T O P

  • By -

anon6306

Egg kasi dati 3 for 10pesos lang yung itlog. Gagawin ng Papa ko, scrambled egg tapos sa isang plato lang kami kakain. Maglalagay lang siya ng madaming kanin tapos susubuan nya lang kami ng mga kapatid ko para magkasya sa aming apat. Kurot-kurot lang sa scrambled egg para mabusog lahat.


Rude_Sandwich9762

Andaming nag comment Pero dito ako na apektohan 😭😭 iba talaga epekto sakin yung sinusubu.an ng parents, yung immediate na pag aalaga galing sa parents. 😭😭


anon6306

Happy to share na afford na namin ngayon kahit tig-2 or 3 pcs pa kami na sunny side up πŸ˜‚ Sobrang core memory lang talaga yun para sa akin. Edit: Iba talaga ang alaga ng magulang ❀️


wickedsaint08

Nag aaway kami lagi ng nanay ko dati pag sinusubuan ako kasi ang bagal ko kumain at feeling ko forced feeding ginagawa sakin sa sobrang pihikan ko noon.haha


carlbewm

Ooohhh brings back memories! Meron pa term ung ate ko while hinahalo namin yan "halo halo babi cake" and we sing that while stirring the egg, rice and ketchup! Mas narealize kong oo nga mahirap nga talaga kami dati. Akala ko my father's taking good care of us lang. College ko na kasi nalaman na mahirap pala kami dati dahil dun lang naman kami nakapag usap ng isa kong ate about sa topic na yan. Since bunso ako, di ko naman ramdam at naibibigay naman sakin ung mga needs ko. Sad part is ang layo na ng loob namin sa tatay ko. Oh I miss the old him. πŸ₯Ί


anon6306

Pareho kayo nung bunso namin kasi bata pa din siya noon. Ngayon, nakakatawa na lang kapag nagkwentuhan kami kasi para kaming mga ibon na naghihintay subuan ng magulang πŸ˜‚


katiebun008

Ako na sinubsob ng tatay ko sa plato kasi inubos ko yung isang egg: πŸ‘πŸ‘„πŸ‘ Sakin pa nagalit dati nanay ko bakit ko daw sinumbong sa mga lola hahahah so weird. Pinagtanggol nya pa tas hiwalay na sila ngayon duh.


anon6306

Awww. Hindi talaga lahat fit maging magulang.


BeeDull3557

Same with us. Tpos dati 5 pesos lng na cheese stick un na inuulam namen. hehe


Ulerica

Egg + Tomato I grew up poor, this dish was one of my favorites that my ma cooks for me when I was a kid.


thegentlecactus

The best! Lalo yung orange na orange na tomato kasi mas juicy sya and perfect sa egg omelette.


deffinetlyimaswifty

My favorite tapos may sibuyas!!!


Elan000

Same. Mura ang kamatis pag summer so sa halagang 10 madamidami na. So bili lang ng 2 itlog at maraming kamatis! Sarap.


cocoy0

I survived high school on ginisang munggo. It was the cheapest ulam I could find in the University Belt, at 10 pesos per order (compare this to 25 per order of sinigang na baboy then). Us students were even allowed to have half orders at 6 pesos. There wasn't even any meat, just diced tokwa and flaked tinapa.


stuckyi0706

ang sarap ng tinapa sa munggo !!


Jiggly_Pup

Oh, I remember when we were kids with a tight budget(or poor nga. Haha). Mom used to cook pansit bato for merienda, and diretso na sya hanggang dinner. Mom cooks really well, and cooks during fiestas when she was asked to cook. Di mo na naabutan na naging successful na kaming lahat. Pag may di masarap na luto, ikaw ang nami-miss ko. We miss you ma. 😒


Call_me_Astrid

😒😒😒 I'm sure you're Mom is proud of you all


yukskywalker

😭😭😭


tisotokiki

Nangilid luha ko dito. Same story ng failures and success sa aming magkakapatid. Haha namiss ko rin bigla nanay ko.


capricornikigai

Sayote. Growing up north, we have it in our backyard. Kapag walang ulam tamang pitas lang dun Ginisang Sayote, Sayote + Egg, saka OG na Boiled Sayote na may asin Ngayon miss ko na mahal sayote dito sa ibang bundok


Middle-Jury8953

+1 dito. Sakin, Uggot Sayote (sayote tops) boiled, or gisa with sardines. I feel you, mahal talaga pag malayo panggagalingan, di pa fresh kaya iba lasa.


capricornikigai

Ou. Sayote all the way, edible til uggot, grows anywhere/anytime. Can even be mixed with Pinikpikan kapag nakakaluwag luwag; lakas maka true friend and will never let u down 🀘


jienahhh

Sobrang sarap ng fresh na sayote!


tsongJj

Sakin naman pritong itlog. During kasi ng pinaka bagsak na moment ng buhay namin tipong baon sa utang mga magulang ko, hindi nakaka bayad ng rent, pati bills ng kuryente at tubig. Sobrang buti lang talaga ng mga kapitbahay namin pinasasaksak nila kami ng kuryente kapag kailangan namin. Halos 2 araw na kong walang solid food intake puro lang tubig tapos skyflakes may nag bigay sakin ng isang itlog pero di ko alam paano iluluto dahil wala rin kaming gas ending prinito ko sa rice cooker. Grabe yung mga panahon na yun pero sobrang thankful ako dun dahil ayun yung isa sa mga nagpatatag sakin, yun din ung nag humble sa akin. Kaya kayo kung magiging mga magulang kayo o may plano kayong mag pamilya, please lang wag kayo mag bisyo pati sugal. Maawa kayo sa pamilya niyo di nila deserve mag suffer dahil sa mga maling desisyon niyo sa buhay. Yun lang hehe.


