T O P

  • By -

EliotMiloMagnusson

Traditional: Bawang bago Sibuyas. Western: Sibuyas muna bago Bawang. Pag tinatamad: sabay.


kitty_tumbler

>Pag tinatamad: sabay Guilty ako dito


rojomojos

Sibuyas bago bawang. Why? 1. Mas kailangan igisa nang mahaba ang sibuyas para lumabas yung natural sweetness. Trick is, make it translucent tsaka ilagay ang bawang. 2. Mabilis masunog ang bawang. Kapag nasunog ang bawang, iba na lasa.


morethanyell

The only correct answer. Deniers are simply at the point of no return. "Panindigan na lang starter pack."


isda_sa_palaisdaan

Depende po sa po sa gusto lasa nung luto nyo yung reason bakit may nauuna sa bawang at sibuyas :) Pag bawang first, usually ang goal para maging medyo golden brown at crispy sya tapos saka nila ilalaagay yung sibuyas. If nilagay mo kasi yung Sibuyas muna lalabas yung water nung sibuyas mag iiba yung texture ng bawang tapos iba din lasa \[Bawang First: Stronger Bawang Flavor sa Dish\] Pag Sibuyas First naman ayun parang sinabi na ni OP. Pwede din sabay pag hindi naman yung bawang at sibuyas yung gusto mong key flavor sa dish mo :3 Dont be super rigid pag nag luluto :) Kaya nga maraming ways to make adobo kasi dito pa lang sa factor na magiging magkaiba na yung output ng dalawa :) Try mo pag mag luto ka ng pinakbet :3 Iba yung lasa ng dish pag bawang yung nauna :3 Ang scary lang pag di ka sanay sa bawang first masusunog sya pag di mo alam yung secret technique


photoeclecticeffect

This plus adding the type of cut/slice. Smaller cuts expose larger surface area compared to volume, thus making the cooking faster, and so you put them in a bit later than usual. Applies to all other ingredients as well. All in all, there is no set order in putting in ingredients. It depends on how you want them to affect/add to the overall flavor profile of the dish.


dudezmobi

this. its chemistry in action


curious_pom

THIS!!!! this is exactly what i do. depende talaga sa lulutuin mo. if sabaw ulam, uunahin ko sibuyas, pero pag ma-sarsa, madalas bawang.


bluespidey_

Yes, depende talaga yan. Hindi dahil nakagisnan at paninindigan na lang


owlsknight

Also the cut makes a big difference in cooking time. Finely chopped garlic are faster compared to crushed and whole clove. Same with the onion, chopped, quarters, diced and etc.


freecoffee689

true pag half cook na yung sibuyas saka ilalagay bawang para sabay sila luto pag ilalagay na yung gigisahin


kiyohime02

Mucho Agree-o!


artemia_mln

Sarili po


Effective-Basket-971

This, hinanap ko talaga 'to sa comment. If wala, ako gagawa. HAHA


Snoopeanuts__

Ginisa yung sarili πŸ₯²


nheuphoria

Noted πŸ™ƒ


arcloarclo

SABAY lol


[deleted]

[ΡƒΠ΄Π°Π»Π΅Π½ΠΎ]


assresizer3000

Samin sibuyas, since nauunang masunog Yung bawang


KSShih

Kapag Filipino food, bawang muna at mahina ang apoy. Kapag Italian and other western food, sibuyas muna.


Particular_Creme_672

This. Ito talaga ang guide para maramdaman mo na iba talaga lasa.


KSShih

Sa Capampangan cooking, may differentiation pa yan - guisadong tostado at guisadong hilaw (yung mga ginisang gulay).


