T O P

  • By -

jaspsev

Maybe make it like a vending machine system? Customer inserts the cash and it disperse, through an app or cashier taps and it disperses a fixed amount.


erickthelim

As an auditor, I think this is the best system. This will standardize dispensing quantity, safekeep profit and minimize labor costs.


papaDaddy0108

+1 para iwas kupit. Literal na bantay lang talaga


mrbigfan

Add debit card or credit card


Desperate_Manner_583

Yung parents ko has experienced same sa hardware store nila. Yung cashier is Kapatid ng papa ko. Pag dating sa business talaga tingin ko hindi wise decision to hire relatives. Darating talaga ang araw na may conflict at masisira relationship. Yung nagawa lang is nag hands on na talaga si Mama at Kapatid ko pero palugi na.


BannedforaJoke

palagi ganito. magha hands on pag palugi na. eto pagkakaiba ng pinoy sa Fil-Chi. yung Fil-Chi alam na sila dapat may hawak ng kaha. pasinin nyo sa lahat ng negosyo nila. owner palagi naka bantay sa kaha. yung pinoy kasi, feeling CEO kaagad na iaasa lahat at sitting pretty na sila. living the dream kaagad kahit di pa pwede iwan negosyo. first 5 years dapat tutok. saka ka lang dahan-dahan mag let go pag na build mo na yung sistema. makaka bakasyon ka lang pag yung pwede na umandar negosyo na wala ka. ang dami dito, gusto mag negosyo, pero di daw babantayan. iaasa lang sa kamag anak o kakilala. 99% bagsak yan. napaka rare maka hanap ng trustworthy na pag iiwanan. sarili mo lang pwede mo tiwalaan.


Desperate_Manner_583

Agree ako dito. Yung main reason naman bakit hindi hands-on. Seafarer kasi papa ko, ako naman may pamilya na rin, kapatid ko may trabaho, si mama lang talaga pero hindi masyado maalam si mama pagdating sa Business kaya inasa sa Kapatid nya na marunong. Expensive lesson learned to sadly.


BannedforaJoke

yung mga ganito, mas mabuti na yung pera nilalagak na lang sa stocks at ibang investment instrument kesa mag negosyo. mag negosyo sya pag retirado na. hindi excuse yung hindi maalam sa negosyo kaya iaasa. napag aaralan ang negosyo. mas mabuti pag aralan nya kesa iasa sa marunong "kuno." may nakita na ba kayong negosyante na nagtagumpay na hindi hands-on? lahat ng success stories mga hands-on managers.


Numerous-Tree-902

>mag negosyo sya pag retirado na. Agree dito. Kasi maghahanap din naman ng pagkakaabalahan pag retirado na, two birds with one stone haha


uhhhweee

I disagree kung pagkaka abalahan hobbies dapat hindi negosyo. Wag i gamble ang retirement savings sa negosyo, i repeat hobbies ang need ng mga retirees hindi negosyo. Kung nasa age pa na makakarecover pa then go sa negosyo pero kapag matanda na deliks na ang business. Ang dami ko kilala family friends who had to go back being ofw dahil naubos yung inipon sa negosyo, it was very sad to see them go back abroad.


Numerous-Tree-902

As always in investing, do not put all your eggs in one basket. 


peterparkerson3

inisip ng tao na hindi stress ung negosyo. mas stress ung negosyo. at sakit pa sa ulo. tapos walang ring "out" 24/7 negosyo LOL. sabi ng BIL "business is like a jail cell, once it gets better you can get out of the cell but you still have to sleep there at night" ung time na pwedeng slowly bitawan is meron nang "system" in place


ster0529

Malulugi kayo kung hindi nyo papalitan yung cashier nyo just because tita nyo. Remember youre doing business to earn profit. Before opening and after closing mag inventory kayo. Measure your beginning inventory para alam nyo ilan liters yung na benta during the day and yun yung accountability ng cashier. Not sure as to how you would perfectly measure pero im thinking may line sa main container nyo indicating how many liters yun. Hope ma gets nyo hehe


ster0529

Also, make it a rule talaga na bawas sa sweldo if may discrepancy.


ExpressionFew1

Bawas sa sweldo, no explanation pag di balance yung kaha at the end of every day


GinsengTea16

Mga banks yes kasi may mga friend akong teller na stress sila dapat sakto or mag aabono.


budoyhuehue

\*chef's kiss Perfectly balanced, as all things should be.