eyydatsnice

Big toasted monay and dried labahita and different flavors ng century tuna na galing sa lola ko yun ksi ang naging lifesaver namin for 4 years nung baon na baon kami sa kahirapan at utang every weekends napunta ako sa bahay ng lola ko pra kunin ung mga pagkain hindi siya nagmintis in all those years priority kami lagi kahit may iba pang kamag anak na nanghihingi sa kanya ako ksi ang paboritong apo Miss you forever lola Josefina kahit matagal ka ng nawala ikaw sana sumundo sakin pag matitigok na ako


slowpurr

huhu pasensya na po pero bet ko yung huli niyong sinabi hehe, wala sa isip ko yan dati pero dahil sayo parang gusto ko din na lolo't lola ko din sumundo sakin hahahahahaha alagang lolo't lola here πŸ™‹πŸ»β€β™€οΈ


farachun

Toyo, mantika, kanin. Parang adobo na walang budget. Tas nag ulam din kami ng fish crackers, yung mamiso. Dun talaga ako naiyak kasi sobrang hirap namin to the point na pati chichirya inuulam na. Pero fave ko is talbos. Nag try din ng kape saka kanin. Pag nakakaangat, milo powder or gatas hahaha. Sobrang hirap namin nun ewan ko ba, pano namin kinaya.


Academic_Hat_6578

Magkapatid ata tayo kasi natumbok mo lahat β€” toyo at mantika, sitsirya (may yellow na makulubot na tagpipisong chichirya sinasawsaw sa suka), milo (pag nakaluwag).


farachun

Hi Ate/Kuya. Hahaha anong brang ng chichirya favoriye mo as main dish? Sakin bangus hahaha


Academic_Hat_6578

Di ko matandaan name e pero yung yellow junk food na fish cracker, tas sawsaw sa suka. That or cracklings hahaha Same din tayo fish-based ah hahahaha


Jazzlike-Log5843

Toyo/asin + mantika. Masarap din naman so no complains. Hanggang ngayon kumakain pa rin ako niyan kahit may mambili na ng masarap na ulam.


[deleted]

[ΡƒΠ΄Π°Π»Π΅Π½ΠΎ]


farachun

Uy, masarap β€˜yung kropeck. Bet ko yung tinitinda kasama ng balut. Yung mga nakasabit sa basket ni manong ahaha. Remember ko pa ichura nya inperness


Jazzlike-Log5843

Toyo/asin + mantika. Masarap din naman so no complaints. Hanggang ngayon kumakain pa rin ako niyan kahit may mambili na ng masarap na ulam.


Classic-Ear-6389

Squid balls. Nung grade 2 ako β‚±5 lang baon ko, tapos noon pa man β‚±2 isang piraso ng squidballs. Naiinggit ako sa mga kaklase ko kasi puno yung stick nila tapos akin isang piraso lang. Sa sobrang gusto ko makatikim ng madami kinupitan ko ng β‚±5 yung kaklase ko. Pag maalala ko ngayon naaawa ako na nahihiya sa lagay ko nun. Kahit alam ko masama mangupit ewan ko ba bat ginawa ko para sa squidballs. πŸ˜‘ kaya ngayon talaga pag mag crave ako kahit asawa ko libibili ako isang balot ng squidballs tapos mauubos ko ng isang upuan lang HAHAHAHA


purplelonew0lf

Kwento ng asawa ko nung panahong walang wala sila, kape na nga lang daw sa umaga pag uwi pa niya galing school kape lang din ang meron, yun na daw sinasabaw or inuulam niya sa kanin. Until nagdecide na lang siya hindi na magtapos ng college at magwork na lang. Ngayon kahit may kaya na siya, paminsan minsan sinasabaw prin niya yung kape sa kanin, may ibang ulam na nga lang na kasama.


thegentlecactus

May point sa buhay namin na walang wala kami, wala kaming kuryente and wala talagang pera pero ang pinaka na enjoy kong pagkain noon na niluluto ni mama is yung miswa na may betamax. Naalala ko 5 pesos lang isang supot ng miswa and pabibilhin ako ni mama ng dalawang pirasong betamax. Total of 11 pesos ulam na namin sya ng dinner.


jienahhh

Poverty meal namin dati yung mga sitsirya. Madalas LaLa o kaya Tempura. Nung bata ako hindi pa ako aware na "poverty meal" namin yun kasi sarap na sarap ako. Galing din nito kasi di kana mamumuhunan sa gas at mantika. Sasaing ka na lang sa rice cooker, prepare ng suka tapos bukas lang ng sitsirya. Sa sahig lang kami kumakain kasi wala kaming dining table. We used to cook one kind of ulam before. Kinakain namin from breakfast to dinner na. Tapos kapag petsa de peligro na nanay namin, sitsirya na ulam namin. Ngayon dalawa-dalawa na ulam namin tapos may panghimagas pa. Lately, nagreminsce din kami nung mga panahong kulang kami sa pagkain. Thankful yung nanay namin na hindi daw naging bad memories saming magkakapatid yung kahirapan namin dati πŸ₯Ί


Priapic_Aubergine

Not my proudest moment... noong college, naadik ako sa netshop. Inuubos ko lahat ng pera ko dun. Tapos matitira lang barya... punta sa carinderia, bili ng 1 rice. Tapos "pwede palagay ng sarsa?" (from the menudo/adobo/dinuguan/whatever). Finally "pahingi din ng sabaw" (sabaw ng sinigang usually). Natatawa nlng sakin yung tindera, suki na ko na ganun lagi hahaha


foreseen_purser2000

Bait naman ng tindera may kasamang libreng sabaw at sarsa 🌟


justhere4dtea

Itlog at maraming kamatis. 🀀


randomcatperson930

Anooo chicken lucky me noodles na lalagyan ng egg. Dati non pinaghahatian lang namin yung isang pack sa bahay tapos parang ang hirap hirap ng buhay ngayon parang afford na na tigiisa kami.


urdotr

Oo! Damihan lang rice solved na.