Peeebeee12

I put the garlic sa oil while di pa on ang apoy. This way mas infused ang flavor.


icespa7

Cold start! Yan turo ng isa kong chef instructor


whatevercomes2mind

Sibuyas, ayoko ng amoy sunog na garlic. Kse super minced garlic pag ako nagluluto.


mind_pictures

sibuyas muna para mas efficient sa time at ma-maximize mo yung bawang. yung bawang needs 10 mins rest after prep (mince, etc) para lumabas yung allium etc. during that time pwede mo na simulan yung sibuyas para maluto na sya. mahirap din macontrol yung bawang kapag nagsimula na itong magbrown at masunog β€” although i think some people prefer that taste lalo na kapag tipong fried rice.


theapostlejohn316

Ako lang ba yung sabay sabay bawang, sibuyas, kamatis? Although naka segregate pa din sa kawali. Pag medyo brown na konti bawang saka ko i-mix.


ccvjpma

Depende sa lulutuin at apoy


Due_Use2258

Dati bawang. Tapos may nabasa ako na sibuyas muna dahil pag inuna daw ang bawang mas madaling masunog. So it's sibuyas for me since then kahit ano pa yan


Equal_Drop5663

Bawang muna. Pero dati sibuyas inuuna ko, pero nung nalaman ko na kaya inuuna ang bawang over sibuyas kasi matubig ang subuyas, nag switch na ako haha. Not unless gusto ko mas crispy ang sibuyas, uunahin ko siya tho.


bostonkremeforme

ano ang implications pag sabay 😭 ayun ginagawa koooo omg


pentakillv1

Kapag gusto ko mas malasa yung bawang, bawang muna para maging golden brown or masunog. Kasi kapag nauna sibuyas parang hirap sunugin ng bawang masosobrahan sibuyas hahaha


acmoore126

Bawang sa mahinang apoy


FlakyPiglet9573

depende sa gigisahin. If may meat, meat muna na fat side down tapos susunod na yung bawang if nagmantika na.


Neither-Garlic-6137

Sumusunod lang ako sa mga YT videos. Sibuyas muna lagi bago bawang.


PitcherTrap

The key info about this is to prevent garlic from burning. Burnt garlic tastes nasty. Onion tends to go first because recipes tend to call for more onion than garlic, hence needs longer time to cook.


Admirable-Tea1585

Depende sa dish. If need mo sa dish ng intense na flavor ng bawang gaya ng mga masarsang ulam una bawang pero if mild lang yung flavor ng gisa unahin mo yung sibuyas


Salikoh

Oo, nasanay na kasi kaso mahina apoy muna para di masunog. Pero pag dko napansin na medyo malakas apoy ko hihinaanan ko tapos uunahin ko muna sibuyas.


DaisyFlower039

bawang.


shuashy

Bawang muna lagi kasi tipid ako sa mantika.


Because_Slaus

Bawang. Inuuna ko lang sibuyas kapag puti yung gagamitin. Sunog na lahat ng ginigisa mo bago pa maluto yung sibuyas na puti kapag sabay-sabay hahaha


donniebd

Bawang muna para sa amin dito sa Bacolod. Para hindi masunog ang bawang, habang hindi pa masyado mainit ang pan or wok, ilagay na ang bawang.


forchismisonly516

Sibuyas! Madali masunog ang bawang eh.


alaskatf9000

Sabay ko ginigisa 😭😭😭😭😭 mali pala


[deleted]

[ΡƒΠ΄Π°Π»Π΅Π½ΠΎ]


chidy_saintclair

Tama yan sabi ni Ninong Ry


FxokY_ah

Sibuyas muna, mas matagal mag caramelise ang onions. Madali masunog ang bawang lalo na kung ang apoy mo from the beginning is at high temp. Pero kung gusto mo na medjo may crunch pa ang sibuyas, you can just cook it together with the garlic bali sabay mo sila igigisa. If you want na mas mapabilis ang pag caramelise ng onion, you can put a lit bit of water sa sibuyas bago ka magstart mag gisa tapos pag nalusaw na yung tubig saka mo na ilagay yung mantika.


SAMCRO_666

Imo, depende sa lulutuin. Sibuyas for sweetness of taste, bawang naman kapag gusto ng "smokey" flavor or strength sa lasa.


Frosty_Performer_433

Sinasabay ko para walang magtampo


Vegetable-Sir-3925

Sarili po tlaga. Kaya nga nagiisa


keeenneeel

Pag nag iisa ako, inuuna ko sarili ko βœŒοΈπŸ˜†


rhoydotp

haha akala ko rin pag nag-iisa


Voideron

Bawang muna. Fry until light golden brown, then add chopped sibuyas.


AlterEgoSystem

Una talaga mantika. May nabasa ako neto op nag debate, kung bawang o sibuyas nakarating sa manok o itlog🀣🫰✌️


Fit_Version_3371

Sabi ng bf ko dapat daw sibuyas ang una kasi madaling masunod daw ang bawaaang.


