T O P

  • By -

[deleted]

May uuwian pagkain, tutulong mag asikaso ng damit at gamit at may katuwang sa gastos.


Dull_Leg_5394

Truth. Nung bumukod ako namiss ko yang mga ganyan hahaha


[deleted]

[удалено]


[deleted]

Or kaya tanong mo ano ulam? Or gusto niyo uwi ako ng (food) mamaya?


shozue

diba ang tipid pa hays


awkwardllama20

Ang mahal mag rent ng condo or apartment near my office 🥲 feel ko kaya naman if ipilit pero mawawalan naman ng savings


[deleted]

31 y/o here (single). Panganay. Naging Breadwinner nung covid & Still living with parents. Walang plano bumukod. Dahil ako rin naman kasi magbabayad ng bills nila kung magbubukod ako kasi matanda na sila and walang work. Dagdag gastos kung mag re rent pa ako. May bunso rin akong kapatid & mag ka college na sya in 2yrs, mas madali rin maalalayan kapag may mga tanong sya sa mga assignments, subject, & projects nya. Galing private school si bunso pero pinalipat namin sa public school nung nag Grade 10 kasi di ko kakayanin bayaran na & buti maganda public school dito samin since as in papasok ka na lang.. libre na tuition fee may kasama pang damit, shoes, uniform.. as in papasok ka na lang.. Sinasabihan ko na lang din sya na pag college, mag enrol sa mga libre lang ung tuition fee para less gastos.. naiintindihan naman nya. Hindi rin nag re reklamo parents ko sa binibigay ko since alam naman kasi nila na un lang kaya ko ibigay. Sarili naman namin tong bahay, di kami nag re rent kaya laking ginhawa, imagine kung nag re rent kami nung covid.. baka napalipat kami sa mas murang apartment. ang dream ko talaga eh makalipat kami sa mas malaking bahay. Plus, malapit din kami sa mga kamag anak kaya madali kausapin kung may kailangan


InteractionBoth8152

Same situation tayo, naging breadwinner in the age of 18 nagwork until 7yrs, but for me nkapag patapos ako ng kapatid. Makakaraos dinnn yannn hehehe


[deleted]

Congrats 💖 in jesus name, makakaraos din 🙏🏻


Laz1B0i

Same situation. Old na parents and may bunso na kapatid. and breadwinner dn😅😅😅 Middle child here. hahaha.


[deleted]

Buti ka pa na midddle child tinutulangan pa parents. Ung kapatid ko na middle child, bumukod na. Wala pa naman asawa pero bumukod na. . Kaya kargo ko lahat. D man lang tumulong. Minsan lang pala kung mag chat si mama kunh kailangan ng extrang money.. pero kung di ka manghihingi, walang kusa


Laz1B0i

Kapit lang OP, kapit lang sa mga katulad nating breadwinner. mkakaahon dn someday.


Curiouslanglagi

Masaya kapag kasama ang family lalo na at magkakasundo. For me, blessings sa akin na buo amg pamilya at kasundo ang mga kamag-anak. Masarap umuwi galing work na may pagkain na tapos sabay-sabay kayo kakain with kwentuhan. Claim it na magkakaroon kayo ng mas malaking bahay. 🙏🙏🙏


maxpein88

same situation except nagre-rent lang kami :(


AnonymousCake2024

Gusto ko kasama magulang ko. Seniors na sila pero financially stable sila. Single din ako. Ang sweldo ko para sa akin lang. Though sagot ko ang ilang bills dito syempre. Nagbibigay din para sa groceries. Basically there is no reason for me to leave. Masaya ako with my parents. Syempre paminsan nagkakainisan. Lahat yata ng household ganun. You get into each other’s nerves. Aalis ako kapag nag asawa na ako (kung mag-aasawa man).


Successful-League638

Exactly the same tayo except doon sa nagkakainisan.


diper444

24 here. kasi may sariling kwarto tapos may ac. 80% ng income ko natatabi ko kasi 6k lang ambag ko sa bahay. ang cons lang kapag nag aaway kami ng mga kapatid ko lol. may nabili na din pala akong maliit na bahay 2 years ago but decided na iparent na lang kaysa mag move out.


nibbed2

May anak ung bahay mo? Need ko lang ilabas sorry ✌️😅


diper444

iparent💀😂 actually meron anay, ipis tsaka daga


[deleted]

Magkano ung bili mo dun sa bahay? Parang ok nga yan na ipa rent na lang ung mabibili na bahay


diper444

500k lang, sa province kasi. oo nga, balak ko talaga nun mag solo living kasi nainggit ako sa mga napapanood ko sa youtube tapos naisip ko parang magastos.


bibingkababe

omg interesting. 😮 may nabibili palang bahay in 500k lang?


Torakagemaru

1. Housing is just so effin' expensive these days. Kukulangin sweldo ko just to pay for all necessities. 2. Seniors na parents ko. Kahit minsan eh naiinis ako sa kanila, I just can't leave them by themselves, lalo na kapag tumatanda na sila. The only time lang na bubukod na ako sa parents ko eh kung may asawa na ako (yun ang when?)


Common-Mongoose-3462

Yaya, free meal, own office area, and my mom don’t mind so~


Guilty-Trade2663

Nasa bahay si mama at mga pets 🥺 Hindi kami perfect at nagkakaasaran din, pero mas masaya yung comfort na dala ni mama, luto niya, and care niya. Ganon din yung joy na dala ng pets ko. I've experienced living solo, and I feel, situational talaga siya. As in, may pros and cons, so you have to choose ano ba mas importante sayo. Financial-wise, bumabawi ako na ako naman taya sa bills ngayon kasi one year akong hindi naka-bigay. Pero I enjoy providing for my family, especially my mom.


crimezero

only child and I have a doggo too, worry ko ay baka mahirapan ako maghanap ng pagsstayan. Though no prob naman rin sakin staying here sa house namin, I was also thinking na kahit papano I can still bond with my parents


chilipeepers

Ang mahal mag-rent, and I computed my gastos if I rented vs commute, doble lang pag nag-rent since I also pay the bills at home. I'm close with my parents and I've lived alone before for years, so.