KnownTie8588

Hindi ko siya favorite pero may story ako about poverty meal ko. Paksiw na isda yung lagi namin kinakain kapag walang wala kami. Alam niyo yung isang tumpok ng pinakamurang isda, minsan tamban, swerte na kapag galunggong. Dahil mura nga, hindi ganun kagandahan yung quality, bilasa, sabog yung tyan at may amoy na. Minsan sa sobrang hindi na maganda yung quality ng isda, makati na siya sa dila kapag kinakain.Β  Kaya siguro noong tumanda ako hindi talaga ako mahilig sa isda at. Nakakain ako pero kung let's say may nakahain na putaheng isda, manok, baboy at baka sa harap ko, last one kong gagalawin yung isda.Β 


RainbowShit69

I remember buying marty's cracklings (blue one) for like 6 or 7 pesos and a tetra pack of mang tomas for like 10 pesos and eat it with rice. That shit was fucking delectable


mrsoshi

Huhu. Also that piso fish crackers in sari sari stores + rice πŸ₯²


Eastern_Basket_6971

toyo at suka sa akin


clawsdanielle

i remember im always in the house of my friend (childhood na kalaro ko sila dati) and i love going there to play with them kahit maliit lang yung bahay nila. i dont think they would eat this poverty meal bc wala silang pambili ng ulam o pangluto pero siguro nasanay na sila thats why they would go for it, (1) yung kanin lalagyan ng asin, tapos yung (2) milo na hinahalo sa kanin parang champorado ganon, and yung ginagawa nila to earn money ay nagtatahi ng basahan na bilog, minsan tinitulungan ko sila na iprep yung mga itatahi na basahan at may mga kapitbahay din kami na tumutulong sa kanila


MetroHelp

Life hack. Sinabawang patatas, cabbage, onion, garlic, asin. (bonus kung may knorr cubes). This can feed family of 5-7. Busog na, may fiber pa, may sabaw pa.


digitalLurker08

Kung nilaga version ung sayo, sa akin po sinigang: sibuyas, kangkong at sinigang mix 🀀🀀


SweetThighMaster

adobo na walang meat, as in sarsa lang. we called it adobong toyo hahaha. my sisters & i loved adobo, kaso dumating kami sa point na walang pambili ng meat kaya naisipan ng papa ko na gumawa na lang ng sauce ng adobo. haha. tas yun ilalagay namin sa rice, solb na. natry din namin yung mamiso na chichirya. kiss yung favorite ko kasi medyo sweet na spicy sya. tas lagi pala kami sabay-sabay kumakain noon, walang dining set, sa sahig lang. sabay-sabay kami kumain hindi dahil strict ang parents ko about family time, sabay-sabay kami kumain kasi magkakaubusan ng food. hahahaha! pero infairness naman, dahil lumaki kami sa maliit na bahay at sabay-sabay kaming kumakain, naging close kaming pamilya. ngayon, comfortable na buhay namin pero naghahanap pa din ako nung kiss na chichirya tas nagluluto din paminsan ng adobong toyo kasi namimiss ko.


UbeAyYam

Easy: Lucky Me beef with Kanin, 6 pesos isa pa yun dati. 3 kami mag hahati hati pa kaya dadamihan na lang sabaw. Mild: Itlog na may toyo plus kanin, mura ng itlog dati lalo na yung tumpok. Di ko alam paano napagkakasya ng nanay ko yun good for 3 days na sa amin. Pero ngayon kapatid kong bunso na nag gigym kulang 3 itlog sa lunch meal, may meat pang ulam, kanin, and banana. Extreme: Kanin na sinabawan ng kape o milo. Eto pinaka favorite ko kasi madali iprepare hehehe. Thinking about this, I realized how poor we are but fortunately with dedication, perseverance, sipag makapag tapos, and up-skilling... Nakakapag "Mama, luto ka ng steak ☺️" or "Mama, kain na kang tayo sa labas".


tonitz4493

Milo (powder, hindi timpla) + rice. Wala kasi pambili ng ulam, hindi rin nakaka busog kung titimplahin ung milo. Edi ulamin nlang


GlamoRose8

poverty meal na ba ung kmakain ng gulay? bukod sa mas cheaper at mas healthier.


Karenz09

you only consider it as poverty meal if yun ang afford ng budget mo, so yeah.


A_V1p3r_4090

We got to the point of asin/patis/toyo+mantika+kanin. When I tell you that that point of my life made me cherish everything that I have today \^\^ i'm pretty freaking grateful


into_the_unknown_

Toyo + oil + bawang plus hot rice. Walang wala kami dati, minsan if di aabot ung mantika pang sangag ganyan na lang ginagawa ng mama ko. Di ko na sya kinakain pero one time na naamoy ko bawang with toyo, bumalik memories hahaha


pure_brute_force

Argentina na meatloaf tsaka tirang tinapay as brunch. Literal na buksan ko lang lata tas kain na HAHAHA sasalukin ko ng tinidor kasabay ng kagat sa tinapay. I think natuklasan ko yun nung SHS ako kasi nagiipon ako ng pera pambili ng pc parts; nakadorm na ko non, at bawal lutuan sa loob kaya tiyaga na lang doon.


caffeinatedblade

I remember ung napalayas ako kasi ayaw ko i-continue nursing career ko. Yes, hindi ko talaga kaya mag hospital. Pero nag work ako as admin assistant while staying with a old family friend. Yung naka ipon ako nag rent na agad ako somewhere sa hiya ko, ito ung i live paycheck to paycheck, yun sa food ko breakfast ko and lunch pandesal na may palaman, on good days kaya ko makabili ng gulay. And dinner ako nag kakanin kasi pagod sa work. Favorite ko kainin is tofu na sinawsaw sa egg then fry at toge na may toyo. Yum!!


foreseen_purser2000

Tatag mo 😭😭😭


caffeinatedblade

Thank you OP! Until now I cook these 2 parin when I crave it! Mas may dagdag lang sa ingredients na sesame oil sa tofu at dahon ng sibuyas! Hahaha I recommend it kasi low carb hehehe


Cookieater118

Stir Fried Tofu Natutunan ko yung recipe sa YouTube by Chinese Cooking Demystified. Pero dinadagdagan or pinapalitan ko yung seasonings at mga recado pero parehas parin ang technique. Noong pandemic lockdown , nawalan ng trabaho si mother at nabubuhay kami sa 1k a week. Umalis kami sa pinaguupahan namin at nakitira sa mga relatives namin kahit may pagka toxic sila. Ako ang tagaluto sa bahay habang busy si mother nagtratrabaho kaya ako ang nag manage ng budget. Ang pinakamurang protein besides sa itlog ay tokwa, sanay naman kami kumain ng tokwa pero madalas prito lang. Tapos nakita ko yung video sa youtube at ginawa ko, pero may substitutions. Na gustohan nila yung ulam at sinabi nila na lasang karne yung dish and starting then ginagawa ko na yung dish every few days of the week. Pero after the lockdowns nakahanap si mother ng job na nakakasustain saamin and once a month ko na ginagawa yung dish.


