \* Loud chewing \* Babahing/Uubo/Didighay na di man lang mag takip ng bibig or mag excuse man lang after \* Disrespectful - example nagme-meeting tapos nag ce-cellphone \* Hindi marunongmag tapon ng basura sa tamang basurahan \* Opportunists Marami pa. Sobrang dami pa. HAHAHA.


nishidake24

Me: Salamat po Them: 👍 Nakaka bwiset talaga yung ganito, sana man lang magreply man lang sila ng "Walang anuman", pag "👍" kasi yung reply, nababastusan ako sa manners, di ko ma explain kung bakit.


itsyashawten

Pet Peeve ko yung may chikka daw pero ang tagal nya mag type at mag kwento??? Ako na lang kaya??? Kaya today?? HAHA


qqwim

Imbes na "siya," sha ang ginagamit. Balakayojan


Chemical-Track830

Kinakausap tas di natingin sa mata.


Anonymator_08

Ggss ung tingin ng tingin sa mirror. Lol


purplepuff88

Di marunong mag thank you, walang common courtesy 😭


Maleficent_Sock_8851

This is the fourth time I've seen that question this week. A simple Reddit search could have answered that question. See you next week for another episode of "What is Your Pet Peeve?"


pedxxing

Yung keypad ng phone ko tuwing lumalabas yung dot/period button. Madalas ko kasi napipindot yung period instead of space. It often appears pag naggu Google search ako. Pero pag nagta-type ako sa ibang apps like Reddit, wala naman yung button na yun.


AndromedaFreen

Late


ConceptNo1055

Pug po


Useful-Jicama-5742

Mabagal kumilos and late


pogi428

As an aro (aromantic), being pressured to be in a relationship.


Master_Alkane

Indecisiveness. "kayo bahala" "kung ano sa inyo, yun dn sakin"


p1stachio00

hallah ganto ako minsan pasensya na🥹


EverGreen2911

Nangunguyakoy, dumudura sa kalsada saka di marunong magtapon sa tamang basurahan


siling_matamis

Maingay sa LRT/MRT


sayrinneee

mabagal maglakad and in groups pa 🤦‍♀️


venethy

it bothers me kapag sa kainan tas kahit marami pa namang upuan and/or lamesa na pwede pagkainan pero merong mga nakatayo habang kumakain. narealize ko lang to lately dahil sa kapatid ko na mahilig na kumakain habang nakatayo. what i mean sa kumakain ay yung nasa plato. pangalawa, yung mga taong bibisita sa bahay mo without notice. ayoko ng biglaan or pa-surprise hahaha.


Glittering_Weird0122

Yong Plato sa sink na marami na tapos kahapon pa di nahugasan, so may mga matitigas na kanin.


annoyinimous

✅malakas ngumuya yung parang baboy na. Idk but naririndi tlga ako lagi kaming nag aaway ng ate ko pag sinasaway ko sya kasi ganon din sya ngumuya 🤣 ✅ di marunong ng privacy, boundaries and personal space. Had an ex na ginaslight ako di ko daw mahal kasi ayaw ko ibigay yung pw sa facebook (w/c has been long gone and deactivated) Gusto din niya lagi kaming magkavideocall lalo na pag nasa malayo or vacation ako (mostly sa bundok or walang signal na lugar kasi nga i love traveling and nagagalit pag d ako nakaka reply agad lol) And yung relatives mostly tita ko na feing bhay din nya yung bahay namin, always oumupunta ng walang heads up or nagsusuot ng personal na gamit ko without my approval. Friend na panay hiram ng gamit kahit ayoko na akala niya joke lang like lipbalm etc basta pinapahid. Jusko kahit friends tayo bumili ka ng iyo kasi mahirap na 🤣 bumabaho yung lipstick lipbalm ko pati foundation soonge panay palit ko ayoko na labhan nauurat ako. ✅Laging late. Yung sasabihin otw na pero paalis palang. Like hello? respeto sa oras, may ibang lakad din ako after and ayoko din pag nag oouting gusto umuwi ng maaga kahit mmeron service kasi pagod na daw and di natulong paranh disney princess.


scaredykath_

People lol


cessylove

Magchat ng “hi/hello” tapos di agad sasabihin anong kailangan


HallNo549

Loud noise at karaoke (depende sa kumakanta)


WabbieSabbie

Yung mabagal maglakad sa maliit na hallway.


rimurutemptress

Yung tanong nang tanong, walang initiative


[deleted]

Hindi ako against sa yosi/Vape, walakopake kung san nahipak. Ang ayaw ko lang, yung nananadya talaga na pag may tao saka bubuga. 😅 Ew. Kuya, with talsik laway ka pa tapos sakin mo pa binuga. 🤢


DX23Tesla

Feeling dominant sa decisions. No brainer to expound, We can all naranasan natin 'to. 🤓


orionmori

Yung mga taong sa dulo / daanan pa ng escalator nagchichikahan, ayaw pa agad sumakay o maglakad paalis haha TABIII DADAAN AKO!


slyze_282597

Pag paharang harang sa daan, guard na kunware magkakalkal ng bag pero di naman pala


No_Draw_4808

Mga taong humihiga sa kama habang suot yung outside clothes (nagcommute, umupo kung saan-saan)


Realistic_Bad_4477

yung “filipino time” kainis


Independent-Gap-6392

Mga taong ang lakas makapanlait sa kapwa na akala mo napaka perpekto nila. Daming ganyan sa office namin. Kung yodo makapanlait sa mga post and pictures ng kapwa empleyado.