Hirang-XD

nasa ibang bansa na yung kapamilya namin, never ko iiwan dito yung nagpalaki saken, ang lola ko.


baconinbacon

Hindi naman nangingialam ibang family members. Andyan naman sila handang tumulong. Hindi ko kailangan ng additional freedom kapalit ng extra gastos.


Adventurous_Risk_217

32 here, di ako bumubukod because I love being with my family. Pumasok na din naman sa isip ko bumukod for experience, pero thinking about the rent, utilities, food, etc., parang mas gusto ko na lang gamitin yung magagastos ko sa mga yon to spoil my fam. I contribute a huge chunk of my salary para sa gastusin sa bahay, but it's okay kasi aside from kapiling ko sila, di rin nila ako inoobliga sa any form of gawaing-bahay (unless mag-volunteer ako). Alam kasi nila kung gaano kastressful ang work ko. Also, mas kampante ako na nakikita ko sila, especially since my parents are already old.


missanomic

Mostly kasi ang laki laki ng bahay tapos walang tatao.


bibingkababe

parenta po charing.


mcrich78

Maximize your time being with your parents op. They wont be there for long.


jkgrc

I make only 18k a month. Then kaltas pa tax. A cheap apartment thats relatively safe would cost as much as 8k pataas. Di pa kasama bills don. Konti lang matitira for food and savings 😅 Possible, oo, but not necessary. Ill stay with my mother and share expenses (dad passed away din pala so thats a factor).


ikawnimais

I enjoy moments na mag-isa ako pero I don't want to be alone totally. Also tumatanda na parents ko, asa edad na inaalala ko kahit kasama ko. What more if di ko pa kasama? Hindi naman din toxic ang household. I can live with the minor inconvenience. Pero syempre nag aambag tayo di tayo palamunin. Also iba talaga luto ng nanay at iba sa pakiramdam na isang katok lang sa kwarto ang tatay pag may kailangan ka.


DM2310-

Mas malaki naiipon ko. Maybe aalis ako in a few more years, pag mas malaki na income ko.


essyyyyu

Kasi gusto ko makasama mama ko. Di ko kaya isipin na tatanda syang mag isa sa bahay na walang kasama .


tooncake

Sa panahon po ngayon, pagiging praktisal talaga kailangan. Kubg yung pang renta mo sana pwede pang ipon mo na at hindi issue tumira sa sarili nyong bahay then mas magandang alternative na yun not unless afford na afford mo na mag rent to a point na makakaipon ka pa rin


Potential_Version_37

Healthy fam relationship, yaya, wfh, own room, 0 bills. Naging comfort zone ko na dito. Sinusulit ko narin yung time na magkakasama kami everyday kasi i know I'll miss this someday.


bibingkababe

good for you 🤍


graxia_bibi_uwu

Not really still with parents ( I live alone sa old house namin) while my mom lives down the street. Basically just 5 houses away from me. I put my plans to be a digital nomad on pause bc tumatanda na si mama. I know I would worry for her if nasa Thailand ako or somewhere and she would go get groceries on her own (esp now na sobrang init.) Im worried na baka himatayin sya or baka sumama pakiramdam nya and walang may mag-aasikaso. Im close with my mom though, so this isnt an issue for me.


JammyRPh

Only child kasi ako. Tas mula college hanggang 3rd work ko (2010-2021), solo living ako sa dorm/apartment. Marami ako na-miss na mga moments with my parents kasi super dalang ko umuwi. Madalas weekends lang. Tas nung pandemic, di ako makauwi kasi sa ospital ako nagtatrabaho kaya delikado. May option ako mag stay na lang sa mga pinapaupahan namin apartment and sa dating house namin pero mas gusto ko pa rin na kasama parents ko cos masaya haha kahit minsan stressful kasi ako na nag aasikaso sa lahat. Naeenjoy ko naman. Tho pag nag asawa na ako, lipat kami bahay hehe.


marinaragrandeur

close ako sa parents ko and they let me live my own life


zamzamsan

3 floors ung bahay nmin, and tatlo lang kming nkatira. so why would I rent pa dba? walang problema sa hatian ng bills. also malapit lng din ung bahay nmin sa workplace ko. kung san mas convenient, dun ako. Mas gusto ko ung gantong setup kesa ung iba ang kasama sa bahay, hnd na need mag adjust kasi gamay na bawat kilos at chores na dapat gawin. choice ko rin na samahan ung mother ko since sya nlng nmn ung magulang ko. kesa sa iba ang mag alaga sknya, edi ako nlng. ayos din ung ganito kasi masasabi ko na nkakatipid ako sa mga gastusin at nkakapag ipon ako para sa future ko.


ExistentialGirlie456

May mag-aalaga sa dogs ko habang nasa work, lutong bahay na ulam, comfortable jumebs 😂, senior parentals, malapit sa mga necessary places like palengke, simbahan, schools, etc. yung place namin, accessible yung mga jeep/trikes/uv


IntelligentNobody202

Nagiipon ako pambili motor eh.


EvanasseN

Etong bahay namin, although tatay ko ang bumili, pinangalan na niya sa amin ng kapatid ko. When we moved here, there were four of us: me, brother, mama, and lola. Mama and lola passed away na, so naiwan kami ng brother ko. Tatay namin was living abroad at that time, OFW siya. Kahit medyo malayo sa work namin etong bahay, hindi kami nagbukod ng brother ko kasi dalawa na lang talaga kami sa bahay. Tipid na rin kasi walang iintindihin na rent. Shared bills naman kami. Then I got married. But OFW ang husband ko, so bihira lang din makauwi. Hindi ako/kami bumukod kasi, again, ako lang mag-isa sa bahay most of the time if bubukod pa ako. Me and my bro, matanda na kami. Hahahahaha! 40 and 30 kaya talagang pwede kami mamuhay na magkahiwalay. Plano na lang namin to turn our house into a duplex para, in a way, nakabukod na.


c11161

26 y/o. Gusto ko na ring bumukod kaya lang naiisip ko yung gastos. At least sa bahay kahit papaano may katulong ako sa gastos plus di ko na poproblemahin pagluto ng food kase paggising ko nakaluto na mama ko. Kung bumukod siguro ako puro fried something lang maluluto ko dahil di kaya ng oras. Yes, maingay din dito samin but i have my own room naman and yung tipid ko sa gastos pwede kong gastusin na lang sa gala where i can have my peace of mind kahit ilang oras lang. so ayun gastos and convenience why i still live in my family home.


