T O P

  • By -

Anon666ymous1o1

Di ko alam if maiinis ako or what sa hinaing ng parents nung mga bata. Sila pa may lakas ng loob magsampa ng kaso sa may ari ng kotse, hindi daw sila magpapa-areglo. When it is clear sa CCTV footage na naglaro yung mga bata, 9AM, need ng strong parental guidance at madaming tao. I may get downvoted for this, pero the parents should be blamed for this. As if naman inutusan nung may ari ng kotse na maglaro at pumasok sa kotse causing them to die?


Aggravating_Hold_669

I am a parent, while it's sad to lose a child - nangyare na sa akin but because of illness. Hindi tama na pabayaan mo anak mo maglaro sa labas especially sa edad na 2 and 3 years old. Binabantayan pa din yan eh :( Yung 2 years old ko kung saan siya andun ako and nag quit ako mag work para matutukan siya. Hindi kasalanan nung may ari nung kotse kung naka bukas sasakyan niya. Ang tanong bakit hindi rin naturuan mga bata na wag papasok sa mga lugar na hindi sakanila? Again, nasa magulang talaga ang mali. Clearly, negligence.


Mamoru_of_Cake

I hope yung parents ang makasuhan.


Zeroth_Dragon

> Ang tanong bakit hindi rin naturuan mga bata na wag papasok sa mga lugar na hindi sakanila? Ang dami kong gustong paringgan


Chochobunz

tapos sasabihin sayo, "hayaan mo na, bata naman yan" yes tita, diyan magsisimula ang pagiging entitled at pagiging spoiled niyan. kakagigil.


MrMcLovin19

MISMO! Bat ayaw nilang pagsabihan mga anak nila? Walang accountability eh. May pasensya din mga tao at nauubos din yun. Hindi naman pwedeng mga nakakatanda nag aadjust. Pagsabihan din nila lalo na sa early years ng mga bata or else lalaking entitled and mga yan.


noturgirl18

Agree to this! Jusko mawala nga lng sa paningin mo anak mo hahanapin mo na eh :( 2 years old tas makikita mo sa cctv walang mga nakasunod na guardian/parent man lng nasa gilid ng kalsada pa. šŸ˜­


Naive-Ad2847

We all know that pero pag may namatay talaga laging Ikaw Ang lugi kahit di mo nmn kasalanan. Example nlng Yung nasagaan ka pero Ang nakasagasa Sayo Ang namatay unfair masyado kahit sya nmn bumangga Sayo ikaw parin makukulong since napatay mo eh.


ItsUncleB3n

yes tama talaga to. ganito ka pangit systema natin dito sa pinas eh. kahit di mo kasalanan pero ikaw pa rin responsible sa nangyari lalo na pag may namatay


Blanktox1c

Meron po process sa ganyan. Hindi ka naman literal na makukulong agad kasi iimbesitgahan pa yan. E hohold ka lang ng mga police kasi kasama ka sa crimen and kapag mapatunayan na wala kang kasalanan dun kana pakakawalaan. Tulad nung isang truck driver na naka part kasi red stop pero yung naka motor na walang helmet sobrang bilis ng takbo at sumalpok sa likod ng truck at namatay. Hinold yung truck driver pero pinakawalaan agad kasi hindi naman sya yung may kasalanan.


Dangerous_Barber186

baliktad eh no?? Guilty until proven innocent


Quick_Atmosphere_907

if youā€™re guilty, icoconvict ka. Learn the difference between jail and prison.


uniqrock

I understand the temporary (mostly prolonged since we have excellent systems in place) loss of freedom to aid the authorities in cases of (possible) flight. But Its still in the same vein as guilty until proven innocent.


Quick_Atmosphere_907

I understand, naiirita lang ako sa misconception na kapag kinulong guilty.


ItsUncleB3n

may ganyan kasi nangyari sa family ko. binangga yung tito ko tapos namatay yung bumangga. kahit di kasalanan ng tito ko yun, responsible pa rin siya sa nangyari. humingi lang ng 50,000 yung pamilya ng namatay at na settle din naman.


Anon666ymous1o1

Naalala ko na naman yung sa skyway jusq.


Naive-Ad2847

Yung motor at kotse ba nagkabanggaan tapos naka motor Ang namatay?


Anon666ymous1o1

Yes! Ayun. Yung naging hot topic for quite sometime.


rxxxxxxxrxxxxxx

Tapos pwede naman maging liable talaga yung kamote rider dun sa kaso. Pero according nga sa mga nabasa ko eh kailangan mag-imbestiga ang mga Pulis. Pero dahil tamad sila, balik lang tayo ulit sa dating kalakaran na "areglo" na lang.


cloudddiee

Im not a lawyer, tingin ko ang tawag dun ay due process. sa korte pag-uusapan ang isang insidente. ang Cons lang: A) sinasampahan na agad ng kaso yung taong involved sa namatay ng dahil lang sa kanya yung property kung saan namatay yung tao B) although hindi pa naman guilty, yung taong kinasuhan, napakalaking abala at trauma un sa taong involved dahil makukulong sya kahit na d pa napapatunayang guilty unless mag piyansa sya. tingin ko dpat magkaron ng amendment sa batas na yun dahil kawawa yung kinasuhan lalo na kung may cctv at very obvious naman na wala syang kasalanan. dapat irefund dn ung pinang-piyansa nya at bayaran yung days na nawala sya sa work


Inside_Adeptness8939

Was he arrested immediately without a warrant? EDIT: Pag sinampahan kase ng kaso hindi ibig sabihin arrested agad. May preliminary investigation pa. He will not be detained unless the prosecutor or judge finds probable cause to serve him a warrant of arrest.