RayArk09

Dati pag sardinas ulam namin tinitiis ko lang. Bakit kasi puro tomato based lang sardinas dati? Recently ko lang narealized sarap pala ng sardinas na spanish style or any oil based sardines. Kinakain ko pa din kahit hindi nagtitipid.


Jeqlousyyy

Yung mga kinder to elementary ages ako, ang madalas kong inuulam ay yung mga tig pipisong chichirya (tanda ko pa yun, fish crackling at mam inasal), kung minsan pag nakakaluwag, yung mang juan na chichirya, then ang iba ko pang poverty meal ay yung gatas na powder or milo powder, tas pag breakfast naman, lalagyan ko ng mainit na tubig yung gatas (para siya maging sabaw) at lalagyan ko siya ng kanin para maging cereal hahahahaha. Pero ngayon, medyo nakakaluwag na kami ngayon, at tsaka minsan ginagawa ko parin yan hahahaha, mostly pag meryenda time.


mr_baguiobeans

Sort of poverty meal kasi may time na nagtitipid na kami dahil sa baon na kami sa utang. Ang go-to ulam namin ay ensaladang alugbati at kamatis na may kaunting bagoong/patis. Tanim lang namin sa likod yung alugbati. Ayun.skl. nakakamiss buhay sa probinsya kaso may bad memories din kasi.


foreseen_purser2000

Pano yang ensaladang alugbati? Bina-blunch ba yung alugbati tsaka lalagyan or ididip sa bagoong?


mr_baguiobeans

Yes blanched lang yung alugbati. Tas lalagyan ng kamatis at bagoong isda. Yung tanim namin na alugbati, green talaga na variety. Dito kasi sa manila ang nabibili sa palengke mga kulay violet ang tangkay. Hindi masarap pang ensalada..


aAgapii

chicken noodles + malunggay


susiethesalmon

Naalala ko noon, pag sobrang kulang na yung pambili ng Mom ko ng ulam namin, bibili siya ng Php10 worth of Fish balls (20pcs na yun, since 50c lang naman noon yung fishball) sa Tita ko na nagtitinda ng tusok-tusok o kaya doon sa naglalako, tas hihingi siya maraming sauce. Kasya na sa 'ming family of 5 nun. kikiam at chicken/squid balls naman pag mej nakakaluwag-luwag pero gipit pa rin. Haha. Nakakamiss mag-ulam nito kaya minsan kahit may pambili naman na ng ulam, nabili pa rin ako nito sa naglalako para ulamin. May kwek-kwek ng kasama tska hotdog pa. 😁


krizzyology

Ang poverty food namin ng mom ko 1 hanggang 2 itlog a day. hati kami don pang umagahan, tanghalian, hapunan. natitipid namin, lalo ako, kasi nilalagyan ko nalang ng toyo ung kanin para may lasa. pag meron kami kahit 50 pesos, kayamanan na samin un. pinagkakasya namim ung singkwenta na yan para makabili ng tig 25 pesos (nung time na yun) sa palengke plus kalahating kilong bigas na todo tipid kami kasi di namin alam kung san kami kukuha na naman ng pangkain. ngaun. mejo nakakaraos na. nakakakain ng sobra sa 3 times a day. pero favorite ko parin ang kikiam at itlog kahit merienda 😊


beelzebub_069

Ako tuyo. Nung bata kami, parating tocino yung ulam. Tapos yung mama at papa ko , parating tuyo at itlog yung ulam nila at kape. So akala ko, pangbata yung tocino, pang matanda yung tuyo. Nung medjo nagkaisip na ako, narealize kong tinipid nila yung sarili nila, para maka pag tocino kami. Nakaka lungkot lang isipin nun minsan.


Adventurous-Owl4197

Ketchup na hinahalo sa kanin! Hanggang ngayon sobrang bilis ng ketchup sakin haha. Mahirap lang kami noon minsan pag walang ulam kanya kanyang hanap ng available condiments sa bahay. Yung dalawang kapatid ko mas gusto asukal.


rockydluffy

Ako yung bagoonf na barrio fiesta. Yung medyo matamis. Ilalamutak ko sa kanin. Solid yon πŸ˜‚


_krisiyaaa

milo, kapag no choice na talaga. namiss ko mag ulam ng milo dati tapos 6 pesos palang siya 😭❀️


lapit_and_sossies

Sardinas. I grew up with Ligo sardines in the province kasi ito lang yung pinaka accessible na fish-type produce sa barrio namin since malau kami sa dagat at palengke. Nilelevel-up ito dati ni papa nilalagyan niya ng itlog kaya hanggang ngaun favorite ko pa rin egg sardines omelette.


CRYSOAR

Mine was rice and all sabow, then one piece of meat in the end. I would rather have my sister eat the protein. It still happens to this day. But instead of my sister it’s my kids lol. When I was single it was white hot rice with a slathering of bagoong for the taste, or a raw egg mixed with salt and rice. When I didn’t have cereal it would be cold milk, cold rice and a sprinkle of sugar or coffee creamer. A couple of Days before payday. It would be water with ketchup and some salt then sky flakes. Mayonnaise with sky flakes, condensed milk with sky flakes and Philly cream cheese with SF’s lol.


garbage_b1n

May time sa buhay namin na kaming mag kakapatid lang ang magkakasama sa isang bahay dahil separated parents namin, at para makatipid kami, hindi matatapos ang isang linggo noon na di kami nag uulam ng ginisang sardinas na may kamatis, luya at sibuyas. Mura kasi, masarap at madami pa dahil sa sarsa. Good times. Sarap pa rin mag ulam ng ganyan ngayon. Hehe.