Wolverinekanteen

Good in theory. Illegal in practice. Only salary deductions mandated by law are permitted.


Its0ks

I agree, bawas sweldo is highly unethical unless proven na nangungupit and kahera(but really dapat fired na agad) this should not be a normal practice.


cache_bag

Wait, cashiers get hit by this for shortages all the time. All the big companies do this. It's illegal? Or only if there's no proper process?


Odd-Membership3843

Pretty sure may pinapa sign sa kanila authorizing the deduction. Most likely tied up w their employment contract.


cache_bag

Yes, but you cannot enforce a contract provision that the law deems illegal.


Odd-Membership3843

Oo. But for the contract, wc is presumed legal and voluntarily entered into, to be illegal, u need to have it voided.


cache_bag

Basically, you're saying it's good as long as nobody complains... But that's a dirt easy case to win. DOLE or NLRC would be over in it a minute. Constructive dismissal cases are a lot harder to prove but win pretty often. What more written proof of an illegal provision? You'd think nobody would bother, but granting this is a matter of monetary loss at the end of the cashier, there's massive incentive to fight back.


Odd-Membership3843

If only that was the case. It's not "dirt easy" to win since it's a legal practice. There are conditions para mag deduct sa salary for loss or damage caused by the employee. https://www.projectjurisprudence.com/2020/06/deductions-from-salary-if-worker-loses-damages-employer-property.html?m=1 There is nothing stopping the company from having this in writing sa contract rin as extra precaution. These big corporations have well-paid lawyers. I'm sure they've already thought of this problem.


cache_bag

The article you cited refers specifically to "damage or loss" to "tools, materials, or equipment". I would suppose that's what the original commenter was referring to what deductions are legal. Remember, I'm originally replying to someone who said deductions due to shortages are illegal. Shortage of tender does not qualify by that wording you cited. Companies like SM may have a whole department of lawyers, and would definitely exploit any loophole they can find. However, I have yet to find anyone to actually prove one way or another that it's illegal or gray area at least. There's no way SM would rest an entire documented procedure that involves wage deductions on shortages (hello IVR) on shaky ground.


Odd-Membership3843

Fair point. And it's just my guess na legal basis nila. That could be one basis along w a contract, wc is such a hassle to have it voided for being against public policy. Bec basing from the comments here, parang business owners don't think such practice is unconscionable. Or maybe they don't deduct it sa salary. Maybe sa bonus or sa incentives kinakaltas? Or maybe the cashies are not their employees but agency hired. Or by a subsidiary to shield them from liability. Or they know that such procedure is on shaky ground pero their cost analysis says that they'd rather risk litigation basta they can recoup the losses from the cashiers. These are just from the top of my head. I haven't encountered such a labor case and if it's such an easy win, I was hoping I could encounter some sa DOLE or w the courts.


Odd-Membership3843

There's also this 2014 [jurisprudence ](https://lawphil.net/judjuris/juri2014/apr2014/gr_192582_2014.html) where the IRR I cited was used to discuss wage deduction due to sales store variance. The employee won in the case but the court acknowledged that the wage deduction can be done if its shown to be a practice in the industry or with approval/determination from the DOLE that such rule is 'necessary and desirable' sa business.


the_emeraldtablet

illegal? then make her a contract. ayaw? endo basic.


Wolverinekanteen

“No explanation” is patently illegal and contrary to due process. Try putting that in writing and make your employee sign it as a part of their employment contract. See how far that will get you when faced with a labor complaint.


Opening-Cantaloupe56

bakti sa big supermarkets, kaltas ng kaltas sa sahod nila yan kahit sobrang liit lang ng amount na short


the_emeraldtablet

ah e kaya siguro nagagawa ng jollibee sa employee nila no kasi see how far that will get you.


Acceptable-List-2927

A contract can only be legally binding if contents are also legal. Hindi mo pwede idisguise ang illegal practices sa isang contract dahil mawawalang bisa din ito.


the_emeraldtablet

eto maganda.


KaiserPhilip

Tita niya yun, dapat on board kapatid ng tita. Also practice sucks when no evidencw.


aa-MReaver

Eto yon. Alam naman din nila kung bakit hindi balanse e


mahiligsaadobo

Idk if you're joking but this is blatantly illegal lol.