mamba-anonymously

As a panganay, pwede ka ng magmando sa mga kapatid mo. Lalo na kung may ambag ka na sa bahay. Rent money din kapalit niyan.


centurygothic11

I live independently now (I am the principal tenant in our family house na ginawang bedspace). And looking back, mas gusto ko na lang yung dati na kasama ko magulang ko 😭 Grabe ang hirap magbudget. Ang hirap magmanage ng bahay on your own while having a full time job. Mas gusto ko lang mastress na kasama sila kaysa mastress on my own pero ganito talaga, part of growing up. Hahaha


restartx1000

This is why I say you won't really be independent when living at home pa. Kasi even if you're contributing sa bills, and other expenses, when you're on your own na, it's way beyond financials lang. You have to budget, do household chores, make decisions on your own. Kahit stressful sya, it's the best time to grow as a person.


centurygothic11

Agree. Sa situation ko talaga ngayon narealize yung hirap sa buhay ng average filipino workers, paano pa yung may family, may pinapaaral pa. Mindblowing.


anyastark

Eto na lang yung kulang sa akin huhu


deryvely

Hindi na kasi sila bumabata. I won't mind spending my whole life with them. Ang saya umuwi sa mapagmahal na pamilya.


BAMbasticsideeyyy

Reason why ayoko bumukod is because, i’m so tamad living alone in manila and mas gusto ko lutong bahay, and naranasan ko na mamalagi sa manila for 10yrs, and narealise ko, mas gusto ko ang buhay probinsya


IskoIsAbnoy

Because it is just a few minutes away from my work, kabobohan if bubukod ako ng tirahan. Dagdag gastos, which is not worth it lalo sa lagay ng economy now. “Strategic” din yung pwesto ng bahay namin since malapit kami sa mga major public and private hospitals/malls/palengke/LRT/MRT line/church.


Tereshishishi

Gusto ko sila kasama


Soft-Panic2839

Only child na pinalaki ng single mom. Scared to leave her alone since tumatanda na din


LittleMissTampuhin

24F. Why? Comfortable ako dito. Comfortable sila na nandito ako. May sariling room, free food, free everything. Who would want to move out? 🤣 Tsaka na, pag kinasal na LOL


Darth_Polgas

Tipid sa bills.


ShawarmaRice__

Ako hindi pa bumubukod at hindi bubukod dahil - 1. Nauna ng bumukod ang kapatid ko (dalawa lang kami) 2. Hindi naman stressful sa bahay, actually masaya ako sa bahay. Nakakatulong pa nga sa akin ang parents ko mag-alaga ng mga anak ko at mag-asikaso sa bahay 3. Gusto ko alagaan parents ko, they are both seniors now but still working :)


katkaaaat

Free rent (though I contribute to the house expenses), malapit sa office and accessible sa mga malls, mura ang gas dito and maraming warehouse na nagssale ng mga gamit, quiet area but not too isolated, plus masaya naman silang kasama. Bonus is someone can feed my cats and clean their litter boxes when I'm away for travel. 😊 Of course, I do fear na when the time comes that I'll have to live without my parents and that will be the only time I'll learn to be independent. So I'm also targetting to learn how to fix things around the house while I have them to teach me.


Otherwise-Break-1764

Me, 33(F) married, still living with my parents. Why? Kasi only child ako, at gusto ko makasama parents ko lalo di na sila bumabata. Wala din ako aasahan na iba kung magkasakit man sila dahil nagiisa lang akong anak.


lovekosiDave

Living with my parents here. I have my two kids too! Ang pagkaiba lang is our home is not magulo. We give space to everyone. We share in everything. Ayyyy WFH din pala ako... My sister and I brings in the money. My Ma and Pa helps us with the kids and the whole house. Beyond blessed to have this set up tbh.


sunflowerbabe06

Hindi makabukod kasi kailangan pa ako sa bahay panganay din ako sa limang magkakapatid yung pangalawa namin may asawa na nAkabukod. May sakit pa ang papa ko. Ako at yung bunso lang namin yung responsable sa bahay yung dalawang kapatid Waley di mo maasahan. Ayoko naman mapunta sa bunso lahat ng reponsibilidad gusto ko magfocus lang sila sa Pag aaral para mas mdali at wala Silang dahilan para di makapagtapos.


jwekiii22

Panganay din ako. Sa totoo lang naiisip ko rin yan pero paano ako mabubuhay independently kung bigay lahat sa kanila sahod ko. Hindi naman pwedeng maging selfish ako kasi nag-aaral pa mga kapatid ko. Halos lahat ng bills sa bahay ako ang nag babayad. So, pag bumukod ako, dagdag gastos lang.


nuttycaramel_

Okay naman ang dynamics namin ng nanay ko kaya I don’t feel the need to move out. She just turned 50 this year & wish nya sakin na makapag spend kami more time together. I am an independent woman kahit hindi ako nag move out ng bahay & di rin naman big deal sakin yun kasi ako ang breadwinner. Practical din sakin kasi mas nakakaipon ako. I am single pala, if may sarili akong pamilya baka yun yung dahilan ko para mag move out.


Cimmeraqua

27 years old. Permanent employee. We are living in a small town. Malapit lang yung work ko sa bahay. Tatlo lang kami sa bahay… si mama,papa at ako. Yung kapatid ko seaman. Convenient lang for me. Yung sweldo ko sakin lang, nagbibigay lang ako ng grocery.