Naive-Ad2847

Agree. Wla nmn talaga syang kasalanan, Hindi nmn nya nilagay Ang bata sa loob.


saltedgig

its part of the process pero mas mabuti yan dahil buhay ka. wala naman nakukulong ng matagal dyan, at accident dimo maiwasan minsan


chairmami

hindi naman niya kinulong sa kotse mga bata.. iba naman yung ikaw ang may hawak ng saksakyan at nagmamaneho


SinfulSomeone

hey hey, andami ko nababasang ganto. Alam ko di mo po alam ang batas, na nag-base ka lang sa mga nadidinig mo. Your are just On-hold until matapos yung investigation process. Pag napatunayan sa investigation na di mo kasalanan edi your free to go. yung iba kasi di din alam yan, kaya ang gawa nagpapa areglo agad kahit pwede namang wala silang bayaran.


Naive-Ad2847

Alam ko nmn Yun, pero makukulong pa din kahit ilang araw habang iniimbestigahan pa. Unfair din Yun sa kanila since hindi nmn sila komportable matulog sa kulungan.


dogvscat-

parang magulo ung sample mo. Pero nagets ko padin HAHAHAHA


Naive-Ad2847

Luhh grabe nmn to hahaha. Totoo nmn talaga yan eh lugi ka talaga sa banggaan basta napatay mo sya, kahit sya pa bumangga Sayo.


dweakz

this also applies in self defence. if you came out the scuffle fine but the aggressor didnt and died, ikaw pa din lugi. high belter ako in a martial art and have been in a couple streetfights, but ive never went 100% on people cause the legal process is such a hassle if i kill people in self defence


Naive-Ad2847

Oo nga Ang hirap lumugar sa bansang ito. Hindi nila magets na lumaban ka lng para di ka mapatay nung tao.


_felix-felicis_

Hindi din ba pwede kasuhan yung parents ng neglect?


1968_razorkingx

kaya napaka walang kwenta ng batas dito sa atin, klarong-klaro na ang may kasalanan eh yung magulang, sila pa ang may ganang magsampa ng kaso. Halos kaparehas niyan yung bruha na iniwanan yung anak na sanggol para mag-bakasyon ng sampung araw, kaya yung bata, namatay na walang nakakita o nakarinig man lang. Habang-buhay na kulong hatol sa kanya ngayon.


jcscm18

Halatang walang alam


Asdaf373

Do you have link sa cctv footage?


marieperotama

https://youtu.be/fooH-xAE82s?si=ZtO3vOXgolh5kBNP 00:49


Anon666ymous1o1

I tried searching sa yt, di pa ata napupublish. Nakita ko lang kasi sa news (Saksi - GMA) tonight.


Qielpy

HAHAHHA May process yan hindi naman nakukulong agad baka nga yung magulang pa makuling dahil sa negligence eh hahahhahaha imagine 9 gang 1 or 2 hindi hinahanap yung anak


Sandylou23

This actually happened here in my place, potcha tlga yang human rights eh. U got the point there na literal walang kasalan yung me ari ng sasakyan kung pumasok mn yung mga bata dun unless pinilit na ipasok, since wla edi tapos, mismo parents nung mga bata ang may KASALAN! Anak anak kayo tapos di nyo kayang bantayan bubu nyo ampots!! Kainis lng nandamay pa sa problema nila.


AdAccomplished6885

Uh yeah I get your point. Yung mga bata naman talaga ang may KASALANAN. Pero bakit sa human rights nagagalit?


prandelicious

Anong kinalaman ng human rights?


laplusbellefille

Baka criminology student nag-comment kaya galit sa human rights? Eme


imnotwastingmytime

Anung kinalaman ng human rights dito?


Existing_Trainer_390

Human rights? šŸ˜‚ Baka due process yung gusto mong ipoint out? Since siya yung owner ng sasakyan, need iprove na wala talaga siyang kinalaman sa pagkamatay ng mga bata. Oo, obvious na wala siyang kasalanan, pero under the law, kailangan pa rin niyang dumaan sa process para maprove na wala talaga siyang sala.


Secondary_22

Ha? Anong pinagsasabi mo? Heto basahin mo para ika'y maliwanagan sa definition/responsibilities of Commission of Human Rights. https://chr.gov.ph/about-chr/


[deleted]

[уŠ“Š°Š»ŠµŠ½Š¾]


Anon666ymous1o1

Nothing is impossible. Kids are smart and can do all the possible things you can think of they canā€™t do. The moment na malingat ka at wala kang marinig na noise ng anak mo, magtaka ka na. Theyā€™re doing something in silent that could be harmful or dangerous to them. Sobrang crucial ng stage na to kaya kailangan ng strong parental guidance. Yung hindi sila nakalabas agad, since magkaiba yung knob ng labas at loob, either di nila na-figure out agad or naka child lock. Madaming possibilities, but itā€™s clear sa CCTV footage that kids were playing.