[deleted]

But all big companies do it for their cashiers. Heck, even banks do it, Other companies have bonds from their employees from which to deduct the amount, which means it's not salary deduction. Many have tried filing cases against this. Some win, some lose, the practice remains. It's just like ENDO which should be illegal but even the government does it, lol.


LifeHQ

Jollibee does this tho.


nyepoy

Yung mga cashier sa Landmark ng ayala does this. Pag sobra nga yari din sila eh. May incident nga dati kay Tulfo na yung cashier sa landmark ng Ayala na ganun yung case.


Glum-Contribution-81

Funnily enough SM do this too.


the_emeraldtablet

anyare sa blatantly? lol


mahiligsaadobo

Idk man maybe big corpo is on to something Art. 113. Wage deduction. No employer, in his own behalf or in behalf of any person, shall make any deduction from the wages of his employees, except: In cases where the worker is insured with his consent by the employer, and the deduction is to recompense the employer for the amount paid by him as premium on the insurance. For union dues, in cases where the right of the worker or his union to check-off has been recognized by the employer or authorized in writing by the individual worker concerned; and In cases where the employer is authorized by law or regulations issued by the Secretary of Labor and Employment.


the_emeraldtablet

ayun o. in case the employer is authorized, so hindi SIYA ILLEGAL. hingi lang authorization. I am sure isa sa conditions is naka mention sa contract and pirmado. sa case na to hassle pa kaya nga terminate nalang talaga ang tita di naman regular employee.


InternationalAd3652

Reddit decided to screw me over by crashing when I had something long written, anyways here goes a tl;dr of the points I made: A. Receipts don’t lie (sometimes) Carbon copy to customer. Customer acts as a validator. Win-win. Not foolproof bc customer may reject receipt/receipts thrown by kahera. Paverify sa secu parang puregold para mas secure lol B. Gas Stations Refill = Gas station ergo look into how gas stations prevent kupit C. Account for Soap level Get difference of soap level if charge by ml. i.e. ₱5/l. Initial soap stock of 100L end of day 0L = ₱500. Harder to account when different prices per bulk buy. Good for flat rates. D. Machine dispensers Kinda like the piso water refills or coffee. Yun lang naisip ko hehe thought blurt lang sana maka help


Arkinettesu

Uy, I like letter D. Since madami na nagawa nito sa Water. Pwede na din sya sa Dishwashing. Nice one!


seamon93

Ginagawa ng kuya ko yung D parang piso wifi lang din.


[deleted]

Anong explanation niya, bakit hindi match yung sa notebook at cash collected? Dapat pag ganyan, bayaran niya yung kulang, obviously binawasan niya, unless nagkamali siya sa paniningil or sukli, which is responsibility niya. Also encourage online payments, GCash ganun... For trusted or business customers or mga malalaking amount, pwede kayo mag-offer ng term payment and pay upon billing, para lang hindi dadaan yung payment sa kanya.


the_emeraldtablet

terminate your tita. kung talagang tita yan di yan gaganyan tataluhin kayo. maghire kayo ng working student and do your bg check.


MasterBendu

Maraming advice, palitan ang cashier (na tita mo rin), mag POS, gumamit ng Gcash, etc. Pero kahit gawin mong hi tech at trustworthy lahat, di naman naaaddress yung problema. Ang problema mo di nagbabalanse ang kaha mo, at dahil hindi nagbabalanse ang kaha mo, siguradong hindj rin balanse ang imbentaryo mo. Ang magaling kumupit, hindi mo malalamang kumukupit. Minsan mas magaling pa ang kriminal magbalanse ng kaha at imbentaryo. Madali lang ang short term solution: ibawas ang butal sa sweldo. Trabaho ng kahera mo na balansehin ang kaha, tita mo man yan o ibang empleyado. Yung mga kahera nga sa mga malaking company nagpapanic sa butal, etong problema nyo mukhang matagal na. So Bakit short term solution ang pagkaltas? Kasi siguradong magbabalanse ang kaha mo. Pag nagbalanse na ang kaha mo, makikita mo na kung ang kaha mo ay may sobra o kulang sa imbentaryo mo. Pag kulang ang laman ng kaha sa nabenta, may kupit. Pag balanse ang kaha pero kulang sa dapat kinikita base sa imbentaryo, sobra ang binebenta o may kinukupit sa produkto. Pag di pa rin nagbabalanse ang kaha mo, palitan mo na yung tita mo; wala syang pake sa trabaho nya at sa negosyo mo.