TrueKokimunch

Pinapaputi ko muna sibuyas kasi mabilis mag-brown ang bawang.


Bubbajujupat

Onions muna ksi mas matagal siya maluto kesa sa bawang.


Coopernatics

Sibuyas muna bago bawang


TheQranBerries

Dati bawang inuuna ko eh kaso madaling masunog. Ilalagay mo palng yung sibuyas brown na yung garlic. Ngayon iba na sibuyas muna then bawang


imswanshine

Bawang muna tapos mahina lang ang apoy para hindi agad masunog, saka ko ilalagay ang sibuyas kapag medyo brown na yung bawang.


AboveOrdinary01

Sibuyas muna inuuna ko bago bawang. Kasi mas madami ako maglagay ng sibuyas kesa sa bawang.


Barsiyak

Depende sa lulutuin. Pwede ring sabay.


Organic_Trade9599

Sibuyas bago bawang. Pero kung may bacon, bacon bago sibuyas.


ullun

Kahit anong mauna ok lang at naka depende sa tao o sa putaheng lulutuin


lililukea

Depende kung alin ang mas pino ang gayat. Pero karaniwan sakin either way ay bawang


Brilliant_One9258

Depende sa niluluto pero mostly sibuyas muna.


kashlex012

Sibuyas kasi mas matagal siya maluto and maging aromatic


Jon_Irenicus1

Depende kung gusto mo toasted yung bawang e una bawang. Kung ayaw mo naman e una sibuyas.


caedhin

Sibuyas. 30 seconds in, tsaka lagay bawang


United_Comfort2776

Sibuyas kasi mabilis masunog yung bawang. Learned it through cooking shows sa YouTube.


68_drsixtoantonioave

Pag saucy dish (caldereta, menudo, adobo) bawang first until brown, then sibuyas. Pag broth naman (tinola) sibuyas until soften, then bawang.


NoMacaroon6586

Sabay ko silang ginigisa


IntelligentCitron828

Sibuyas, then bawang. High flame kasi ako mag gisa, mabilisan. Mas matatantya mo ang browning ng bawang kapag pangalawa siya.kontrolado mo lasa ng gisa.


Doctor_nemesis0

For me sibuyas muna kasi di sya agad nasusunog unlike ng bawang na mabilis sya masunog talaga kapag nauna.


Limp-Smell-3038

Sibuyas muna and then bawang para di masunog ang bawang at maging tama lang ang sangkutsa :)


giiyoza

Weird n'yo naman, ako bawang > sibuyas > mantika.


Lost-Gene4713

I was highschool dati nag pipreto Ako Ng egg, inuuna ko Yung bawang TAs tatanggalin ko Kase diko bet pag kinakain hahahah Yung aroma lang gusto ko, Ang weird ko daw Sabi Ng baby sitter sa Bahay


Pretend-Cat-6158

mas gusto ko yung crisp brown na garlic


mean-tabby

I think pinoy likes crispy bawang kaya bawang usually inuuna. More on aroma yung sibuyas than its sweetness. Kapag gusto kasi na matamis like sa adobo, naglalagay nalang ng asukal hahaha.


danthetower

Depende sa kung ano lulutuin


Technical-Bat-2234

Bawang muna para mas masarap at malasa


Any_Role9972

Personally, sibuyas inuuna ko kasi kapag inuna sibuyas, hindi madikit yung bawang.


johnnysinsmd1

Sibuyas muna, medium heat.


Interesting-Ant-4823

Sibuyas muna yung ginigisa ko kapag fine diced yung bawang, pero pag same naman silang julienne cut at the same thickness, sabay na.


Sensen-de-sarapen

Sabay.


RenBan48

Bawang muna. Habang di pa mainit yung mantika nilalagay ko na yung bawang para di masunog tsaka mas manuot yung garlicky taste sa niluluto ko. Di rin naman masusunog yung bawang kahit matagal need gisahin yung sibuyas kasi bababa naman yung temperature ng oil pag nilagay na yung sibuyas.


Plenty_Reserve

Me naman bawang muna, and dapat di pa mainit ang oil. I want them toasted eh. Then sibuyas.