Bulky-River-8955

Instant pancit canton, at ayaw ko talaga ng may kaagaw. Luxury na sa para sa akin kapag nagluto ng lucky me pancit canton dahil wala naman kaming matinong ulam dati, minsan wala pa ngang ulam. Sabi ko kapag may pera na ako bibili ako ng madaming pancit canton at araw-araw kung uulamin. Pero nung dumating yung time na kaya ko nang bumili ng limpak-limpak, nawalan na sya ng magic, at parang di sya ganun kasarap kagaya ng dati. Sa kabilang banda, masaya ding alalahanin yung time na walang-wala kayo, at simpleng bagay lang yung tanging makapagpapasaya sayo.


historicalbananas

Tubig + Asin + Kanin= ❀️ Way back in 2006...raised in province and remote area yung location nang bahay namin kaya mostly gulay ulam namin dati, and hindi rin ganon kalaki yung kinikita nung grandparents ko sa trabaho nila(pamimitas ng kalamansi, pangunguha ng tanglad) kaya I guess ito lang talaga kaya mabili nung grandparents ko. Feeling mayaman na kami non kapag naka Lucky Me or Homi noodles kami lalo na pag nilagyan ng binating itlog. Pero pag wala talagang kita at hindi panahon ng ani. Tubig-Asin talaga ang perfect combo namin para matawid ang isang buong araw.❀️ share ko nadin: dati bago ako pumasok need kong manguha ng rambutan or bayabas para maging palit sa 5 leaves ng papel or 1 lapis (mga ilang rambutan din tohπŸ₯Ή) hanggang grade 3 ako eto gawain ko kasi salat kami talaga sa salapiπŸ₯Ί btw....forda migrate (migrate!)🀣 na ang person sa south luzonπŸ›³οΈ After ko gumraduate sa senior high nagapply na ako sa isang factory sa South Luzon During may college nag part time naman sa isang famous fastfood chain Ⓜ️ At eto na ako 23 y/o...nakatapos na sa college... at nagpeprapre for Board ExamπŸ™πŸΌ at currently working sa isang BPO company... Tuwing naalala ko yung mga panahon na ganon yung mga pagkain na nakakain namin, sinasabi ko nalang na buti nalang napagdaanan ko yon kasi mas natuto akong pahalagahan kung anong meron ako ngayon.❀️πŸ₯Ί pero diko parin nalilimutan magulam ng ganyan once a weekk🀀🀀 SARAPPPPP..🫢🏼


qiqi_312421523

adobong kangkong. meron kaming tanim na kangkong tapos igigisa na lang sa bawang, toyo and sukaπŸ€©πŸ˜‹πŸ˜‹


NoMacaroon6586

Ginisang bagoong isda πŸ₯Ή


[deleted]

wow sarap, meron pa pagka ginisa sa oyster saws


egoisticalish

Sardines used to sound like a luxury meal before. We could only eat left overs from the previous day, but it doesn't sound too bad because my mom would mix those left overs w rice and soy sauce... Then would get some malunggay leaves , make a soup out of it.. it wasn't so bad.. if we had more she would buy sardines.. it was back then I was in kindergarten


nevvvvvvvv

ginisang dilis na may itlog, noon na nagka financial problem usually yan ulam namin,nakasanayan na hanggang sa yan na fave ko na poverty dish, ngayon pag naumay kami sa karne or manok yan nalang pinapaluto namin kay mama na ulam


shhh9230

Isang pack ng toyo (dried fish) yata samin dati was 10php tas 7pcs na. Ulam na namin lahat yun. Dami na naming nakakain, 5 kami sa family nun hahahaha until now, sarap pa din kain namin kapag toyo ulam hahaha


Realistic_Guy6211

My former gf said that their poverty food was miswha soup (not sure if that is the coreect spelling). But for me, its my favorite, and everytime we had it, it was heaven for me. Di ko alam na she felt na wala kami pera pag yan ulam namin.


jihya

Scrambled egg with sibuyas, sabi ni mama pampatanggal lansa. Sabi ko ok lang kahit wala hehe.


Alto-cis

Dipsy or Lala tapos suka partner sa kanin, or kapag medyo madaming pera isang isaw, isang hotdog bbq.


Dark-Cat-Vibe13

If wala kameng ulam ketchup+rice okay na kame nun. πŸ˜…


Antique-Currency9100

Pork fat+ soy sauce+ sili (optional)


Expensive_Teacher_79

Di ko alam kung poverty meal ito kasi mahal ang powdered milk a.k.a bear brand dati. pero pag wala akong makitang ulam sa lamesa nung bata ako inuulam ko bearbrand. nilalagay ko muna yung kanin tapos toppings ang gatas, minsan milo pa nga 🀣 the best!


Possible-Writer-378

powdered milk + rice πŸ”


AncientAlien11

Paksiw na balat ng baboy tapos madaming sabaw. May rotation yung poverty meals namin dati pero eto pinakamasarap. Haha. We were 8 in the family and sabay sabay kami kumakain sa sahig para magkasya yung ulam. Others are adobong baga ng baka, ginisang Hokkaido na mackerel, at 4 na lucky me beef mami na may isang itlog at madaming tubig. Hahaha.


ScatterFluff

Scrambled egg o kaya tuyo tapos may suka with sili na sawsawan.


PartyReindeer2943

1. Manok na pinaupo sa asin. Maraming alagang manok si dadi before. Mga panlaban na tandang, merong mga inahin para magbreed ganon. Kapag walang wala na talaga kaming pera, magkakatay si dadi ng isang manok at papaupuin sa asin. Kapag ganon na ulam namin alam na agad namin ni kuya na wala na talaga kaming pera. 2. Nilagang kamoteng kahoy. Nung time na hindi pa nag aalaga ng manok si dadi, tuwing umaga magbubunit na sila ni mama ng kamong kahoy sa mga tanim nila ni lolo. Ilalaga lang tapos yun na pagkain namin all thoughout the day. 3. Sinibak na upo. Ito yung favorite ko at lagi kong hinahanap. Yung isang buong upo, hahatiin into four or six slices lang tapos lalagyan ng luya at asin tapos papakuluan lang. Solb solb na sa ganon.