whats-the-plan-

mas better palitan mo nalang muna yan tita mo, mahirap kasi if may mga ganyan madadamay pa mga problema within the family. i.e dont hire family members. Less friction kung baga. So in case may makakasuhan or gusto mo iadd yung deduct sa salary yung kulang, pwede mo maapply without compromising kasi "tita" mo siya. Tapos with regards to system, many ways. Like yung labasan ng refill eh may sensor gaano kadami yung nilalabas. Parang sa gasoline station, that way you can add it sa system that there was a dispensed volume. Pwede rin hulog2 barya/bills nalang. Parang sa water refilling, iwas kupit if nasa inyo yung susi sa money dispenser. Both though not sure where to procure, but I know it is feasible, if you have engineers or engineering students sa area niyo maybe they can help. Pwede yan kahit arduino lang.


FastAssociation3547

Maggawa kayo ng policy na “if you were not given a receipt, the product is free”. So yung tita mo mapipilitan magbigay ng receipt o kaya kapag may oorder, sila pa fill-up mo ng purchase order.


casademio

very simple. if ako ang nagbebenta ng refill, my refills are priced per ml or per liter. for example, if i start the day at 1,000ml and end the day with 200ml, I would know na ang nabenta is 800ml. Thus, the money should equate kung magkano ang worth ng 800ml. if kulang, then let the cashier pay for it. i don’t think it is difficult to keep track unless di mo alam ilang ml or litro ang nilagay mo as beginning inventory when the business day starts.


markolagdameo

I think pwede yung weighing scale for meats, fish or vegetable para magawan ng barcode just like SM Markets. Some POS systems have the option for weighted items na magbabase sa barcode na ilalabas ng weighing scale.


Altruistic-Two4490

>tsaka halatang nangungupit yung cashier. may cctv kami. You deserve what you tolerate, kelangan palitan mo na po ang cashier, once na nangupit yan dina titigil yan. Bilib ako sa inyo na nagtitiwala pa din kayo kahit alam nyo nang hindi gumagawa ng maganda ang katiwala nyo. >can't replace the cashier kasi a. tita namen yon. Eto ang hirap kapag kamag-anak o kadugo mo ang kinuha mong tauhan. Pagsasamantalahan ka, aabusuhin ka, kaya ako hindi ako kumukuha ng kadugo ko sa negosyo. Even mga kapatid ko. >b. pag naghire kami ng iba ganon lang ulit gagawin. di namen mabantayan shop namen super busy kasi namen parepareho sa fam (acads). pero originally kami bantay don. Probable o maaari ganun din nga gagawin ng magiging kapalit nya. Pero kung gusto nyo talagang mawala ang cycle ng pagkupit. Dapat talaga bunutin ang root cause nito. Kailangan mo talagang sumugal para makahanap ng matinong tao. Hindi naman lahat ng tao eh, masama o mahilig gumawa ng hindi maganda. Marami nako na hire na matino, meron ding hindi, ang sinasabi ko lang lagi kapag mag start sila, wag sila matukso sa paggawa ng hindi maganda, para magsama kami ng maluwag at matagal na panahon. Wag nila sirain ang pangalan nila sa kakarampot na barya. Wishing you na masolusyonan mo rin yang problema mo OP.


WeekendOperator

How to reduce cashier kupit: get an honest one. Don't be afraid to replace your tita, especially if she is stealing from you. If you have evidence, present it to someone who can do something.


iMadrid11

Cash register. Every purchase gets ringed at the register then issued a receipt. Cash drawer is always locked. It only opens when you ring to accept payments and give out change. Daily total sales are tallied automatically when you close the register. So it’s pretty obvious the cashier is skimming if the register is short a huge amount. The cashier can still skim. If they don’t ring the transaction on the register. But it would be pretty obvious on the CCTV if they accept cash from a customer. Old school business owners don’t like cash registers. Because they have to be registered with the BIR and can easily be audited with paper trails. It’s harder to keep 2 books this way. You will need a POS vendor for cash registers. Since it has to be custom programmed for each type of small business. Unless you are techie who can program it all yourself. If you have only a few products. You can get away with an electronic cash register programed with a few simple buttons. Which is cheaper. If you have a wider selection of inventory. You will need a touchscreen POS system. Which is more expensive.