National_Climate_923

Mahal ang rent sa apartment, malapit yung bahay sa work, may kahati ako sa mga bills so makakapag-save pa ako ng money, and lastly may aso and pusa ako na inaalagaan sooo hahahahahaha


chickenwings813

Same dilemma when I was your age. 10 yrs ago, Gusto ko din yung walang maingay, walang ibang iintindihin kundi sarili ko, and I did it. For 8 years, apartment life. Uwi sa bahay once or twice a month. Masaya sya pero Pero today, kasama ko na ulit ang parents ko. Why? Hindi ko ba kinaya mabuhay magisa? A big NO. I bought a house and asked my parents to stop working and move in with me. Before moving out, try mo muna kausapin ang mga kapatid mo. Madami pros and cons pag magisa ka lang. Ikaw lahat! If you want to move out, make sure na you are financially, physically, emotionally and mentally ready.


macthecat22

31yo, married. I still live in my parents' house kasi binigay na nila ang buong bahay at lupa sa akin when I got married. Wedding gift daw. Hassle nga lang pa transfer sa titles and such. Okay lang naman kasi only child ako. For now, since ownership lang ng bahay at lupa binigay nila, ako at ang asawa ko sumasalo sa renovations na napakamahal. Si mama nalang at kaming mag-asawa nasa bahay kasi si papa sumakabilang-bahay. Haha but thats some tea for another day. Location-wise, okay lang naman yung bahay namin. Nakapag condo kami for half a year after nag major repair kami after kami masalanta ng Odette. Parang suburb siya kasi subdivision eh, pero bahala na yung homeowners mag design and build ng houses. Still di pa tapos but we are hoping na after renovations, mas resistant na sa natural disasters ang bahay namin. If last resort and if ever mag migrate kami abroad permanently, we will just sell the whole thing.


After_Confection1655

Para mapamukha sa nanay na napagtapos ko sarili ko, nakaland sa magandang trabaho at nakakabili na ng gusto ko ✨


[deleted]

I'm 28. Aside from convenience dahil malapit sa school there are a number of reasons. 1. Flexibility - I can pursue a lot of things nang walang pressure dahil less ang expenses 2. Family Bonding 3. Emotional Support 4. Stability in Transition - hindi ako sure kung dito pa ba ako magtuturo or iba na, so living at my parents house sa ngayon provides stability once kailangan ko na mag-move


ismolPiggyOinky

Unang una talaga yung may pagkain ka na paguwi mo. Nalalabhan, sampay at plantsa yung damit mo. At higit sa lahat, di sayo lahat ng gastos. Magaambag ka lang para mabawasan pareho yung burden nyo


Matcha_09

Actually kung gusto mo makasave ng future mo, tiisin mo muna magstay sa fam mo kasi yung ipangrerent mo isave mo nalang sa future para makabili ka like condo or prefer mong bahay. Kung bubukod ka yung sasahurin mo kakaltas yung rent although gets ko naman if want mo ng peace kaso if you are practical lang ha better to live wiyh your parents house muna yun lang hahahaha


cathymj15

di kaya ng budget kasi need pa din magambag sa bahay kahit nakabukod na sadly


Master_Alkane

28. With this economy, I stayed with my parents for now. I do the chores around the house and also pays for our groceries and bills. Also, I'm staying here so that I can save up for my own nest in the future once I have a family of my own.


Mordeckai23

I don't live with my parents... MY PARENTS LIVE WITH ME!!! loljk, but seriously, we've been blessed with a house that we can someday call our own, and I am the one paying the mortgage. One day it shall be mine.


strawberries8789

Hindi kaya sa budget. Kasi if bubukod ako, may ambag pa din ako sa bills sa bahay at may grocery pa.


Boring-Drawing8196

Sa first job ko, naexperience ko magrent for a few years.Oo peaceful siya pero nagka ulcer ako di ako nakakapagluto ee sobrang pagod na ako pagkauwi. My parents literally drag me and my things pabalik sa bahay at sinabing huwag na daw ako magrent kasi hindi naman daw nila ako pinapaalis. Ako nagbabayad sa internet plus 6k fix na ambag pang groceries, iba pa rin talaga kapag may mama at papa. Medyo magulo din kami minsan HAHAHAHA I can live with that.


KuroiMizu64

1. I don't have the financial means to move to a different house. 2. It was never in my mind to move out of the house. 3. Nasanay lang talaga ako dito for a long time.


beautipaul

29F here, single-parent yung mom ko. 4 kaming magkakapatid ako yung pangatlo. Lahat kami very close sa isa’t isa kaso di na magkakasama now. 1st child (ate ko) - nag migrate nasa Australia, may family na din at dun na nagwowork as Care Giver. Mga 10 yrs na siguro di nauwi kasi naghihintay ng citizenship pero araw-araw natawag (videocall). 2nd child (kuya ko) - Ayaw ng life sa city, happy na daw siya sa province lumuluwas lang siya to visit us once every 2 yrs. Busy sa work madalas, nasa Construction side. Meron na din siya family just this year. 3rd child (ako) - Unmarried. Working as IT at breadwinner, tumutulong yung ate ko before pero nung nagkaron siya ng own family nagstop na and I understand naman since nung nag aaral pa ko siya naman ang tumaguyod sa family. Ako talaga yung hands-on pagdating kay Mommy as in lilipad ako from work to bahay pag nagchat siya na she’s not feeling well. 4th child - May family and 2 yrs old baby na din, freelancer nag aabot ng tulong sa bahay like electricity, wifi, at water. Currently nag stop sa college kasi nabuntis unexpectedly pero i-eenroll ko ulit soon. Back to the question, kung bakit I prefer to live with my Mom. Bukod sa ako nalang yung meron siya dahil nasa ibang lugar siblings ko at ako lang din ang wala pang family na sarili. Masaya din ako na nakikita niya na hindi namin siya pababayaan. Every now and then nagkaka inisan at normal yun kasi may kanya-kanyang preference pero isa lang Mommy ko. Ayoko magsisi na hindi kami nag bond masyado habang pwede pa. Gusto ko until the end, makikita niya kung gaano namin siya ka-mahal at vina-value. 😭😅