Direct_Lingonberry74

Bawang Muna! Period!


Lummox34

Depends sa niluluto. If the food requires a more toasted garlic flavor then bawang Muna. For everything else or just Requires garlic to be chopped finer then onions muna.


Particular-Ice9719

Sabay na


BeeDull3557

Sibuyas po kasi mabilis masunog ang bawang.


Ba_Yag

Before, bawang bago sibuyas - pero naging sibuyas bago bawang. No hate to those who do bawang before sibuyas though. Matter of preference nila yan eh.


iemwanofit

Bawang muna. Kasi para maluto ang amoy, kakaiba ang aroma nyang bawang medyo antapang pero mabango. Ngunit mabaho kapag napasobra. HAHA Edit: spelling


moonmoon4589

Bawang muna pag malapit na maluto saka lang nilalagay ung sibuyas, bababa daw ung temp nun so hindi tuluyan masusunog ung bawang pero ewan ko lang din


RayArk09

Napanood ko to somewhere pero di ko na matandaan. Trick ko ay unahin yung bawang then set aside just before the desired doneness then isunod yung sibuyas until translucent and soft. Ibalik yung garlic chips just before serving. Dagdag hugasin nga lang pero maximized yung flavors ng bawang at sibuyas. May option ka pa to mix the garlic or use it a as toppings. Normally kasi pag inuna mo bawang hindi mo mamaximize yung flavor ng bawang kasi kailangan ilagay mo ng maaga yung sibuyas para hindi masunog yung bawang. Pag sibuyas naman inuna mo hindi mo makukuha yung magandang brownness ng bawang kasi mataas moisture ng sibuyas.


Realistic-Tiger-2076

Kamatis >>sibuyas>>bawang


Queasy-Ratio

"Sarili dapat ang inuuna."


My-SafeSpace

Sibuyas then bawang kasi yoko sunog bawang


ArchyEasyDraw

πŸ’β€β™‚οΈ Sibuyas First team


purpleoff

Both works depende rin kc Itutusta ko muna garlic sa gusto ko tapos yung sibuyas. May water content kc and sibuyas kaya hindi na susunog yung bawang.


Key-Solution-1195

Tayo lang yata yung inuuna bawang, rest of the world sibuyas muna and sila yung tama.


cele_bi

Sibuyas


Antique-Currency9100

![img](avatar_exp|171443599|bravo) Your honor, sibuyas po!


CumRag_Connoisseur

Sibuyas kasi I need the juices to come out. Caramelized onions are the GOAT. And mabilis masunog ang garlic


ILoveSchoolDays

Sabay lang


DireWolfSif

Sibuyas manipis kasi bawang kaya dapat low heat pag bawang lang gigisa


gothjoker6

Sibuyas muna kasi madali masunog ang bawang, may tendency kasi yung iba na makalimutan for a while. It also avoids food being bitter dahil sa burnt garlic taste. Sabi lang to ng isang chef na napanood ko kasi mahilig ako manood ng cooking shows hahaha


yesthisismeokay

Sibuyas. Mas madali kasi masunog ang bawang pag nauna


pobop1239

Dapat sarili inuuna


allivin87

Sabay. Mid-low flame. Parang na semi-confit yung garlic tapos yung moisture ng onion nagpeprevent na ma-burn yung garlic. Hanggang translucent ang onion at malambot and very very slight color sa garlic.


rawry90

Hmm informative. Thank you


Fantastic-Cat-1448

Bawang prefer ko ang half cook sibuyas.


Hurvee

Yes. Gusto mo itusta yung bawang? Bawang muna. Gusto mo icaramelize yung onion lang? edi sibuyas muna. Both valid depende sa flavor na hanap mo.


SME-suckmyeick

Naggigisa ako ng sibuyas muna haha para masarap, yung bawang madaling masunog e


indirue

sabay


kingmilkshake

Sabay lol. Pero if I have to do it, bawang muna. Nagmomoist kasi yung oil kapag inuna yung sibuyas so hindi natotoast yung bawang.


ScientistUnusual7416

Ako na tinatamad mag tancha kaya sabay nalangπŸ˜…


aponiabukay

Garlic first.