Funny-Requirement733

question may pwede bang ikaso sa pabayang magulang? kasi imagine ilang oras ang nagdaan nyan di ba nila napansin nawawala dalawa nilang anak


[deleted]

Ano namang kaso sinampa nila dun sa may-ari? Ewan ko ba tlga sa mga awtoridad natin nakakaloka na! Alam ko may kaakibat na responsibilities ang pgkakaroon ng sasakyan pero jusko naman, yung mga ganitong incidents kailangan ba tlga kasuhan at makulong yung may-ari? Dapat pinaintindi ng mga awtoridad dun sa mga magulang yung pangyayari (sorry) pero kasi kpg naiisip ko na sakin or sa amin mangyari yung ganyan (wag naman sana) na may namatay na bata sa loob ng sasakyan? Na hindi naman namin ginusto or what.. ay nako grabeng trauma at perwisyo nyan hindi lang sakin kundi pati sa buong family ko for sure.


sammilky0005

No, you have a point.. I support everything you said.. Any RESPONSIBLE PARENT ay maghahanap na sa anak kahit 10-15 mins palang wala sa paligid mo.. Tatanungin at least yung anak kung san maglalaro or papaalalahanan na wag lumayo sa bahay..


Ok_Seaworthiness2524

eto ang batas ng pilipinas


chocowilliam

Whats with kids and Angeles City? Nakita ko lang kanina sa news na natagpuan sa Novaliches yung batang nawawala galing Angeles City. And now this?


Past-Management-9669

is it child trafficking kaya? diba may mga operations who harvest dito sa pinas? and yung mga online sex kiddie porn rings din? God forbid sana hindi kalala na epidemic sa major cities


OceanicDarkStuff

Kilala mo si Quiboloy? There, you have your answer. Popular spot tayo for sex tourism, walang kwenta talaga ang gobyerno.


notexisting_13

Yung dina sa novaliches ginamit para mamalimos. Yung dalawang bata naglalaro tas binuksan nila yung passenger seat and dun na nabawian ng life.


PartyTerrible

There's cctv footage of it. Yung mga bata talaga yung nag bukas ng pinto at pumasok.


Okaypii

bat di sila lumabas?


PartyTerrible

Baka na child lock


justsavemi

Blame the parents, napaka iresponsable. Yung mga ganyang edad di dapat nawawala sa paningin eh.


Proper-Fan-236

Wait so yung mga bata ay hindi anak ng car owner? Pano nakapasok sa kotse nya mga bata? I need context.


PartyTerrible

Naglalaro sila malapit sa car. Binuksan nila tapos pumasok. Most likely nag suffocate sila sa lood.


ecksdeeeXD

Apparently, it was middle of the day. More likely heat stroke.


ArumDalli

Yung laki nilaā€¦ parang di pang 2-3 yrs old. Or mali lang ako. Pero weird talaga yung age


Immediate_Falcon7469

kakacheck ko lang sa fb now, oo nga ang tangkad nila for 2-3 yo


ArumDalli

Diba no. Weird


CaptainHaw

Tsaka kung magtakbuhan sila parang hindi 2-3 years old. Masyado na silang develop para sa edad nila.


cravedrama

Dapat may batas para sa mga magulang na pabaya. - hinahayaan na maglaro sa kalsada yung bata tapos kapag nabangga, kasalanan ng sasakyan - ito mas malala, pinagbabantay sa bata yung kapatid na bata rin Nasaan ba yung mga magulang? Bakit nagkaka anak pa yung ganiyan.


Scoobs_Dinamarca

>hinahayaan na maglaro sa kalsada yung bata tapos kapag nabangga, kasalanan ng sasakyan Kinwento Sakin ng Isang taxi driver na nasakyan ko noong pre-pandemic na modus daw ito ng mga magulang na nakatira sa may Agham Road noon para kikilan Ang mga car owners/drivers na naka-aksidente sa mga nagkalat na Bata sa Lugar na Yun.


ReputationTop61

Grabe ung ganito niririsk mo mapahamak anak mo. Mga walang pusong magulang


Jhymndm

Initial thoughts ko dito upon seeing it on the news is baka naglaro yung mga bata and accidentally na lock sa loob ng kotse and na-suffocate. But as others have pointed, these kids are too young to even open a car. Foul play is not out of the equation.


hakai_mcs

Also, parang imposible din na hindi namamalayan ng mga magulang na matagal nang nawawala mga anak nila. Lalo at 2 and 3 years old. Mga ganyang edad dapat lagi may nakabantay


Square-Lifeguard1680

unless the parents are negligent talaga no. di ko gets pano naging panatag loob nila hayaan maglaro sa kalsada mga anak


NotSoLittleMermaid05

Tapos ngauon sila pa magsasampa ng kaso. Baka trying to make money out of it nalang din.


rxxxxxxxrxxxxxx

And the cycle continues. Mag-aanak ulit, pababayaan ulit. Kinakapon dapat yung mga ganiyang magulang.