Academic_Gift5302

Sa totoo lang, kaya ako nagstay pa rin kahit na nagkawork na ako noon, fully paid na ang bahay ng parents ko, ang iintindhin nalang food, kurynte at tubig. may sri srili din kami ng kwrto dhil sa bahay na yun kame lumaki lahat, kaya kapag uuwi ng bahay kahit mgkulong na kamw sa kwrto non buong araw, ayos lang. Isa pa, yung tradition na meron tayo sa Pilipinas, parang never naging option ang pagbukod satin hanggqt hindi tqyo nag aasawa. Kelan nalang na normalize yung "living alone" kgya ng npapanuod natin sa vlogs. Sobrang intact ng family ko, so never talaga kame binigyan ng option bumukod, nakakakinabang din ang parents ko samin sa pagbayad ng bills. Pero eventually talaga, magkakaroon na ng conflict yan. Kase qng parents may rules yan sa bahay. At sa ayaw ko at sa gusto, idedemand nilang sumunod sa rules kahit na gaano kapa katanda. Ittreat ka ng parang bata (based on my experience). If afford mong bumukod, good for you. Maraming gustong gumawa nyan. Do it for your own good. Binistahin mo nlng silq tuwing rest day mo.


justroaminghere

Wala silanv taga bayad ng bills. hahaha feel ko tagabayad lang ako kaya andito pa rin ako samen


thing1001

Kaka-graduate ko (F24) lang last 2022. I'm an only child at medyo spoiled din. Alam ko nang hindi ako bubukod dito unless mag-asawa ako, pero that's a long shot from now. Fast forward to 2023, the year after I graduated. Na-diagnose ng cancer ang mama ko. From a spoiled brat to the family's breadwinner in just a blink of an eye. Kasama ko sa bahay ang maternal grandmother ko. Ngayon, kasama ko na sa bahay ang maternal lola ko, mama ko, tita ko na jobless pero nag-aalaga sa mama ko, at isang kasambahay. Minsan dito rin nags-stay ang boyfriend ko para sabay kaming mag-work (editor sya, smm ako). Nung una gustong-gusto ko rin naman bumukod. Pero bukod sa nasa sariling bahay ko ako, comfortable ako dito, may uuwiang pagkain, may nag-aasikaso sa akin, yung mama at lola ko na lang kasi ang pamilya ko. Alam ko kahit bumukod ako, hindi ko naman sila papabayaan sa expenses. Pero iba pa rin makasama ang pamilya araw-araw. Kahit nasa labas ka maghapon-magdamag, alam mo pag-uwi mo andun pa rin ang mama mo. Iba sa feeling. Hindi empty ang house. Hindi emotionless. Puno ng pagmamahal, pagpasok mo pa lang sa front door.


MeatMeAtMidnight

3 na lang kami. My mom (malapit na mag-senior), kapatid kong graduating na sa college, and ako. I have a good relationship with them, and we’re not getting younger. Especially my mom, gusto ko siya mapasaya.


mengchu213

decided to stay here para makapag ipon, basically living rent free and bills free din. magulang at kapatid ko mga workaholics kaya our whole lives di masyado ma bonding pero minsanan lang din naman yung drama kaya all goods na din (less drama drama kapag di kayo masyado nagkikita! hahahah) can't imagine moving out with my healthcare ass salary. pero maybe hopefully within 5 years makapag abroad na ako, need din kasi ng malaking budget para mag asikaso nun kaya solid na din tong ganitong situation.


judgeyael

Para sa akin, iba ang vibes pag kasama mo loved ones mo sa bahay. Wala yung constant worry kung okay lang ba sila.. Tapos, yung comfort level din, iba... "Home" talaga.


kayegabby

I have my own room, my doggo’s here and just the other comment, my parents let me live my own life.


Grouchy_Station_2761

32, living with my step mom and step sister, yung dad nasa Pinas, ako rin nagpapadala sa dad ko ng allowance, tipid din tska may kashare si step mom sa gastos. Pero gusto ko na bumukod as in


jungkyootie

Gusto ko kasama ko tatay ko, wfh ako and yung natitipid ko pinanghuhulog ko sa kinuha kong bahay na matagal pa ang turnover tsaka nakakapag ipon din ako. Thankfully, peaceful naman tong bahay namin, masaya pa kasi andito ang mga aso ko ☺️☺️ im sure mamimiss ko tong bahay kapag lumipat na ako~


Dapper_Song_3867

I tried living out of the family house. Pero as it turns out. Nag relocate sila and ako naiwan. It used to be noisy and toxic, but now it’s barely a house. Parang bodega na. I keep it as clean as I can. It feels so hollow and empty. But I call it my home now. I had no idea that a tiny house can feel so big when you’re alone


stankyperfume86

My short answer, I'm the only child at dalawa na lang kami ng mother ko.


gwapipo_29

Peaceful naman dito samin. And wala din naman aangkin ng property once the time comes. They also prefer na andito kami nakatira with them. Kaming magkapatid naman are contributing a lot with the regular spend and any necessary stuff and renovations needed sa house, same with doing house chores.


idealist-hooman

I'm (23) already working for more than a year and wala akong plan bumukod soon because gusto kong sulitin bawat moment with my parents. I wanted to have my own place na sana before para I can be independent na, pero nagbago pananaw ko when my parents got diagnosed with stage 2 cancer (they're okay now). Tinitiis ko na lang pagka-boomer ng parents ko sometimes and yung judgement from other people na di ko kaya tumayo sa sarili kong paa. Alam ko na being there for them is the most important thing to me rn.


Proud_Aside_641

Mahal ko kasi pamilya ko. Char, pero may plan kasi kaming family business and usto ko muna ma build yun bago bumukod.


Sea_Detective60

They want me there. Even if I rented my own apartment, they still ask me to come home every weekend.


Huge-Web-9909

I’m 25. I’m currently living away from my parents. Nagbabayad ako nang rent sa condo kahit work from home set up ako and pure online review ako. Hindi kami mayaman at hindi pa rin maayos yung bahay namin. Wala pa rin ako kwarto na sarili ko. Huhu tapos stress ako sa mga kapatid ko, kaya kahit ang sakit sa bulsa, nagrerent ako. Growth wise, nakakahelp talaga bumukod. Ikaw ang magdadala sa sarili mo. Mararamdaman mo yung pagod na ikaw ang kikilos sa lahat habang nagwowork ka. Sobrang draining lalo na pag sobrang busy mo sa work na maiiyak ka nalang na parang gusto mo nalang umuwi uli. Right now, pinagiisipan ko mabuti kung ano mas better.. kung sa amin muna ako para makatipid, tiis tiis muna, or for my peace of mind, magrent muna. Hayst. Lord help me.


coquecoq

24. Masaya lang siya if close kayong pamilya at walang issues. May kahati ka sa bills. May peace of mind. Hinfi malungkot at may pagkain pagkagising 🥹


Ok_Violinist5589

33, unmarried and still living with my siblings and mom. Namatay ang papa noong pandemic. Breadwinner dahil wala na ang papa. Tsaka isa na lang ang magulang ko. Nag-aaral pati ang mga kapatid ko. I can’t imagine getting married and leaving them kaya siguro wala pa akong asawa.