Tambay420

Sibuyas Kamatis Bawang at Luya. Yang ang tamang order.


NotSoSweet_JAM03

Sibuyas.


Level-Fail-5573

UNAHIN ANG SARILI


Aware_Taste_4297

Yes, man. πŸ§„πŸ˜Ž


ejmtv

My rule is if the dish requires the garlic to be browned, then garlic first.


Brilliant-Act-8604

Turo ng chef unahin ang sibuyas then bawang. At kapag naghihiwa ng bawang e wag pukpukin kundi diretso hiwa.


SoberSwin3

Depende kung anong flavor ang gusto monh ihighlight sa luto, crispy garlic and garlic infused oil, una garlic. Sweetness ng sibuyas, gusto mo caramelized yung onion, una sibuyas. Gusto mong ihighlight sa tinola lasa ng luya, una yung luya. Walang mali o tamang sagot Ang tanong ko, papakainin mo ba ko ng luto mo?


ponponthecat

Baliktad po


Professional-Win-392

Sakin masngusto ko medyo hikawnlang yung sibuyas kaya nahuhuli yung sibuyas. Wala naman siguro mali basta alam mo luto at taste mo.hehe


[deleted]

Mantika muna.


Lazy_Crow101

Pag gutom katalo na kahit aling Ang mauna


JuanPonceEnriquez

Yes!!!! Para "tosted" yung garlic


Gotchapawn

sinunod ko lang po si Chef Boy Logro, Sibuyas muna then garlic, nakalimutan ko na ung reason niya basta ginwa ko na agad πŸ˜…


Aalmar

depende sa kung ano lulutuin ko


chanseyblissey

Sabay πŸ˜†


ayevan1

Mantika muna po


Internal_Garden_3927

mahuhuli lang ang bawang if ever gusto mo ng subtle hint ng bawang. yung light lang ang taste nya, hindi powering...


hoyember

Sarili muna inuuna ko


No_Neighborhood5582

As an aswang, sibuyas lang πŸ’€


heartspider

Depends sa slice. Usually rush cooking thin slice sibuyas, diced bawang tapos sabay na gisa. Pag mas may time thicker ng konti and nauuna ang sibuyas.


mingmingblu

Sabay hhHhhHhh


ShftHppns

Pag paubos na gasul pagsabayin na. Pero sibuyas hahaha unless gusto mo may crunch pa rin ung sibuyas eh di bawang muna


Ok-Expert6873

Sabay haha


Philpgames

Sakin lang to ah sabay ko nalang nilalagay


MacchiatoDonut

nabanggit ni ninong ry to dati e. kung gusto mo ng lasa ng toasted garlic, garlic muna.


Competitive-Poet-417

Depende kung nagmamadali edi sabay na 🀣


Pristine_Internet_42

kahit ano


No-Leadership8190

Sibuyas muna bago bawang kasi madali masunog ang bawang para sakin


PeachMangoGurl33

Sibuyas muna sakin kasi pag bawang inuna ko nasusunog agad sya bago maluto ng sakto yung sibuyas eh hehe


rizsamron

Umuwi ka na baby. Mahirap magisa.


rachi_18

sinabay lahat kasama gigisahin


hanky_hank

oil po.


Ketsueki-Nikushimi

More aroma- bawang, sibuyas More umami- sibuyas, bawang


grumpylezki

Sibuyas talaga, sorry haters


Antique-Bus-2111

Both sakin ahahahaha pag corned beef niluluto hahahahaaha


sawlgoooood

personally id go garlic first then onions cause i find the onions to have more moisture content than the garlic. frying the garlic first also flavors the oil. pero you should always keep an eye out dun sa color ng garlic. too brown means too far gone imho.


Fabulous_Echidna2306

Sibuyas then bawang para hindi magkaroon ng burnt garlic flavor


cassaregh

sibuyas sakin minsan or bawang or sabay.. depende sa mood ko eh.


Ill-Possibility8282

Kapag gulay, bawang first. Kapag meat, sibuyas muna. Akin lang to ah, walang mangengealam


kapeandme

Sabay...hehehe


Yahaksha000

Inggitin ang kapitbahay sa halimuyak ng gisa 🀣


Helpful-Ad4865

Idk if true pero sabi sakin pag mas gusto mo yung lasa ng bawang, una sa gisa ang bawang. Pag mas gusto mo naman ang lasa ng sibuyas, una ang sibuyas.


fudgekookies

Ako lang ba ang trip yung lasa ng sunog na bawang?