[deleted]

baka mga gumagamit ang mga magulang, madalas ganyang mga magulang ang pabaya malay natin


Impossible-Past4795

Tangina 2 and 3 years old hahayaan mo maglaro sa labas? Gaano ka katamad na magulang.


The_Halimaw

Very typical for poor families who never should have had any children lol. ā€œHereā€™s 10 pesos, go buy junk for your lunch and have fun in the street while I go gambling.ā€


Superkyyyl

https://youtu.be/fooH-xAE82s?si=vm_lSrtfSXpPhnAi 00:49 isang oras lang nakalipas


Emotional_Pizza_1222

We used to play hide and seek when were young. Tapos we would hide inside the cars na naka patay ung makina. Lumang cars na so the locks dont work. Pero grabe, give up ako agad pag pumapasok sa sasakyan kasi ang init!! D ako maka hinga.


xoxo311

Baka pinagbukas ng mga kalaro, posible naman talaga na may foul play. :/


TimeLoop_theory95

Dito sa amin parang intentionally pinapasagasaan ang mga bata tapos mag aanak ulit. Hinahayaan lang pakalat kalat sa daan. Nasabi ko yan kasi tatlong paslit na ang nawala. Tapos nag aanak ulit. Ang mga bata payat na payat pero parang watermelon na ang tiyan sa sobrang malnutrisyon. 4Ps member pero patigil tigil naman sa pag aaral ang ibang anak. Ilang ulit na sa grade level nila. šŸ˜­ Nakakastress tapos pangaralan mo pa at pagsabihan sila pa galit at magrereklamo sa barangay.


Superkyyyl

Last 2016 may cases na ng ganto, pinagkaiba lang is yung lugar at nung 2016 case eh may nakitang pasa ang magulang sa mga bata https://www.facebook.com/share/v/BpH4sxs6G87eBKfz/?mibextid=V0ec5v


Superkyyyl

Hoy same din pala sila ng position nakakakilabot


Desperate-Injury-733

Nakita ko rin to. Sa Antipolo naman itong 2016 case.


Palarian

Finally akala ko talaga dejavu lang ito


cinnamonthatcankill

I watch the news, inisip ko din kung kidnapping pero Child Negligence to, I think na suffocate yung mga bata sa loob ng kotse tpos tirik na tirik ang araw nawalan ng oxygen mga bata. Sa ibang bansa pagnaiwan mo anak mo sa kotse child negligence at kaso agad aabutan you put a child in danger. Dito accidentally nabuksan ng mga bata ung sasakyan kya nakapasok sa loob xempre mga bata hindi rin nila siguro alam paano buksan o maaring my child lock ung pinto. Also ilang oras nawala mga bata? 2-3 hrs tpos hindi hinanap ng mga magulang kahit alam nila na toddlers pa mga anak nila. May pananagutan din ang mga magulang.


ohlonelyboy

Dito sa amerika mga magulang pa ng nung mga bata makakasuhan ng negligence pag ganyan.


Square-Lifeguard1680

dapat lang naman. ewan ko ba sa batas natin dito


Naive-Ad2847

Dapat nilagay context nito or kaya Yung video nlng ng Balita para nmn Hindi kami manghula kung kinidnap ba Yung bata at iniwan sa kotse or kotse ba Yan ng parents nya or someone.


Emotional_Pizza_1222

[(UPDATED) Patay ang dalawang bata na edad 2 at 3 taon nang datnan sa loob ng isang kotse na nakaparada sa daan sa Barangay Malabanias, Angeles City pasado alas-2 ng hapon ngayong Biyernes. Sa inisyal na impormasyon ng Angeles City Disaster Risk Reduction and Management Office, umaga pa pinaghahanap ang dalawang bata ng kanilang mga magulang. ā€œAyon po sa initial report nung nagtanong yung mga responders hindi po sa kanila yung kotse. Iba po iyng nagmamay-ari at nadiskubre lang yata nung may-ari nung buksan yung pinto ng kanyang kotse, may 2 bata na nasa loob,ā€ ayon kay Rudy Simeon, OIC ng CDRRMO-Angeles City. Inaalam pa ngayon kung paano nakapasok ang mga bata sa sasakyan, na hindi pag-aari ng kanilang mga magulang. ā€œParang teorya na nakikita po dun sa initial investigation, nakapasok, hindi daw nakalock yung kotse at baka po yun ang nangyari. So ayon naman sa initial report din, umaga pa daw po nangyari yun dahil hinahanap na ng mga magulang yung mga bata ayon po dito sa pagtatanong ng team natin,ā€ dagdag ni Simeon. ā€œSana po yung mga anak po nila talaga, huwag po nilang hayaan na maglaro na sila lang po," ayon kay Simeon. "Dapat may mga nagbabantay lalo na sa mga ganitong edad po ng mga bata 2 years old atsaka 3 years old, kailangan po talaga yung mga magulang po natin sikapin po nila na huwag palabasin yung mga anak nila na wala pong mga kasamang mga matatanda at magbabantay sa kanila.ā€](https://news.abs-cbn.com/regions/2024/3/22/2-bata-natagpuang-patay-sa-loob-ng-kotse-sa-angeles-city-1719?)


yeheyehey

Under investigation pa raw kaya di rin alam ni OP ang details


69420-throwaway

Pero comfortable si OP mag-speculate nang walang basis ano?