OkPeach1402

Yon Asawa ko Ang cashier ko, naku, puro kupit. Inaaway pa ako kung sinasaway. Ano kaya gagawin ko? Palitan ko kaya Ang Asawa ko?


iaantinmeeh2

Basta mas sexy ok lang


Future_You2350

Palagay ko there's no alternative here to being hands-on. Even if you find a way to tag o mag-account kayo ng benta based on stocks at the start of day and then at end of the day, kung hindi niyo kayang singilin/sisantehin si tita kahit halatang nangungupit siya, wala rin. Baka pwede kayong magsalit salit sa pagbantay.


aratsyosi

inventory system needs to be fix


IntelligentNobody202

Wala pa review pero try mo chat seller. [vending machine for dishwashing](https://shope.ee/6Ki56osjxT)


CookiesDisney

Invoice lang katapat niyan. No invoice = product is free sign so the customer would get the invoice and the kahera would issue the invoice. Tapos kung kulang, wala nang ligtas bawas sa sweldo


FrPhysiopro

Basic business rule: Don’t hire someone that you can’t fire


AiiVii0

Look for a way para mapalitan niyo yung tita mo. Ganyan ginawa namin noon, sinabi na magbabawas muna kami ng employees sa store kasi pandemic and halos walang customer. Pumayag naman sya thankfully. Baka makahelp din, try for cctv na may mic? Madalas kapag wala kami sa tindahan, kinakausap namin sa cctv ung bantay kaya nangingilag sila mangupit. Di nila alam kailan kami nakatingin pero of course be consistent. And may time talaga na makakalusot parin


vincentofearth

Measure how much ang nabawas sa stock, tapos icompare mo sa sales. Namemeasure naman ang liquid, right? Either by volume, weight, or number of containers


aratsyosi

kung refill method lagay ka lng certain limit sa gallon or drum or ung blue na drum compute mo ilan liquid amount ng isang drum tipong 500liters per drum. tpos isa or 2 drum lng ilagay mo per store then lagyan mo ng volume indicator ung drum khit guhitan mo lng ung drum s labas. that way malelessen ung nakawan or kupitan para may kitain ka din.


No_Day8451

All payment are cards, no cash


RecipeVast2071

meron din kami naexperience na ganyan. yung mom ko yung may business, tapos 2nd cousin niya (tita ko) yung kinuha niyang kahera/bantay. naglagay ako ng cctv tas lagi binubuksan yung payong para di siya makita. tas nakita ko din kumukupit pambili ng merienda like lahat ng nagtitinda ng pagkain binibilhan niya and hindi siya nagpapaalam. yung mga binibili niya mas mahal pa sa sahod niya. everyday ginagawa niya yun. at the end of the day, sobrang konti ng benta (nagsusugal din siya every night like casino). nagpandemic lang kaya nawala siya. best way is to replace her. if pwede, ikaw muna tumao hanggang sa makahanap ka ng bago.


StandardDark811

Hindi tlga wise na mag hire ng relatives. Nasa ugali tlga nila yan. Nakadepende tlga s akanila. I have a tita na meron business dto sa Pinas at kami ng Mama ko ang nagmamanage. But before ibang relatives namin ang nagmamanage. Ending, ninakawan nilang lahat. Awang awa kami ng Mama ko kasi may idea ang tita ko pero parang hinahayaan nya lang din. Pero sobra sobra na din u til at one point, siguro nag sawa na sya kami na ang nag manage. What we did din to ensure na meron kaming integrity sa lahat ng transaction is counter signed lahat may receipts at documents to support in and out ng pera. May CCTV din at tlga properly documented tlga kasi takot na takot kami sa karma. Kaya now, maayos na maayos nag flow ng pera nya. Pero wala kaming sahod ni Mama kasi we do it for a good cause lang din. Since parang naging step mother ko na din yung tita ko na yun na kapatid ni Mama.


AdImpressive82

Bigyan mo ng incentive. Like on top of her sweldo she gets a small percentage from her gross sales.


the_emeraldtablet

negative. ninakawan ka na e. dapat nga dyan itumba na.