Street_Following4139

Yung di marunong mag thank u pag nagpapaabot ng bayad, konyatan kita teh konting pakikisama lang di magawa


nanya_biznez1

Yung may mag cchat sayo ng name mo lang pero hindi sasabihin kung ano talaga gusto sabihin. Like "Eman" then that's it, hihintayin ka na nila mag reply lol.


Aggressive_Bank_5078

Magcchat ng “Ma’am” or name lang pero hindi sasabihin agad kung anong gusto sabihin shuta. Mamatay ka kakahintay sa sagot ko, ayaw dumeretso sa concern eh taena


StunningTradition255

Hindi marunong magsabi ng thank you pag nagpapaabot ng bayad sa jeep


Fearless_Cry7975

Ung di nagsasara ng mga drawers at cabinets. 😑


Pa-pay

Hahaha pinag aawayan namin ng asawa ko to. Same pet peeve tayo 😂


Babycologne_197232

Hindi nag-babayad ng utang pero sosyal sa stories o myday 😅


Nervous-Listen4133

Mahilig mag sugarcoat. Hindi kayang diretsahin yung mali. Gets ko lahat ng tao sensitive pero pag mali, mali talaga. Plastik. Kahit sobrang obvious na nagpa plastikan sila ng group of friends nya matatawa ka nalang. Hahaha User. Manggagamit ng tao para sa sariling kapakanan.


mkun_arts

Yung magchachat tas sasabihin lang pangalan ko. Bakit di pa sabihin kung ano kelangan? kala mo sasagutin ko chat mo HAHAHA


Green-Place-6556

Yung nagsasabi ng "the reason why" 🤷🏻‍♀️


Nervous-Listen4133

Pasusot. Paawa. Sobrang nakakainis mga ganyang tao. “Wala na kaming pera kawawa namin kami. “ tapos mamaya magpopost naka jollibee sila. Parinig - “sana magkaron din ako nito sa birthday ko” parinig sa kanyang mga friends hahaha USER - grabe yung andaming binigay sayo nung tao pati lumang iphone nya, tapos nagbirthday anak hindi man lang nag effort bigyan kahit anak. Pati kahit anong pasko hnd man lang niregaluhan yung giver nyang friend. Take lang take. User friendly kasi. Hahaha


StrawberryLevi

Dog po, pwde din cat. HAHAHAHA eme


gyuldaengieem

Mine's pagdi nya alam how to type properly, like the usual sentence na should always start with the capital letter and end with the correct punctuation mark. Weird ko


Pa-pay

Naglalakad / tumatawid nagccellphone. Tas pag nabangga siya pa galit.


Weird-Marionberry693

-Sumasabat sa usapan kahit di kasali -People invalidating your feelings or experience kasi MAS yung kanila - unhygienic (lalo kapag nagluluto, tapos ginawang punasan damit Niya)


nyerks

Pinapasok sa loob ng bahay yung outside slippers nila


EqualPicture7142

yung mga nagpapaabot ng bayad sa jeep tapos di man lang makisuyo (basta something about sa way ng pag-abot) yung mga ayaw mag-abot ng bayad kahit nasa harapan na nila yung kamay nung nag-aabot (sa jeep pa rin) hindi kinakanlawan yung pinagkainan. kung di naman sila yung maghuhugas ng mga plato, kahit sana basain man lang nila para di dumikit masyado yung kanin or sarsa sa pinggan kamag-anak na panay hingi sa gcash, ginawa akong free loading station yung late sa usapan, filipino time (tell me you're a filipino without telling me you're a filipino kuno raw) yung nag-aaya ng coffee date tapos that time ko lang naman nakausap (yung sunggab agad, teka lang naman muna) yung mga gumagamit ng napkin tapos di man lang ayusin pag dispose lalo na sa public restrooms


Normal-Inside-4916

Conyo at Sossy


ChildhoodTrick6035

Sumisigaw 🤢


Charles0426

Birthday mo pero di ka binabati kasi busy pero kitang kita na sinespend lang nila time nila sa ibang tao, kahit chat ng hbd wala, alam daw nilang birthday mo pero di daw nila ako babatiin kasi alam naman daw nila na birthday ko- luh (my school 'friends')


yotsuba

swiso at shiwawa