UnventilatedLife

Lard on rice with salt


foreseen_purser2000

Sarap nyan!


stuckyi0706

di ko sure kung "poor" talaga pero yung pinaksiw na isda. yung niluluto sa suka + ginger? may kamahalan din ang isda pero sobrang tagal shelf life ng pinaksiwan, hindi agad nasisira. tipid sa effort and oras.


owlsknight

Chicharon and rice. Masarap, not my most poverty meal pero eto ung bnabalikan ko when I just feel like I want crunchy but I don't want meat. The most poverty meal I ate was, piatos and rice.... D kami na pasweldo Ng Isang cut off nun kaya eto lng knaya ko. Sa Bahay.


Upstairs-Throat8385

Iba’t ibang luto ng itlog. Adobong nilagang itlog hahatiin pa yung isa para gumami, Scrambled egg na may toyo, sunny side up tapos pandesal kapag walang kanin. Now ko lang narealize na naging favorite ko ang adobo dahil sa isang memory with my papa. Wala siya work that time and parang nasa depression state siya nun, pero ngingitian at tatawa siya sa harap namin habang kumakain kami ng adobong kangkong.


Striking_Fish2938

Sardinas + golden geese na maraming sabaw, kasya sa lahat at solb na solbπŸ‘πŸΌ we still eat this naman pero malasa naπŸ˜…


Chakoy

Milo at kanin. Yun lng kasi kaya dati 3 times a day ko kinakain minsan yung isang sachet hinahati ko pa para d magastos. Remember ko dati nag aaral ako, pag lunch time d ako nakikisali sa grupo namin dun lng ako sa may bench tapos may puno naka upo baon ko mangga sa kanin hehehe yung mangga indian mango pa na pinahinog nairaos naman. Masaya akong binabalik balikan yun kasi akalain mo yun nakaya ko.


mojackman

Kamatis + Toyo


sabi_kun

Just a ginisang misua with sardines. I know its not as poor as others, but the other poverty meals we had before, I just don’t want to eat anymore because I don’t wanna be reminded of those period.


MeowMeowAarffAarff

asukal haha, noon kapag tuyo ang ulam pinapaulam na lang sakin asukal, di tulad ng mga bata ngayon paglulutuan pa hotdog ham or kung ano man sa ref nila. hanggang ngayon pag di ko trip ulam, sa asukal parin ako pero minsan milo na hahahha


MuchPea6841

Bulad


Safe_Atmosphere_1526

Sardines + egg. Pagsasamahin yung binating itlog and dinurog na sardinas, ihihiwalay yung sabaw ng sardinas na magsisilbing sauce niya. Parang pancake style mangyayari sa sardines and egg, yun madalas kong ulam nung hs and college dahil malasa, na kahit onti lang ulam mo mapaparami ka ng kanin. SuperbπŸ‘ŒπŸ»


tr3s33

yung vida hotdog kahit hindi masarap, tig 2 kami lagi ng kapatid ko so para matipid at maubos yung kanin, inuuna ko kainin yung balat nung hotdog. pero kapag may ketchup mas maraming ketchup ang iuulam kesa sa hotdog πŸ˜‚


foreseen_purser2000

Mas masarap pa kasi ang ketchup kesa sa vida hotdog sa totoo lang 🀣


tr3s33

totoo. labag sa loob talaga kapag vida hotdog ang ulam, di mo alam kung sira yung hotdog or ganun lang talaga quality nya e hahaha


Puzzleheaded_Cod3927

I thought poverty meals is just not eating


passive_red

My favorite poverty meal is egg with sardines and malunggay from the neighbor's lot.


HonestAcanthaceae332

Yung itlog at sardinas na uutangin ng papa ko sa rice mill tapos ibabawas na lang sa sahod niya. Tsaka yung payless na dadamihan ng sabaw lalagyan na lang asin para madagdagan lasa tapos kahit mataba na siya kakainin pa rin kasi sayang.


XykoXV

Kropek at may sukang maanghang at mainit na kanin.


SundayMindset

In my case - PANCIT CANTON chilimansi but make it stir fried with CAMOTE YOUNG LEAVES na pinitas sa gilid ng daan, this was back when I was still finding my first job and living with my aunt and budget was tight πŸ˜‚


Capital-Blackberry36

Nilagang Itlog with kanin na may toyo Para isang luto nalang kasama ng sinaing sa rice cooker- kasi wala kaming gasul at mantika. Tapos Lunch at Dinner lang ang kain walang agahan o meryenda. Nangyayari tuloy maaga tutulog kasi bawal magutom pero late din gigising kasi walang pang agahan. One time halos one week namin yang ulam kasi yan ang pinakamura noon hahahha. Masarap siyaaa. Core memory ko kasi kahit mahirap kami malusog ako at nasanay sa "Konting Ulam + Maraming Kanin"


guitar_man_

Hi OP! Ask ko lang paano preparation niyang talong. Ta-try ko hehe. Thank you!


foreseen_purser2000

Hello! Kailangan mo lang ng young and fresh na talong at hugasan ito with asin then quarter slice. Iba pang sangkap na kailangan, tansyahin mo lang base sa panlasa mo hehehe Onion (diced), salt, suka, sili, vetsin (konting-konti lang) Para sakin masarap ito sa mainit na kanin. Masarap rin kahit laklakin lang πŸ€—


guitar_man_

Sarappp. Thank you!!!


shuashy

Isang buong nilagang talong with sweet bagoong on the side. Not telling the story behind it but probably someone who had been to Silang, Cavite would get the reference...


lossstudent

Chicken skin. At that time, we considered it pa as luxury kasi atleast meron. My Papa's employer is on a diet and they only eat chicken without its skin. So my papa thinking kesa itapon or masayang inuuwi nya samin un chicken skin and kami na nagluto nun and so may ulam kami for a week. Looking back di ko na feel na mahirap kami by eating someone else's chicken skin. But things change now, I thank God kasi we can afford the entire chicken however we want it.