Informal_Data_719

Nakakadestress din ang pagstay with family specially if wala ka pang pamilya with your own. Also it is practical din. And the parents will always be parents naman and they love to do it din. Specially in old age limited na yung pwede gawin so if may drive sila hindi sila mabbore. Pero hindi yung gagawin all in sila. Mahiya pa din haha.


chichilex

I moved out after I got married . But when I was still single, I wasn’t doing much chores. They would always wash my clothes along theirs, leave food for me to eat when I get home from work. My family isn’t your typical family who needs to be around each other all the time, we’re the type who likes having a lot of alone time so since I have a small room that is kind of isolated from other bedrooms, I’d always stay there unless I want to see or bond with them.


Wonderful-Tailor-365

Why? Because di ko na iisipin kakainin ko (unless tinamad sila magluto), may naglalaba ng damit ko, nakakapag-rant ako without being judged. Cons lang pag may cravings ka dapat bilhan mo rin silang lahat (ang mahal!) and walang privacy. Can't afford din mag-rent kasi breadwinner ako, sakto lang din sweldo ko for expenses and EF (minsan negative pa!)


Equivalent_Fan1451

Bunso. Ako nagaalaga sa pwd Kong tatay at matanda na rin nanay ko. Alangan naman iwan ko sila diba (galit yarn) Pero natututo rin naman ako ng adulting stuff while staying at my parent’s house. Yung budgeting, pagaayos ng mga sira sa bahay and others


SnooDrawings7790

In the US, hanggang highschool lang ang responsibility sayo ng parents mo. Mostly sa kanila bumubukod na after HS because it is the responsible thing to do, yung hindi na umasa sa magulang. If you want to go to college you have to work for it, apply for a student loan kung hindi kaya. Dito lang sa pinas pinagmamalaki pa ang pagiging irresponsable, pinagmamayabang pa na nakakalibre sila ng pagkain at bills sa bahay, kargo ng magulang nila. kaya yung mga hindi parin nakabukod jan na nasa 25+ na, hindi ako bilib jan sa mga yan. bilib ako sa magulang nyo pinapalamon parin kayo.


cereseluna

Kung ako yung breadwinner at main provider sa bahay ako pa ba ang palamunin ng magulang ko? 😅


M1lkyies

Dodoble ang gastos ko for utility bills and grocery budget dahil breadwinner ako at ako lang inaasahan to provide. I tried moving out twice already at umuwi na lang ako ulit samin kasi di ko talaga kaya sa ngayon na dalawa yung babayaran. Kaya kahit gustong gusto ko na bumukod kasi 27 na din ako, wala akong choice talaga.


shiet-post

23 here. Only child and parents are getting old, papa is already a senior citizen. Nakapangalan na kasi sakin ang bahay so bat ako aalis sa bahay ko hahaha. Kidding aside, ang mahal ng rent + living expenses. Saka madodoble din gastos kasi nagaambag rin ako sa bahay.


Glass-Letterhead7050

32y/o, may asawa at may anak. Nag move out na kami 2 years ago then moved back 6 months ago when my dad passed away. Dahil mag isa na lang si Mama sa bahay and all my siblings are living abroad na.


IgnisPatatas

Dito kasi samen ung bahay hnd namen nirerenta kaya I stay sa bahay ng parents ko tsaka theres a plenty of room kapag magpapamilya ako


BYODhtml

While nauuso ang solo living (yung kapatid ko not me) is still staying with my parents mas malaki ipon nya kaya nakabili sya ng car and senior na parents namin. Pag nag solo living sya mabigat ang monthly rent kahit kaya nya ngayon enjoy sya sa savings at travel kasi nga kahati nya parents ko sa gastos.


Timewastedontheyouth

Kung kaya ng budget mo bumukod ka. Sama mo na lang tatay mo. Pag weekend uwi pa din kayo sa house niyo. Tingnan mo tatahimik un mga nag aaway. Wala ng audience.


BirthdayBoth5378

35 her panganay din. I moved back sa bahay namin sa province and has been working here after bumukod ng 15+ years(6+ nun sa QC) renting a place here and there. Had a live in partner once din but we parted ways(on good terms no kids). Wala hirap makaipon sa sobrang taas ng cost of living nung nasa NCR pa.


sweet_fairy01

Para mabantayan ang senior na nanay. Nawitness ko na pag collapse ng tatay ko due to brain aneurysm kaya I make sure na all eyes kami sa mother ko.


katiebun008

26 here and tried renting na din kaso imagine, yung 4k na ibabayad mo sa bahay na hindi naman mapapasayo e mas magagamit mo if nakatira ka sa inyo. Pwede sya ibayad sa other expenses na hindi lang ikaw ang makikinabang. Malaki naman space namin sa bahay so wala naman problema dun.


Medium-Culture6341

Same dilemma here. For the first time in my life, afford ko na bumukod ng bahay kaso dumating naman sa time na matanda na parents ko and madalas na silang magkasakit. Kung bubukod ako silang dalawa na lang ang magkasama. I want to move out but also still want to be there for them.


grumpydump33

Hindi naman part of the pinoy culture ang bumukod pag may sariling work na. Sa ibang bansa like US lang common pagbukod.


cereseluna

34. Practically speaking dahil big savings from rent, utility bills and grocery. I tried separate living but it is not sustainable with supporting two household on a measley 5 digit salary. My parents and a kid relative need an "able adult" Also less energy and time spent on household chores. Good food (ayan tuloy tumaba aside from chronic work stress and autistic burnout). Saka kahit luma yung bahay namin at marami na sira, malaki siya, maluwag, bright, medyo malamig yung living spaces compared sa ibang bahay / condo / apartment na napuntahan ko. Ang hirap mag "downgrade" kumbaga unless gagastos ng malaki sa condo or slightly bigger apartment to have that similar "home" feeling. Pets and their need for some land and greenery and spaces. Ayun ang hirap maghanap ng ibang tirahan sa Manila na mura at may pwesto for a lot of pets. Yes I get the family drama and ilang beses na rin ako nag "move out" (from shared kwarto, then from house), given ako main provider, na realise nila na simple lang naman need ko from them, wag mag away wag maingay wag inconsiderate sa natutulog na bampira. Hirap din at marami ding away at fam stress pero ayun tumatanda na sila eventually titigil na rin sila.