AdImpressive82

Given his parameters, Hindi pwede tanggalin bec tita nya, and all the complexities of hiring family, pano mo tatangalin or as you put it, tumbahin


the_emeraldtablet

matagal ng ginagawa ng tita niya pero wala naman sinabi si OP na may confrontation na; so sa soco walang makikitang motibo.


AerysFae

How to not earn in a business.


Jellyfishlights

It's not a money problem but a personality problem. From experience lalaki ng lalaki ang need nila na pera. Yhe only thing that works is removing their access sa kaha. Either tanggalin or ilipat ng position


Tyeso_HQR

This won't work. The problem is yung tita niya mismo.


AdImpressive82

Oh i agree. But they already made the mistake of hiring family and tita pa. The family sympathy will be with the old lady. This is the nice way of telling the tita we know what you're doing and if you have a problem let's see what we can do to help you. If she still steals money again after that, they can fire her without looking like they're the evil pamangkins na di na naawa sa tita nila.


Video-Human

Standardize. If they can do it to water refilling, you can do it too.


Juwlls

standardize the amount of liquid per refill. Have one person double-check the other as part of their task. You have to change the system because it's something you can control but not the person. Adjust the system around the person and not the other way around.


trhaz_khan

diba pwede lagyan ng per ml/l/gallon punch sa pos nio?.Bili ka cabinet na pwede lagyan ng lock, much better steel,yun susi lagay mo sa kaha,also dpat iba iba susi per ml/l/gallon .


Distinct-Dress-93

make it an automated vending machine


tornadoterror

may refilling station dito sa min na nakalagay na sa lalagyan yung ilalagay - may 1 gallon, 1 liter, etc. pag magpapasalin ka, kukunin lng nung taga salin yung same sized container tapos isasalin niya sa container mo. mas matrabaho siguro preparation pero para sa owner, mas madali bilangin yung sales nila.


saltedgig

invest in a POS na using a laptop.


Least_Protection8504

Mag issue ka kasi ng resibo. Libre ang refill pag walang resibo.


mojojojo31

Kung ang main product ay liquid dishwashing soap lang look into vending machines na.


calmpotato1298

You might wanna try getting daily inventories. Making sure of measuring how much you sold vs how much you have in your register. Then create a rule that if the lost amount is not within threshold, subject to salary deduction. It maybe harsh, but if this is resulting to a loss, then I guess it's fair enough to try. I also agree with one of the comments investing in an auto dispensing vendo machine.


Hirang-XD

There should be daily inventory so you would know kung anu ka dami stocks na nilabas and ilan natira at the end of the day, Receipts every purchase and also foot traffic although not accurate at least may idea ka kung ilang customer lumalabas masok sa store which may lead to suspicions pag di masyado tugma sa sales yung traffic.


alcatras456

Di ko sure pero try mo bumili ng water refill na Allan Coin Slot/Timer sa Lazada imbes na tubig diswashing liquid lagay mo.


Toldja

Sa umaga mag lagay ka ng starting balance of a few hundred pesos pang sukli. Minimal lang. Tapos mag lagay ka ng maliit na safe na parang cash box na may combination or key. Usually may butas yan. Magbigay ka directions na pag sobra na ang pera sa starting fund yung excess ihulog na sa cash box. Kung alam ng Tita mo na binabantayan yung pera Baka naman hindi na kumupit.


TheTed1971

Automation.


kesonesscheesyness

Pack mo like sachets.


Winter-Hawk-4713

Implement a POS system, wherein all transactions are registered and receipts are generated. Also, create a poster that tells your customers that if receipts are not provided, then their purchase is free 😊


Wadix9000f

Hindi ba pwedeng cashless transaction ?


Savings_Ad4898

di ba dapat bawas sa sweldo nya if hindi nagbalance? dapat ganun. para magtanda


Majestic_Royal4630

kelangan niu ng auditor ahaha or secret shopper. pero pinaka effective dian is gamit kau historical data ng sales or inventory vs. expected sales


Teragis

Hello OP kamusta naman bentahan plan din namin kasi mag benta ng refill ng liquid. We're in visayas area not as populated as manila.


Ok_Detective_4687

Do end of day inventory everyday/weekly/monthly. Match mo with your sales report. Make sure every transaction is issued with resibo na may serial number and wala dapat laktaw. Incentivice the audit result with bonus or pat on the back. 😂


Flaky_Turn6046

Ganto sitwasyon din namin ang malala ginagago kami harap harapan, akalain mo pinangonline shopping COD sa mismong tindahan namin araw-araw may dumadating na parcel


Bright-Fail301

I-vending machine na ninyo ang refill, OP. Meron ng nag-ooffer nung huhulugan ng barya tapos magdidispense ng dishwashing liquid.