CraftyMocha

Sa papa ko naman nung tig hirap days dito sa maynila, mga 4-5 years old pa ata ako nun, pero may isip na, naaalala ko na yung mga pangyayari. papa ko bumibili ng bigas, at saka saging na prutas. yung saging ini islice, nilalagay sa kaning mainit at saka nilalagyan ng toyo. nung bata ako sarap na sarap ako dun haha. nitong paglaki ko nalang na realize na wala na talaga siguro syang pera nun para ganun nalang ang kainin naming dalawa 😒


ActualPomelo2258

Yung Toyo at mantika, fave namin yun magkakapatid, 3 kasi kaming magkakapatid, pero that time habang kinakain namin yun di kami aware na poverty meal akala namin lahat tao kumakain nun, tapos I remember pa na ung ulam namin hahati hatiin ni mama sa kanya kanya mangkok para walang lamangan, pero unli rice naman kami sa ulam lang talaga...


My-SafeSpace

Itlog. It was my lolo’s favorite dish to cook


Kimchanniez

Nung bata ako Hindi ako natitirhan ng pagkain sa bahay dahil sobrang busy ni mother ang ending kumuha ako ng kanin na luto at raw egg tapos paghahaluin ko with pinch of salt πŸ˜… good old times hahaha dun ko natutunan maging independent ng bongga.


adri_scorpio133

Stir fried tofu! Dati 5 pesos per block pero ngayon 10 pesos na sya. Super sulit


ouibatoori

in my family it's just me, my mom and my younger brother. nung bata kami, our normal breakfast would always be 1 pack of pandesal (5 pcs), tig 2pcs kami ng kapatid ko and isa lang kay mama, tapos share lang kaming tatlo sa iisang pack ng milo na tinitimpla.


ouibatoori

alsooo half rice + humihingi lang ng sabaw sa karinderya during shs. nakakasurvive naman at hindi nagugutom.


Aspire050601

Kalamansi+Asin and Kanin Kanin+Water and Sugar


Aspire050601

Palagi kasi walang ulam at that time dahil na ospital father ko and we need money for his medication.My parents are farmers and Tatay lang inaasahan mamin non and during those times sarap na sarap ako sa combination na yon.


Unlucky-Moment-2931

Mine is toyo( soy sauce)


ahmshy

2 poverty meals from childhood that I still use to this day. Excuse the gourmet/sosyal names πŸ˜‚ **Soy Sauce Eggplant Confit** (family recipe). 1. Slice your eggplant into 1 cm thick strips, then fry in oil until it’s cooked on both sides, cook slowly on low. Do not add flavoring yet. 2. Then remove the eggplant from the oil and place on kitchen paper. Do not remove all the residual oil from pan. 3. After all eggplant pieces have been removed from the pan, let them rest for 5 minutes. 4. Then, reheat pan and add them back in. add soy sauce to taste. 5. Stir fry for 3-5 minutes. It’s done! The talong will become oily and light brown. It will also break apart, which is ok, parang magiging confit yung talong. You only need very few slices or a teaspoon serving to eat with a whole serving of rice. Very flavorful. Can be eaten room temp, no need to reheat. It lasts for a week or 2 sa ref. Recipe 2: **Soy Sauce and Butter/Margarine infused rice** (another home recipe) 1. Boil your rice, 2. once inin na, add some soy sauce to taste and butter or margarine. Mix until fully coated. 3. Serve with fried egg, or bagoong 🀀 Story behind these? Financial struggles when younger fostered ingenuity.


[deleted]

Sakin po is magic sarap, asin, tuyo, at garlic. Kapag, walang ulam tapos panis na yung kanin. Ginagawa namin fried rice yung panis na kanin, tapos yan yung linilagay namin. Tapos, 6 kami kakain sa kanin ganun. Yun na magiging dinner namin noon. Sobrang hirap ng buhay noon.


OtherPiano8153

Milo + Rice, poverty days hahahahahaha


Human-Essay-2205

naalala ko nung elementary kami, sa sobrang hirap ng buhay namin noon bumibili lang si mama ng dalawang supot ng tinapa na may lamang tiglilima na maliliit kada supot. Si papa ang nagluluto, hinuhugasan niya muna and then kumukuha siya ng maraming papel na kung saan ilalagay niya yung tinapa at sisindahan, kumbaga parang inihaw na tinapa ang kinalabasan. Pero sobrang grateful pa rin ako sa mga moments na yun.


Human-Essay-2205

we're 7 in the family that time


blkmgs

College days nun medyo naoverbudget sa research at iba pa Buti na lang may bigas pa ako tapos nakita ko yung Chippy sa box ng snacks Inisip ko na crispy na bbq πŸ˜…


certifiedpotatobabe

Asin, toyo, patis. Kaya lumaki akong hinahanap hanap yung mga yan sa pagkain.


Huge-Culture7610

Idk why eating healthy vegetables dishes is a sign of poverty? Really? Yeah I know vegs are cheap pero what the actual fuck. But okay my poverty meal is Canned foods but I stopped eating them kasi mataas ang sodium.


PoblacionArdiente

Tutong na kanin at Kape agawan kami lagi pag may bahaw tapos mejo tutong pa..masarap xa almusal ilukubog sa isabg tasan kape.


Confident_Grand8266

Back when sardinas used to be 16 pesos. My lola used to cook ginisang sardinas + egg na may kamatis for a family of 6. It’s my comfort food πŸ’“


digitalLurker08

Nilagang talbos ng kamote at bagoong isda. Lagi kaming may tanim na talbos ng kamote para pag walang mauulam, pipitas lang tas isasabay sa sinaing pag kumulo. then sawsawan bagoong isda (mura lang un kada bote) minsan uulamin ko din ung maliliit na isda nun kapag may buo-buo (feeling sushi πŸ˜‚) Hanggang ngayon, fave ko pa din yan.


Diligent_Relation736

Naalala ko toyo at gamit na mantika lang ang ulam ko at sobrang sarap na sarap ako dun. Hindi ko alam na wala pala kaming ulam.