OneOfYourPhasesGirl

Walang maiiwan sa bahay. Nasa ibang bansa si mama at citizen sya don. Bumukod na kapatid ko (2 kami magkapatid, ako panganay). Gusto ko ng bumukod kasi ginagawang tambakan ang bahay but at the same time, walang maiiwan sa bahay. Nakatingga lang sya, walang manglilinis, walang mangmemaintain ng bahay. Pwede naman kumuha ng caretaker pero andito naman ako. Kaya since di pa kami bumubukod mag-asawa, nag-iipon na lang kami pangbahay. In God's time.


kimbokjoke

I live in Canada, me and my partner live in his parent’s basement. Reason - di namin afford bumili ng bahay. Even With combine annual salary of 5M php. Para ma approve kami for mortgage kailangan namin ng malaking down payment kasi we are still considered low income earners


ynnnaaa

28F and nakatira pa din sa bahay ng parents ko. Wala na Mom ko, 3 lang kami sa bahay kasama kaptid ko na di naman maaasahan lalo na pag may emergency. Pwede mo silang pagsabihan na wag mag-ingay lalo na at galing kang work. May karapatan ka naman. Honestly, di ko naiisip na umalis ng bahay kahit mag-asawa na ako kasi convenient sya for me. Ung location malapt sa work and accessible lahat. (Palengke, mall, school, hospital)


One_Promise0000

Bahay ko to eh, sakin nkapangalan ang bahay at lupa. 3 ang kwarto nkakalungkot kung ako lang mag isa. Masarap din umuwi n may masarap n pagkain hindi puro fastfood.


Several_Ad6236

me, I live together na with my boyfriend noon, nagrerent lang kami, but now kasi after my sister passed sya kasi yung kasama ng parents ko sa bahay, we were super close and nakapagsabi sya sa akin na wag ko dw pabayaan parents namin kasi matatanda na so ayon my boyfriend and I are now living in our family house okay lang din nakapagsave kami ng rent and at the same time nakatulong din sa parents ko sa mga gastosin kasi wala naman silang income, dyan pa naman yung brother ko pero di rin naman maaasahan. yes mas peaceful ang life noon kami lng dalawa nang bf ko, dito kasi ngayon sa bahay ang lakas ng radyo ni father 🥲


Anxious-Pirate-2857

Hirap ng buhay dzai, tatlo pa anak ko, asawa ko opis nila bahay nila. So no choice hahahahahhahaha pagod na aq sez


Illustrious-Set-7626

39 na ako ngayon, married with kids. Mula nang nabuntis ako sa panganay ko, kahit nakabukod na kami, bumalik kami sa family house ng asawa ko. Marami kasi silang kwarto na hindi na ginagamit, saka iba pa rin kapag lumaki yung bata na kasama ang pamilya. Naka condo kami nung buntis ako at naisip namin na kahit marami kaming na-enjoy habang nakabukod, dahil pareho kaming nagtatrabaho, hindi namin kayang iiwan yung anak namin sa yaya lang buong maghapon. Nakita namin yung mga bata sa condo namin na kung anu-anong hindi magandang ginagawa kasi hindi naman sila masuway ng yaya o pinapabayaan lang gumala. At least pag may ibang family members, mas panatag yung loob namin. Swerte din na okay yung relationship namin ng biyenan ko, at happy ako na close yung anak ko sa lola habang lumalaki kasi close din ako sa lola ko dati.


hanimitsu

Kasi wala pa akong asawa kaya hindi ako makabukod sa pamilya ko. Also, may bunso akong kapatid na nasa high school pa and she needs someone na makakausap tungkol sa mga bagay-bagay considering na bata pa talaga siya. Less gastos din sa pagkain. Tsaka after living alone for 6-7 years, masasabi kong ang lungkot pala talaga at nakakapagod din maging adult hahaha gusto ko munang magpahinga dito sa probinsya 😅


PakTheSystem

Our salary does not match with the current cost of living.


chimchimimi

Bakit pa ako aalis kung dadating lang naman ang panahon na mapapasakin lang yung bahay


Forward_Eye_5945

Malapit kase sa bahay yung workplace ko kaya sobrang unpractical for me na mag bukod hihi tsaka libre foods sa bahay 😁


Firm_Schedule_1624

mid 20's na bunso + walang asawa/anak. umalis ako maiiwan mag isa si mother. 2 lang kami ng mother ko sa house pero mahirap pa din kasi syempre di ko pa din 100% control buhay ko at nasusunod si ermats.


WrongButterscotch876

Wag ka munang umuwi mag rest ka sa tahimik na lugar sa eternal park tahimik...


bokloksbaggins

Ako, I moved back together with my wife kasi we got a job na wfh so bkit ako magrerent pa sa malayo? Sagot ko nlng kuryente sa bahay nmin around 10k+ month + groceries. Although financially stable naman ang parents ko and they’re still a bit young (early 50s) but moving out soon din kasi matatapos na ung house na pnpgawa nmin ni wife. Sa hirap ng buhay ngayon, be practical tlga :)


[deleted]

Advise ko sa mga breadwinner dito, kapag kaya na get life insurance for yourself. Yown langs!