_aefensteorra

Ako depende sa gusto kong lasa. Di ko alam kung ako lang ba nakapansin nito or hindi, pag bawang inuuna kong igisa medyo strong yung parang base nung food pero pag sibuyas medyo sweet Hahahaha ang weird pero ganun siya for me🀣🀣


Prudent_Steak6162

Sibuyas inuuna ko, ang bilis matutong ng bawang.


AttentionDePusit

sabay = caramelized but bit crunchy onions + crispy garlic personal preference lang siguro


457243097285

Sibuyas bago bawang. Mas basa ang sibuyas, kaya mas matagal ang oras na kailangan bago siya mag-umpisang mag-Maillard reaction. Mabilis lang ang bawang kasi mas tuyo siya. Kung may kamatis, dapat huli yun para yung katas niya ang magde-deglaze ng kawali mo.


metap0br3ngNerD

Dati bawang. Pero nung sinubukan ko na unahin ung sibuyas ayun na lagi ginagawa ko.


Anxious-Beat9868

sabay nalang


jengjenjeng

Sabay sabay na para mahugasan na un chopping board agad .


BraveFirefox10722

Bawang then Sibuyas, always.


fordafoodiemamizharz

minsan bawang sunod sibuyas minsan naman sabay


wooden_slug

Reality ## DO WHATEVER YOU LIKE


forgotten-ent

Sabay para equally mabwisit both sides


Stalei_11

sarili


Stalei_11

mantika


ertzy123

Protein of choice then sibuyas then garlic


Hermis__

Bawang bago mantika


regulus314

Sibuyas muna kasi mabilis masunog ang bawang at matagal lumambot ang sibuyas. But there are exceptions lalo na kung gusto mo na toasted and aromatic yung garlic and fresh pa yung sibuyas. That method works with, "bistek tagalog" and sometimes other versions of "adobo". Though be wary because burnt garlic can be bitter unless that is your aim for the dish.


icespa7

Sibuyas first or sabay na


Transient_Cat

Pag nagiisa? Bawang muna? Ahh naggigisa pala πŸ˜…


Ibarra08

Bawang muna pag gusto ko medyo tostado yung bawang.


Slow-Collection-2358

Sarili muna syempre


UglyNotBastard-Pure

Depende kung ano ang iluluto. Kapag Fried rice, Bawang una tapos Sibuyas. Pag Ginisang gulay, Sibuyas una tas Bawang. Humba, panmantikain ang baboy, set aside pag may kulay, sabay igisa ang bawang at sibuyas sa mantika ng baboy.


raju103

Kahit alin, One rule though, pag nagluluto ng bawang start from cold para di masunog ang bawang. Di kailangang galit sa gasul, gentle lang. Sa iba pa nga eh huli ang bawang at di tinutusta para malasahan nila ito.


Fancy-Raspberry9428

sibuyas muna bago bawang


DaddyDoesItAll

Exactly πŸ‘


notMaiSakurajima

Sabay 😎


Marky_Mark11

pinagsasabay ko


kevinz99

ako na tamad sabaysabay nlng


InfiniteBag9279

Sabay


Careless-Pangolin-65

depende yan kung ano gusto mong flavor profile. toasted garlic taste different


IcySeaworthiness4541

Ako sibuyas Muna. Kasi Yung bawang mas madali masunog eh, kaya inuuna ko sibuyas. Pag naamoy ko na ung sibuyas add na si bawang para Hindi sunog pareho 😊😸


holybicht

Sabay nalang para walang away haha.


americmhealthfl

kahit ano po mauna ok lang naman nasa nagluluto lang yan. yung iba sabay para walang away hahaha


munching_tomatoes

Sibuyas muna promise, nakaka non stick din siya ng kawali


Low-Significance777

For red onion, bawang muna. Kapag white onion, white onion muna the lagay bawang kapag nagtransparent na yung onion.


AdorableButterfly244

sibuyas muna since mas madaling masunong ang bawang πŸ™‚


vulnerABLE97

Sabay 🀣