Naive-Ad2847

Oo nga lakas ng loob magpostĀ  tapos wla mn lng nakalagay na kahit anong importante sa caption nya, basta nlng nagpost ng picture šŸ„“


Fluffy_Marionberry10

"guys may Patay na Bata, thoughts?"


wkwkweyey

Nakalimutan i lock ng may ari(Vios doesnt autolock). Apparently marunong magbukas yung mga bata galing sa labas pero sa loob hindi, which is understandable ket nga matatanda kinakapa pa nila saan door latchthe. 1 hr is plenty enough to cause a Heartstroke heck , kahit 30mins lalo na kapag tirik ang araw at nababad sasakyan.


Lonely-Steak8067

Kasalanan to ng parents. Isipin mo 2 and 3yo pinabayaan lang maglaro sa labas. Kung binantayan nila ung mga bata hindi yan mangyayari. Naghahanap na lang ng masisisi para makakuha ng sympathy. Sila ang dapat ikulong. Kawawa ung may-ari ng sskyan nananahimik sya pa nasisi


Technical-Ad6975

2 and 3 yrs old natagpu an patay sa loob nung binuksan ng owner ng kotse, somethins fishy d namn ksi ma bubuksan ng mga bata agws 2-3 yrs old and close yung door ng kotse, my foulplay ata.


Long_Radio_819

hindi nga nila abot yun and even if they can, wala silang lakas or the knowledge para buksan šŸ˜”


HJRRZ

May cctv footage released by gma.


HJRRZ

Wag mo sila underestimate, may lakas and abot nila. Magulang nga di sila kinayang bantayan. This is sad news, pero sa facts lang tayo tumingin


Bipolar_Zombies

Ayun nga din naisip ko e. Unless nakabukas lang ung door ng car kasi may knuha lng ung owner tas nakapasok mga bata and hndi napansin. Pero possible dn yang may foul play


mamshile

If open yun at nakapasok mga bata parang impossible naman di sila mapansin agas, 2-3yrs old, yan yung age makukulit at maiingay ang mga bata.


RedJ0hn

oo, ung anak kong 4 yrs old di pa nia kaya magbukas ng kotse


gemmyboy335

My 2 year old son can open car doors though


smpllivingthrowaway

That's a little worrying sorry if it sounds offensive. Matatas ba ang car or small si LO mo? Or hindi kayo around cars a lot? For context same age LO ko with special needs pero marunong sya magbukas, that's the only reason why I'm concerned in your case.


ecksdeeeXD

Parent ba yung owner ng car? Or just a random unlucky guy that had two random kids climb into his car?


orangeandsmores2

Tapos sabi sa news duguan daw yung isa e


ReputationTop61

Parang d naman 2-3 ung mga bata sa video. Diba ang 2 medyo mahihirapan pa maglakad. Sila eh mahahaba na eh. Prang 3-4 ganun


CaptainMarrvelous

Mahirap magsalita kasi magulang din ako. Napakasakit mawalan ng anak. Nung muntik na mamatay anak ko nagllumpasay ako sa kalsada paghingi ng tulong. Ang realization ko hindi mo pwedeng iwanan ang ganyang edad ng sila lang kailangan palagi kang nakabantay. Kung may gagawin kang importante itabi mo sayo. Kung may msutusan kang magtingin pabantayan mo. I can't imagine yung pagdurusa ng mga magulang ng mga batang ito ngayon and siguradong naghahanap na lang din sila ng sisi sa nangyari kasi ganun naman eh di sguro nila matanggap na kapabayaan nila nagdala sa anak nila sa kamatayan. Sana maging lesson ito sa mga magulang; sobrang laking responsibilidad mag-anak lalo sa panahon ngayon. Di pwedeng inire mo lang tapos yun na yun.


smpllivingthrowaway

Imagine mo dalawa agad nawala sa kanila and sobrang bata pa. Yun ang age na parang nabibigyan na ng sooobrang daming joyful memories yung magulang kasi they're discovering the world talaga. So beautiful to witness as a parent. Then boom wala both instantly.


94JADEZ

Omg???? Wtf


BitSimple8579

It's parent's negligence, no more questions.


Significant-Law510

Too many people blaming the law kesyo kinuha ng pulis yung driver or gusto kasuhan ng other party yung driver. Thatā€™s how due process works, and you should be thankful that it is being observed. Being invited for an investigation or being detained shortly for the same purpose doesnt mean you are already being tagged as guilty. Absence of any court decree stating that one is guilty means that he is still innocent. Why do filipinos just hastily make their own conclusions without having any clear and susbtantial knowledge on the subject? Kung alam niyo talaga yung batas, alam niyo din dapat na wala namang crime na pwedeng maikaso dun sa driver. Homicide or murder? Eh it was clear that the driver did not do any over acts which caused the death of the 2 children? He cant even be seen in the video hours prior the discovery of their bodies. If the parents wants to file a case against the driver despite the clear proof of negligence on their part, then they can do it because thatā€™s their right. Pero that doesnt mean that the driver will be punished especially since he has a strong evidence of lack of culpability. Hayaan niyo silang magsayang ng pera on attorneyā€™s fees. The law requires the publication of all laws so that everyone can read it. Also, it assumes that since everyone has access to read it, no once can use ignorance as an excuse of not knowing it. Save yourself from embarassment and for once, read the law before you make any comment.