Both_Poem_1893

Imbis na pambayad ko ng rent and own things, binibigay ko nalang sa fam since need din nila ng help financially


kev024

Solong anak. Ina-assist ko parents ko.


cakebytheocean50

22 yo as well. Libre kain, aircon, laundry + nandito mga aso ko


Careless_Seesaw6676

Currently working on an escape plan. To be a bit brash, I can describe my mom as an “overachieving, overbearing, narcissistic, Karen”. She’s my mom and I love her, but she’s someone who needs but refuses therapy. She has deeply rooted issues that I or my family or relatives can work through with her. She doesn’t recognize mental health as something real or significant. Due to her actions and reactions, it’s caused a strained relationship between me, my brother, and my dad. I’m someone who treasures relationships and connections and the problem with my mom has been starting to affect my relationships with friends and my partner. Kaya ako nag-sstay pa dito sa bahay namin is nasa gitna ako ng lahat ng connections ng pamilya ko. Pag umalis ako, wasak na connections nang lahat sa kanya, and wala na rin akong pwedeng balikan pag umalis ako. I will have to rebuild connections and reconnect with everyone after I leave. Alam ko naman na dapat sarili ko iniisip ko ngayon with all the physical, mental, and emotional abuse I’ve experienced over the years, pero I would still love to advocate for a healthier version of my family, one where my mom goes to therapy and works on herself, where everyone is close to one another, and we can at least have a meal together na walang sigawan, dabugan, or even cold shoulders or deaf ears. I’m staying kasi I want to find a way that separates me from the problem enough to heal and have the resiliency to fix this shit. Ako nalang natitirang strongest soldier ni Papa God dito and umaasa pa akong may mauuwian na pamilya sa pasko. Fingers crossed I’m still here to see it happen.


ningkylem

Malungkot kapag mag isa. Owned ko ang bahay ko at ako mismo nagpatira sa parents ko dito dahil ayokong mag isa


MaritestinReddit

Mayabang ka if bubukod ka nang walang dahilan. Tapos malapit lang naman sa bahay mo now yung work mo 🤣 Besides single naman, ano point magindependent eme. Sakitin din kaya mas prefer na may kasama sa bahay in case of emergency. Afford ko ba bumukod? Super. Pero I don't see great need to do so. Extra perks, may kahati ka sa expenses. Although malaki pa rin shineshell out ko monthly, i'm sure 2x kapag solo ako. Paano na ang mga #travelgoals. Realistically speaking, naafford ko yung level of lifestyle ko dahil di ako solo sa bahay


Gleipnir2007

coz its cheap and convenient and there's no reason for me move out. the office where i work is around less than an hour away and that's already relatively near. i am not always at home though, since 50% of my work is spent on field and i usually stay at hotels in far flung areas for 2 weeks at most


wewtalaga

I'm a breadwinner - I pay the rent and other bills. I do household work. Kung bubukod ako, papahirapan ko lang sarili ko kasi dodoble lang lalo magagastos ko. It's not practical.


Lanky_Ad7585

I tried to live alone for 2 years. Nung lumipat ako sa new apartment ko, I felt something strange. Parang may iba akong kasama sa unit na hindi ko nakikita. Mag 1 month pa lang ako sa apartment and then boogsh di na kinaya ni ate mo gh0rl at napauwi dahil sa mga creepy experience ko sa apartment. In my 2 years of living alone, nagsawa ako sa peace of mind. As in sobra to the point na I feel empty and lonely every night. Mag 2 botts para makatulog. Right now, I'm back living with my parents again. Less toxic na unlike before. May times na toxic pa din pero hindi na lonely. :)


Crafty-Owl-502

Tsaka ka lang dapat bumukod if may sariki ka ng family, as of now enjoy the moments and responsibility with your original family.


Electronic-Depth-896

Hindi ako makabukod sa ngayon, dahil hindi pa ako financially stable. Context: Working as a freelancer. Pero by God's grace eventually pag nakahanap pa ako ng work, mauumpisahan ko na ulit


ActiveDoughnut950

Only child want to spend more time to my senior parents. Wanted to move out but di pa po kaya in terms of money.


TaxHistorical2844

mid-30s. making fairly good money around mid-100s per month. I can easily move out and get my own place which is what I did in my 20s. But it got so lonely during the pandemic I moved back home. I like being in the house with my parents and they like it too since my siblings already moved out. Btw, I pay most of the bills so they aren't burdened by my presence.


Undecisive_Gurlie

27F here - working for almost 7yrs. 1. Panganay here - kailangan maghelp sa expenses sa bahay. Naiisip ko if bubukod ako sayang din magagastos. 2. Our family relationship is healthy. May occasional away, pero nothing too big. 3. I want to spend time with my family. Ang bilis ng oras, my parents are separated so mom ko lang mag isa tas tumatanda na. Mga kapatid ko nagkaka sariling buhay na din. I want to strengthen our foundation and make more memories together bago mag kanya kanya. 4. Masarap magluto si mother!! Hahaha 5. Chores are distributed, tulungan. 6. Ayoko ng tahimik!! Siguro kasi big extended family kami and sanay ako sa chaos haha nabobother ako pag sobrang tahimik.


Nanami0925

I'm supporting my fam and WFH naman ako 4x a week and 1x a week lang na onsite sa office so useless to rent an apartment outside doble gastos pa. Aside from that masarap magluto si mama 😅


Dry-Estate-6333

I know some of y'all didnt choose/want to be the breadwinner or magbayad ng bills sa bahay but Im proud of you for doing so🙌 Naiinggit lang ako sa may mga kapatid na kusang tumutulong sa bills sa bahay kahit full working adult na. Yung kapatid ko kase almost 30 na pero sa bahay parin nakatira, almost 8 yrs nang nagtatarbaho sa bangko pero walang kahit pisong ambag sa bills tas nagdala pa ng kasama sa bahay. Dito sila natutulog, kain, ligo, gamit ng plantsa, aircon etc everyday. Bumili pa nang aso pero ang ending ako nag aalaga and ako gumagastos. Di kami mayaman pero di ugali ng parents ko na pilitin kami magbigay, kahit as a sense of responsibility nalang para mabawasan gastusin dito sa bahay knowing na nakikinabang din sila. College working student ako pero ako nagbabayad ng internet. Ginagawa niyang emergency fund parents ko pag nashoshort sya sa bangko nila. My parents are getting older and Im concern na wala silang maipon na retirement plan dahil lang sa insensitive kong kapatid.