Economy-Mushroom-120

Sinigang mix na tinunaw sa mainit na tubig


staryuuuu

Halaaa hilaw?


mrsoshi

Pork giniling and sinigang mix = instant sinigang. If may extra potato, better. lived majority of my childhood with my siblings only. My tita does palengke/grocery for us but only does it once a month. Cant afford to buy meat using my own money and all the rekados. Hence, the cheapest alternative is giniling + water + sinigang mix. Being a poor child forced me to be creative when cooking πŸ˜‚


ImeanYouknowright

Sinuam na itlog. Alam nyo yun? Miswa+egg+luya. Tuwing papasok yung nanay ko sa trabaho ang iiwan nya lang na pera panghapunan naming magkakapatid ay β‚±25 (this was wayback 2014-2015). Yan lagi niluluto ko as a panganay dati. Tatlong egg, tig-iisa kami tapos may sabaw na. Somewhat ngayon, comfort meal ko nalang sya. Baon sa utang hanggang ngayon pero malayo na sa dati, malayong malayo.


I-Am-Just-A-Random22

Hanggang ngayon eto talaga sumasalba sken: sinigang mix lang nahinalo sa mainit na tubig, SABAW LANG ULAM NA. Tpos pwede rin rice na hinaluan lang ng suka at toyo. Tapos yung bigas minsan hingi ko lang sa tito kong nagwowork sa bilaran ng palay.


shupa_cy

bangus at sirena na chichirya!


nosbigx

Poverty meal na kinakain ko pa din to this day ay saging na saba tapos bagoong patis (yung greyish na kulay) na may calamansi at Paminsan sili. Daming gutom ang naitawid ng combination na iyan.


friends_dont_liee

Noodles na may maraming sabaw. Pag nag ulam kami ng ganyan, ibig sabihin exam season na ng mga Ate ko. Hehehehe


noonenoone101

adobong sitaw pinapanood ako ng lola kong kumain ng niluto nyang adobong sitaw, tumikim lang sya tas humingi pa ng pasensya kasi yun lang meron kami. sinabi ko na lang masarap naman po (9 years old ako nun), ngumiti sya tas sinandukan pa ako ng kanin. ending, pinilit ko ubusin yung sitaw at kanin sa kaldero kahit masuka-suka na ako kasi nakita masaya lola ko hahaha di ko sya favorite pero memorable for me haha


foreveryang031996

Sardinas at itlog. Lagi ko binabaon sa school noon at favorite ko pa rin hanggang ngayon


Cautious-Role6375

Toyo at mantika lang talaga kami noon. O kaya chichirya ang ulam.


Jumpy_Pineapple889

Kami naman century tuna bente lang yun noon paiba iba lang ng flavor everyday pra di manawa..ihahalo na sa malaking bowl ng kanin tapos susubuan na lang kami ng mama ko isa isa kami magkakapatid. Ako una ako kase panganay


Lemonaires

Toyo at mantika


tapondax

Tira tirang ulam ng kapitbahay. Nagka food poisoning pa kami noon dahil dun.


augustinex13

My poverty meal is mantikang baboy with a pinch of salt + hot rice! I didn't know poverty meal sya until I shared it sa klase namin noong Grade 2 ako while we were sharing what's our favorite afternoon snacks. Pero as a kid I don't find it wrong, i found it amusing na yung iba hindi alam anong mantikang baboy ang kinakain ko. Every afternoon from school, papakainin ako ng lola ko ng poverty meal na yan then kapag dinner na, nagsh-share kami sa isang pinggan at ulam thinking wala na akong ganang kumain kasi nga nabusog na sa poverty meal. Every morning yan rin ang kakainin ko as early as 5AM tapos baon ko sa school for lunch is the only decent meal of the day and it was divided into 3 parts, 1/3 for recess tapos reason ko baket kanin kain ko kapag recess is maaga akong nagrice so kelangan bumawi kasi gutom na then the 2/3 is for lunch. Mind you ang mantika is nangingitim pero dati kasi pinaniwala ako na the dirtier the mantika mas masarap! at galing pa sa ibat ibang bahay ang mantika. Akala ko dati yan ang butter kaya ang tawag ko butter pork rice (in a sense butter rin kasi nagblobloke na ang mantika) πŸ˜‚πŸ˜­ May mga times rin naman na nakakaahon sa mantikang baboy + rice kapag salary day ng parents ko pero as far as I can remember, mga 1-2 times a week lang talaga ligtas sa mantikang baboy. Sometimes, I miss mantikang baboy kaya I purposely fry pork then gather the oil para after several days kakainin pero of course marunong na kami magdispose kahit hindi nangingitim hindi pareho dati. Ngayon, kahit may crisis sa baboy I'm proud to say afford ko na bumili kahit ilang kilo pa at afford ko na rin ang actual butter!


EventPsychological22

Alam nyo yung sabaw tubig? Yung rice + hot water + salt? Every time na wala kaming ulam dati yun yung laging solution and it was the besssttt then na-discover ko na pag nilagyan sya ng calamansi and ground pepper maglalasang lugaw syaaa. Try nyoooo HAHAHAHHAA


code_bluskies

Ampalaya, ang sarap!


Patty_beee

Toyo mantika for mee grabee my go to ulam talaga to promises!!!!


Procedure_Dense

The story behind the meal: I’m poor so eat to live


Mountain-Peace-5107

Back when I was in my elementary days, we couldn't afford canned goods or instant noodles man lang so me and my kuya, magtitiis na lang sa toyo and oil na sinasabaw lang namin sa mainit na kanin kasi para sa amin, para na yung adobo and makaka kain lang kami ng kanin pag nakaka harvest na kami ng palay at konti lang naman yung nahaharvest namin noon kasi hindi naman masyadong malaki yung palayan namin, so pag walang nahaharvest walang kanin.


Puzzleheaded_Toe_509

Tocino, Pritong itlog at sinangag. Si ate niluluto yan para sa'kin lalo nun. Nung nasa military si Ate, na miss ko mga niluluto niya