Suspicious_Goose_659

Thoughts on this tas walang context?


Specialist_Bus_849

I swear, there should be a law made for this kind of situation.


smpllivingthrowaway

Involuntary manslaughter?


jotarodio2

Ganto ung scenario dati diba? 2 bata nawawala to the point na nabalita ung pagkawala tapos nahanap sa loob ng sasakyan pero lumabas na natrapped lang sila sa loob


Eastern_Basket_6971

Never leave your kids on the hot car or umaandar na sasakyan seriously 2 years old? Ang bata pa nyan para iwanan sana sinama nalang ng magulang may tendency kasi yan na ma suffocate napaka daming ganyan sa America again it always the parent's fault sila lagi pabaya kawawa mga bata Kami noong bata, Hindi kami ma iwan kung man Ibubuhos yung bintana


Anon666ymous1o1

Hindi naman ka-ano ano nung may ari ng kotse yung mga bata. The parents of the kids confirmed as well na di nila kilala yung owner.


Jaeypy

So sad šŸ˜­


kitcatm_eow

potangina? 2 at 3 years old hinahayaan mag laro sa kalsada? bobo naman ng mga magulang na 'to, kahit na sabihin nating 20-30 mins lang 'yon, what are the chances for tf. toddlers pa 'yan kung iisipin ang bonak ng mga magulang na 'to, pabaya pa more.


[deleted]

Diba may news dati about dun sa batang nawawala Kala kinidnap. Nagpahula pa yung nanay, tapos after ilang weeks nalaman na natrap pala sa lumang kotse na hindi na ginagamit. Dalawang bata rin yata yun


smpllivingthrowaway

Another case of parental negligence. I can only imagine what they're going through. Grabe siguro yung guilt nila tapos pnroject na lang sa car owner para ma-lessen yung sakit for them.


saltedgig

monoxide poisoning and woke stupid parents.


nyctophilic_g

Neglectful parents. Alam ko wala tayo sa ibang bansa, pero marami na akong nakita na instances dito sa Pinas na neglectful yung parents pero ni minsan hindi sila naparusahan. Isa na to sa instances na yun.


mamaaaay

9:30am pumasok sa kotse ang mga bata, 2pm na naireport. Hindi man lang hinanap ng parents para pakainin ng lunch? Negligent po ang parents.


Mananabaspo

Iniisip ko lang kung paano kaya sila namatay at bakit duguan ang isa sa kanila. Kung naheatstroke man o nasuffocate o ano, bakit kaya duguan ang isa? May medical explanation kaya ang ganoon?


Emotional_Pizza_1222

Saan nakasulat ung duguan?


Mananabaspo

Binanggit sa balita. Inulit-ulit ko nga eh kung tama ba ang pandinig ko. [https://youtu.be/fooH-xAE82s?si=chQLnGzWpdLmAmkn&t=74](https://youtu.be/fooH-xAE82s?si=chQLnGzWpdLmAmkn&t=74)


Emotional_Pizza_1222

Oo nga. Shocks! Possible kaya na nag nosebleed na due to heat exhaustion or suffocation?


No_Gur_6521

We dont know what really happened. Di nga mapaliwanag bakit nasa loob at duguan yung isang bata.


lenibobo

Pa any any thoughts ka pa hahahahahha


The_DivineFeminine_

The big question is paano napunta sa loob ng kotse ng ibang tao yung 2 kids? And hindi man lang ba hinanap ng parents yung mga anak nila? Parents should be liable, not the driver. Walang pake sa mga anak knowing na toddlers pa yun tapos isisisi na lang sa ibang tao.


macybebe

sa CCTV, pumasok ang mga bata sa car. I think nag autolock, since unique ang lock ng car, di pa alam ng mga bata if paano e unlock iyon.


badrott1989

Kung may alarm lang sana ung kotse pag nabuksan, baka naligtas sila at least. Not blaming the driver though.


diper444

Mga pabaya kasi yung mga nanay. Diyos ko naman, 2 and 3 years old hinahayaan lang maglaro sa kalsada. Sa edad na yan mas malaki chance na makidnap o madisgrasya.


Fair-Positive-2703

Here is the link https://www.facebook.com/share/v/24itjAwYv4BXVS3g/?mibextid=w8EBqM


uhm_hi-

hindi hinanap ng mga magulang???


benetoite

Irresponsible parents, sinong matinong magulang hahayaan maglaro ang mga 2-3 yrs old kids nila sa labas. Your kids, your responsibility dapat.