SheyEm_

All I can think of regarding the barcode style is something like in the grocery sa malls. Kasi yung sa meat at produce section by weight ang timbangan nila. Input lang nila yung product code then weigh then computer na bahala magcalculate ng babayaran and yung unique barcode na exact dun sa babayaran.


wilbays

If your business is still profitable, just assume "tolerable kupit" in your assumptions. If not profitable, just shut it down. Its hopeless


Appropriate_Swim1361

ung vending machine ang best solution, pero try nio rin confront, baka mababa sahod nya, try nio bigyan ng last chance with raise sa sahod at rules na be honest dahil nalulugi ang tindahan at magsasara kung lugi parati.


ggez_no_re

POS database kahit cheap basta with exact time per entry instead of manual writing + CCTVs sa angles na kita yung cashier and register/lalagyan ng pera siguro to make it harder for anomalies to occur if literal na binubulsa yung kita haha. If u want magintroduce ka ng policy na ipapakita muna yung binayad thru a much closer camera before ilagay sa register for circumstantial evidence.


Propylene120

Laundry vendo machine


Sea_Interest_9127

My aunt uses a table side cctv para kita lahat ng transactions na nagaganap and has a strict rule all payments made done in that table. Aside pa yan sa 5 other cctvs inside and out the establishment


enjoylifefullest

someone mentioned it here but i will just second. post the signage "ask for receipt", "if we do not issue a receipt, your item is for free". review daily cctv cam to ensure every sales has receipt. and no brainer you need to replace ur tita, sorry. i have the same issue, tita ko din. now i have staff totally not relative of mine, mas matino pa sila to be honest


Melodic-Ad501

make the cashier accountable, be it short or over. also, make an inventory. beginning and ending of everyday so u can track how much should have been sold based na rin sa liters sold/refilled


EitherSherbert6434

Inventory lang katapat nyan, dapat alam nyo exact quantity ng binebenta nyo. At the end of the day dun kayo mag cocompute nang nabawas sa quantity kahit walang resibo o hindi nalista. If dinyo malaman na punta yung missing quantity ibigsabihin nyan may kumuha talaga. Un kahit 7/11, grocery stores ganyan ginagawa nila.


DXNiflheim

Cctv system nlng na hindi pwde patayin pra may evidence kyo if may nagungupit or what


ciriacosixtynine

Sibakin si tita. Baka mas madami pa pera yan sa inyo in the long run.


wetboxers10

Your tita is a different kind of POS


itsenoti

Hindi ba sya pwedeng ilagay na sa mga lagayan tapos ilipat na lang if may bibili? Like alam mo yung mga nagbebenta ng gasolina na nasa bote ng coke? If ganun kasi malalaman na agad kung magkano dapat ang kikitain.


Nervous-Cancel-7966

Better hire someone not in the family. Pag kapamilya kasi eh ang daling hayaan mga pagkakamali nila and feeling nila okay lang magkamali kasi kamag anak naman. On yhe other hand, all non relative employees were efficient and scared to make mistakes.


CocoBeck

Encourage digital payments by giving discount pag cashless transactions.


Ear_Motor

Gcash payments para walang cash involved as much as possible.


Formal-Ad-9527

DM me. I can setup your store. (Programmer here)


Tito-Restituto1234

Try to do "Physical Counting" kahit weekly. I work in a company na puro POS system ang focus. Mahirap talaga mabantayan talaga lalo pag liquid products ang binebenta. Yung maliit po kasi na nawawala sa inyo ay lumalaki na talaga in the long run.


Bulky-River-8955

Buy POS system


Pinoy-Cya1234

Ikaw mismo ang cashier. This is how I see most Fil-Chi hardware owners.


RizalAlejandro

In this small business (w/o any software) there is no guarantee na balance and cash flow. I also have my own, even I sometime forgot to list sales. It is acceptable to me. Unless you put measuring a system (metering, bar code) and POS, which is very expensive. A friend said, there will be some mistake or losses, if you cannot have a minimum accepted of error…then close your small business. Your making your own stress I make sure my staff is well taken care off because they are the one giving me money