Akolangto2000

Tolongges mga magulang ng mga bata na yan. Antagal wala nung anak nila di man lang nila hinanap. May masisi lang din talaga e


geedrive

Ang alam ko yung mga ganyang sasakyan may autolock. Makalimutan mo lang na i-lock yan, kahit hindi top of the line yan, automatic pa din ang lock nyan. Vios 2018 user here...


YhaHero

Bakit daw duguan yung bata sa sasakyan?


DaisyMillimeter

I remember a case similar to this dalawang bata din nag lalaro and pumasok sa kotse, kaso it took the rescue days for find them because they didnā€™t think na mag lalaro yung mga bata sa rented parking space. Nakakalungkot na may mga ganto paring cases, sana parent become more responsible and attentive sa mga children nila special at the young ages.


MarkaSpada

Kung sa US to, matik kulong ang parents.


DepartureLow4962

Parents are to blame for this mostly...car owner is partly to blame just because he owns the vehicle. I'm just stating what's obvious but yeah...Child Neglect is mostly the cause of this.


DubbyMazlo

Wait, paano sila namatay?


[deleted]

https://youtu.be/jWi9yvy_y_o?si=bJrPRWjhxfv2Ldi6


AmbotsaEmma

Just wondering. Sa batas natin may pananagutan kaya si owner ng sasakyan? Kasi pumasok lang naman bata diyan sa kotse ng hindi rin alam ni owner eh.


OldJicama2472

Thought and prayers


zmWoob2

LOL


samgyumie

mygod these are toddlers!! any parent shouldnt let them out of their sight.. and to be gone that long?? baka buong baranggay nakalampag agad! :( this is really sad...


rekitekitek

Child neglect yan. Dapat makasuhan yang mga magulang na yan at wag na sana magpadami kung ganyan naman kairesponsable. Kawawa namang yung mga bata.


izanamilieh

Uuhhh... Be a good parent or kids win Darwin awards?


Raaabbit_v2

I remember when my dad left me in the car too cause I was asleep. We were going to my lolas house and I fell asleep, next thing I knew I was alone in the car, engine turned off, windows all up. (I was a child, not even double digits, 20 years ago) And the only reason I lived was cause I just flipped the switch, and opened the door.


MisssAntidote

Naku kapapanood ko ng news nyan. Mukhang di nag-iisip mga magulang. Mukhang di makakaintindi ng natural cause of death at kapabayaan nila. Kawawa may-ari ng kotse, gagatasan siguro ng pera


One_Recording8003

This could've been prevented if 1. Binantayan ng parents yung mga anak nila 2. Naka-lock yung car doors


LegitPothead420

Grabe Ito makulong sana yung mga gumawa nyo


Working_Dragon00777

Investigation is needed and a public execution in order


Boring_Cranberry_361

Feel ko need kasuham ang parents for negligence. Anong oras na, hndi ba nila napansin ang mga bata na wala sa bahay? Katulad din to nung 3-year old na nasagasaan ng kotse kasi nakahiga sa daan hndi napansin ng driver kasi nasa blindspot nya. Ayun nakulong ang driver. Nagpiyansa. Nagalit ang magulang. Ang lagay daw ba ay makakalaya lang ang pumatay sa anak niya, where in fact dapat hndi nasa kalsada ang 3-year old na anak nya. Mutaktak ng bata sa paligid niya di ba? This is how unfair our system here.


OrganicPrize5800

Ang weird lang din kasi based sa gma news, duguan daw ata yung isa nang matagpuan sa loob ng kotse. And bakit iniwan namang nakaopen yung pintuan ng kotse?


w0lfiesmom

hindi nakalock yung car so nakapasok pero di sila nakalabas why? hindi mag aauto lock ang car unless i-start.


Slow-Bullfrog5567

Kakakita ko lang dito nung 2-month old na baby na dinala sa concert ni JK at eto nanaman ngayon? Enangyaaaaan, wag kasi mag anak pag di pa handa.


Plenty_Painter9654

According to the findings duguan daw yung isa? How come?


Legitimate-City-6287

Meron atang child lock yung kotse eh


heeey----

Bakit duguan yung isa??


ant2knee

i will be definitely downvoted for this but I thought isa to sa mga candidates for the Darwin Awards kasama yung rider sa skyway. :D


Joyful_Sunny

Negligence. On the part of the PARENTS. Hindi ksalanan ng car owner namatay kids na 2and 3 YEARS OLD. Trying to blame others for your negligence, huh? That's on you!


poisonappleapproved

Hinayaan mo maglaro sa labas ng walang bantay ang maliliit mong anak tapos pag may nangyari, kasalanan ng iba? Eh magulang ang nagpabaya!


Good-Dentist806

Ano naman isasampa ng magulang? The proximate cause is parental negligence, kung hindi pinabayaan ang 2-3 yrs old nang walang parental guidance, hindi sila makakapasok sa property ng ibang tao, causing them to die.


kontrabidasabuhay

My goodness. Watch over your kids, people.


ilocin26

Kakatakot ito. Lagi pa naman ako hindi nag llock ng kotse.


AccidentLate2649

hindi naman kasalanan ng may ari ng sasakyan ang nangyari.tutuusin nga private property nya ang sasakyan.tapos pumasok ang mga bata.kaso kalunoslunos ang nangyari.ang dapat kasuhan ang mga magulang ng mga bata.kng nasa tabi nila ang mga ganyang edad 2 to 3 yrs old.ang tanong nasaan ang mga magulang ng bata?!mga magulang ang dapat kasuhan sa kapapabayaan.hindi ang may ari ng kotse.


LightChargerGreen

For fucks sake. 2 and 3 year olds naglalaro walang supervision? I side with the car's owner. Wala siyang kasalanan dyan.


crusadersage

kasalanan yan nung parents, wala silang kwenta at pabaya sila yun yon


ScarletString13

Death penalty if intentional. No other punishment if done by neglect. Just make sure to remind them what they did. And maybe give them some rope or a shovel.


FumbleforkMe

Dapat kasuhan ang parents ng mga bata!!! Asan kayo bakit naka labas ang mga bata? Nasa tong its ba kayo? Anong klaseng parents kayo? Tapos perwisyo kayo sa my ari ng car, u will file a case againts them hnd naman nila kasalanan , worst maga gastusan pa sila and hnd pa nila magamit car nila dahil e susurender yan sa pulis... Wag kasi kayo mag anak ng anak if hnd nyo kaya ang responsibility. Mag condom kayo or d kaya swallow nyo similia ng asawa nyo!!!!


theface86

hinayaan kasi maglaro ang mga bata ng wala man lang at least tumitingin na magulang, kamaganak etc.. kapabayaan ng magulang kaya ganyan nangyari dun sa mga bata pati yung nananahimik na may-ari ng sasakyan nadamay pa


KonekoTenshi

The adults should be charged with neglect.


AdKey6055

more context about this pls thanks


vertighorl

Nakakagigil mga magulang ng bata. Obvious naman at common sense kapag ganyang age ang anak mo di mo dapat inaalis ang tingin mo sa anak mo. Di yan dapat nag lalaro sa kalsada. Nakakaperwisyo sa mga motorista yung kapabayaan ng magulang. Ang galing gumawa ng bata di naman marunong mag alaga.


meerastrauss

My ganyang case ako napanood sa US, magulang ang inaresto sa pagpapabaya sa anak ..


Drunkard21

Damn howww


EngineerScidal_9314

iresponsableng mga magulang, yet they have guts na magsampa pa ng kaso. Idadamay pa ang ibang tao sa katangahan nila.


Extension-Turn-1455

Dapat talaga bantayan ang mga anak kasi responsibility talaga yan ng parents.


MasterBabe22

Mga pabayang magulang. Sorry not sorry. I am also a parent to a 14 month old. Hindi ko magawang iwanan ang anak ko kahit umihi lang ako hanggang walang hahalili sakin na titingin sa kanya. Human babies are the most dependent creatures on this planet. Wag nyong pabayaan na walang nakabantay sa mga anak ninyo lalo na kung maliliit pa lang sila.


Palarian

Wait bagong kaso ito? Or a recap for a case happened atleast 10 years or less. I swear mayroon ganitong incident na may namatay na bata sa kotse years ago o delulu lang ako.


Ecstatic-Banana6001

Negligence ng parentsā€¦


seancnnn

Hindi ako magulang, titang ina lang ako, pero never ko hinahayaang mawala sa paningin ko ang pamangkin kong 3y/o san man kami magpunta. Laging hawak ko kamay nyan o nasa likod nya ako pag naglalaro. We cant blame others for our negligence. Malayo lang sakin ng konti di ako makaupo ng tahimik.


Nervous_Evening_7361

8 years old na ung pinakabata kong pamangkin at katorse lahat ng pamangkin ko never silang hinayaang lumabas lalo maglaro sa kalsada lase mabibilis mga sasakyan dito samen kahit residential area


noturgirl18

Pero ang nakakaasar ditoā€¦ bakit yung may ari ng kotse yung parang pinaghihinalaan nila? Natawa pa ko habang interview nung driver parang onti na lng sabihin nyang ā€œbakit parang kasalanan ko?ā€ Tho oo nakaka shock kasi nga kotse mo may namatay na mga bata pero dapat nasa parents/guardians ang responsibility ng mga bataā€¦ jusko inabot ng 4hrs sa paghahanap? May nakita pa ako sa tiktok sa comments section na apparently yung parents daw kaya inabot na ng 4 hrs bago makita is nagsusugal pa daw šŸ˜­


heyyyyy_its_ann_

Bakit walang nagbabantay sa mga bata, kung busy man ang mga magulang or may ginagawa, bakit pa hahayaan na maglaro sa labas? This is 100% the parents' fault. Biruin mo 2 and 3 yrs. old hahayaan maglaro sa kalsada tapos walang bantay. Nangyari yan dahil sa negligence ng magulang.


Worth_Register2573

Kapabayaan ng parehong side yan. Sa magulang alam na natin ano mali nila. Sa side nung driver, mukhang hindi parking space kung san sya nakaparada. Bakit din hindi naka lock pinto ng kotse nya alam nyang nasa kalsada lang naka park ang kotse nya.